Dagli 32

14 0 0
                                    

Alas-singko pasado na nang ako'y maggising. Subalit , limang minuto rin ang aking hinintay bago pa ako tuluyang makabangon sapagkat nanunuot ang matinding lamig sa aking balat. Nanginginig man ang buong katawan ay dali-dali kong kinuha ang pinakamakapal kong jacket sa aking kabinet at agad itong sinuot.
Pagkatapos nito'y agad na akong dumiretso sa kusina upang kunin ang basket at tumungo na sa hardin. Sakto at gutom na ako. Masarap kasing kumain lalo na kapag napakalamig ng panahon. Sabagay, bakit hindi na ba ako nasanay na ganito na talaga ang klima rito.
Kinusot ko na lamang ang aking mga mata at nagpatuloy na sa paglalakad palabas sa kabahayan nang bigla akong may marinig na isang tinig.
"Manel!"
Masigaw na sambit nito na mas nagpalamig sa simoy ng hangin.
Napalingon ako sa bigla at nagulat nang makita ang pagtataka sa mukha ni inay.
"Aba'y saan ka pupunta? Hindi ba't may pasok ka? Bakit dala mo 'yang basket ko? Hindi naman kita inutusang mamalengke ah!"
Matagal din akong napatitig sa basket saka muling tumingin kay inay.
"Po? Mamimitas lang po sana ako ng strawberry."
Wika ko na sinundan ng napakalakas niyang halakhak.
Nagtataka man ay hinawakan ko na lamang  ng mahigpit ang basket at tumalikod na sa kaniya subalit halos mabitawan ko ito nang muli siyang magsalita.
"Lokong bata ito, tulog ka pa ba? Eh wala naman tayong strawberry dito!"

Natauhan ako.
Pambihira.
Bicol pala ito. Akala ko Baguio.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon