Dagli 10

33 1 0
                                    

Envelope
Maluha-luhang binagtas ni Justin ang maputik na palayan dala ang isang maliit na envelope at ang punong-puno niyang backpack. Sa kabila ng matinding sikat ng araw ay naggawa pa rin niyang bilisan ang lakad dahil tiyak na hinihintay na siya ng kaniyang ama sa kanilang bahay. Mahigit tatlong linggo din bago siya nakakauwi dahil sa layo ng pinapasukan niyang unibersidad. Kolehiyo na si Justin at sa katunayan ay hindi lamang ang kaniyang magulang ang nagsusumikap na mapag-aral siya kundi maging siya mismo dahil kagaya ng iba, working student din siya.
Maya-maya lamang ay natanaw na niya ang kanilang maliit na kubo kaya naman mas bumilis ang tibok ng kaniyang puso at nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata na kanina pa kumakawala. Sa wakas ay nakarating na din siya subalit iba ang pakiramdam niya ngayon kumpara sa nakaraan niyang pag-uwi na ibinalita niya ang napasukang trabaho. Mabigat ang kaniyang pakiramdam. Napakabigat.
"Kalma lang. Kaya mo ito"
Aniya habang humahakbang papasok sa kabahayan.
"Kuya! Tay! Anjan na si Kuya!"
Napapikit na lamang siya nang biglang marinig ang boses ng kapatid na si Lisa. Parang hindi naman siya nasanay sa kaingayan ng kapatid sa tuwing siya'y dumarating galinhalongg sa malayong bayan.
Sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay kaniyang naaninag ang maaliwalas at nakangiting mukha ng kaniyang ama. Nais niyang maluha subalit pinilit niyang pigilan ang sarili at dahan-dahang inabot ang envelope sa haligi nilang tila ba hurado na napakataas ng "expectation".
Matapos maiabot ay agad siyang napaupo sa gilid ng kanilang inaanay na mesa at napatitig na lamang sa plastic bottle ng Coca Cola na nakapatong doon.
"Buti pa ito, 1.5."
Aniya habang hinihintay ang inaasahang sermon ng kaniyang ama.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon