Sa pagmulat ng aking mga mata ay isang pamilyar na lalaki ang aking naaninag. Muli kong kinusot sa unang pagkakataon ang aking mga mata upang tuluyan ko siyang makita at hindi nga ako nabigo bagkus ay nanatiling gulat sa mga pangyayari.
Ang lalaking nasa harap ko ay walang iba kundi si Jose. Oo , si Jose. Ngunit teka, bakit naririto si Jose? Ano ang kaniyang pakay?
Gulat man ay nanatili akong nakatitig sa kaniyang mukhang hindi ko maipinta. Bakas sa kaniyang postura, tindig at pananamit ang pagiging ilustrado bagaman hindi siya ganoon katangkaran ay kakikitaan pa din ng pagiging maginoo ang kaniyang kilos.
Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay walang pag-aatubili ko siyang tinanong."A-anong ginagawa mo dito?"
Ang tangi kong naturan sa lahat ng mga katanungang pumapasok sa aking isipan.
Hindi siya sumagot, bagkus ay iniabot sa akin ang isang nakatuping papel. Agad akong kinabahan, ano itong papel? Ito na ba ang sinasabing retraksyon? Naku, at malalaman ko na ba ang buong katotohanan? Ito pa lang ang naging paksa ng aming debate kumakailan ah. Ang galing! parang bumalik yata ako sa nakaraan!Bago ko pa man tuluyang maabot ang papel na iyon ay halos magsitindig ang aking mga balahibo sa katawan sa sumunod kong narinig.
"Excuse letter ko nga pala , Josephine. Di ako papasok ngayon masakit ulo ko."
Aniya.
Pambihira. Akala ko retraksyon. Excuse letter lang pala.
Hays, Jose.