Dagli 21

27 0 0
                                    

Bulaklak
"Seryoso? Ni hindi man lamang siya nagbibigay ng chocolate or flowers sa tuwing magdedate kayo o kaya'y tuwing anniversary? Tao ba talaga yan? Bakit parang walang pakiramdam? Walang effort?"
Ang palaging sinasambit ng bestfriend kong si Karen sa tuwing sumasapit ang anniversary namin ni Gian. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at nagkunwaring walang epekto ang sinabi niyang iyon sa akin. Dahil gets ko na. Hindi kasi niya gusto si Gian para sa akin. She's a kind of friend na hindi naman strict pero talagang choosy at napakaraming expectation. Daig niya pa nga si Mama kung ako'y pagsabihan and that's her way of showing care. Kaya kahit papaano'y nasasanay na rin ako sa kaniya.
Pansamantala ko na munang itinago ang aking phone at muling humarap sa kaniyang nakabusangot na mukha. I know , she's judging my boyfriend again , the many times around. Pero hindi ko naman siya masisisi dahil hindi kami parehas ng mindset, lalo na pagdating sa love.
"Hindi naman kasi sa materyal nasusukat ang pagmamahal. Nasa puso iyon. Sapat na sa aking kasama ko siya at mahal namin ang isa't isa."
Ang tanging sambit ko.
Mapapairap na lamang siya sabay sabing, "Bahala ka, concern lang naman ako. Ewan basta para sa akin kulang yung care , yung love. Parang wala siyang pake."

Oo. Gian is not that ideal man if you only weigh. Mabait siya at maunawain ngunit hindi kagaya ng iba na sobrang ma-effort at mahilig sa surprises. May itsura rin naman at ang isang bagay na nagustuhan ko sa kaniya'y ang angking talento sa pagguhit. Naalala ko pa nang minsang bigyan niya ako nang isang artwork na siya mismo ang nagguhit. At ang nakaguhit doon ay walang iba kundi ako. Ewan ko, sadyang naaamaze lang ako sa mga talentong kagaya ng sa kaniya kaya sinagot ko na rin siya.

Isang buwan din ang lumipas at muling sumapit ang aming monthsary. It's been 13 months mula nang makilala ko siya. Parang kailan lang nang niligawan niya ako at ipaglaban ko siya sa mundong mapang-api at mapanlinlang. Ganoon naman talaga. Kahit anong gawin mo, may masasabi at masasabi sa iyo ang mga tao.
"Hay nako. Kung ako saiyo'y hiwalayan mo na yang boyfriend mo! Maghanap ka nalang ng iba. Sa tingin ko kasi'y hindi siya seryoso. Eh kung seryoso yan bakit lagi ka nalang niyang pinaghihintay sa tuwing may date kayo? Dapat ikaw ang hinihintay at hindi ikaw ang pinaghihintay! Hindi maginoo ang tawag riyan!"
Ang paulit-ulit na tugon ni Mama na patuloy kong naririnig sa tuwing iniisip ko si Gian. Kagaya ng inaasahan ay hindi rin boto si Mama sa kaniya. Madalas din kasi nilang mapansing hindi lumilipas ang araw na hindi ko siya hinihintay ng matagal. Kung darating naman siya'y wala man lamang yakap o halik siyang isasalubong. Tila ba normal lang ang lahat , nag-uusap kami at nagpapalitan ng salitang "mahal kita" subalit walang "spark" na namamagitan sa aming dalawa. Subalit kahit na ganoon ay mahal ko pa rin siya at walang makakapagpabago niyon. Kahit ang isang piraso ng bulaklak na ni hindi man lamang niya maibigay sa akin.
Sa mga oras na ito'y iisa lamang ang tumatakbo sa utak ko, iyon ay ang konklusyon na baka may surpresa siyang inihanda kaya siya natagalan. Mas nais ko na lamang isipin iyon kaysa sa ekspektasyong baka hindi na siya dumating. At kahit na imposible'y aasa ako. Aasa at aasa ako.
Maya-maya lamang ay napangiti ako nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa akin.
Subalit, napawi ang aking ngiti nang makitang wala siyang dalang kahit na ano. Bakit nga ba ako umasang magdadala siya ng bulaklak?
Sa gitna ng pangamba'y inilagay ko na lamang ang aking kamay sa kaniyang braso at naglakad papasok ng resto.
/
"Happy 2nd!"
Sa pagdaan ng panahon ay palaging ganoon ang eksena naming dalawa. Marami mang tutol sa relasyon namin ay buo ang desisyon kong siya'y ipaglaban.Mahal ko si Gian. At alam kong mahal niya rin ako.
Subalit, iba ang ngayon.
Mag-isa akong nakaupo sa isang napakatahimik at napakaaliwalas na lugar nang may matanaw akong isang lalaki sa kalayuan. Lumawak ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko siya,
Si Gian.
Ngunit mas ikinabigla ko ang kaniyang dala, isang kumpol ng pulang rosas.
Hindi ko alam kung nananaginip lamang ako kaya naman nagmadali akong tumakbo papalapit sa kaniya. Nangilid ang luha sa aking mga mata nang makita siya.
"Gian!"
Kasabay ng aking paghakbang ang pagsigaw ko ng malakas sa kaniyang pangalan. Ngunit bakit? Bakit tila ba hindi niya ako naririnig.
Nang tuluyan na siyang makalapit ay muli akong napatigil nang masilayan ang unti-unting pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mata. T-teka , bakit ang lungkot niya gayong may hawak siyang bulaklak para sa akin? At bakit nagmistula akong bula sa harapan niya?
Matagal ko rin siyang tinitigan bago ko napansin ang pangalang nakaukit sa puting semento kung saan ako nakatayo ngayon..

Hindi. Hindi maaari.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon