Dagli 27

14 0 0
                                    

Ligaw
"Sakay ka na."
Nakangiti niyang sabi sa akin nang kaniya nang ihanda ang kaniyang trycicle. Sahalip na siya'y pansinin ay nagkunwari akong bingi at muling tinitigan ang isang bagong pitas na rosas na ibinigay niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit labis akong nawiwili sa tuwing ako'y nakakatanggap ng mga bagay kahit na simple lamang.
"Hindi mo ba nagustuhan?"
Napatid ang pagtitig ko sa rosas nang muli siyang magsalita. Kaya naman nagmadali na akong sumakay sa loob nito at tumingin sa kaniya. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Pasensya na. Wala pa kasi akong budget sa ngayon . Pero huwag kang mag-alala magsisikap ako. Para kapag pinakilala mo na ako sa kanila'y may patutunayan ako---"

Napalunok ako.
Hindi ito ang inaasahan kong salita na mamumutawi sa kaniyang bibig.
"Hindi. Sa totoo nga niya'y nagustuhan ko. Salamat."
Ang maikli kong tugon sa kaniya. Doon lamang siya natahimik at sinimulan na ang pagmamaneho. Mahigit isang taon na din nang magkakilala kaming dalawa. Halos sa labas lamang kasi ng pinapasukan ko pumipila ang kaniyang sasakyan. Kaya simula noon ay palaging sa kaniya na ako nagpapasundo at nagpapahatid. Kaya siguro gayon na lamang nahulog ang loob ko sa kaniya. Gayon rin siya.
"Sa boarding house nalang ako bababa.."
Muli kong tugon sa kaniya sabay lagay ng earphones.
--
Maya-maya lamang ay isang nakabibinging pagpreno ang aking narinig kaya naman halos mabitawan ko ang selpon kong dala.
Napakamot na lamang ako ng ulo at muling tumingin sa kaniya na kasalukuyan kong drayber.
Nagbalak sana akong tanungin siya subalit napatigil ako nang makita ang kakaibang ngisi sa kaniyang mga mata.
Muli kong nilibot ang aking mga mata sa paligid. At nabalot ng kaba ang aking dibdib nang makitang ibang daan na pala ang tinatahak namin.
Subalit mas nakakakilabot isiping wala akong rosas na dala.
At wala akong manliligaw.

Pagbabagong morpoponeniko ba ito?
Mukhang nabago ang diin!
Man-liliGaw!

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon