Ulike
"Josh , selfie tayo!"
Napatigil ako sa paglalaro nang biglang sumigaw si Venus. Nakangiti siya sa akin habang nakataas ang kaniyang kamay hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Kung hindi ko lang siya kaibigan eh matagal ko na siyang iniwan dahil sa kadaldalan niya. Pero hindi. Dahil kahit papaano'y may pinagsamahan kaming dalawa.
Kagaya ng inaasahan , agad niyang itinutok ang front cam sa aming dalawa sabay "click">. Pang-ilang selfie na ba namin iyon. Halos minu-minuto kasi'y iba't ibang anggulo ang kaniyang kinukunan. Siya ang tipo ng tao na hindi kumpleto ang araw kapag hindi nakapag-selfie.
"Ayieee , post ko na naman ito.."
"Hoy , sinabi ko bang ipost mo yan?"
Sambit ko sa kaniya. Napatitig siya sa akin sabay ngiti ng malawak.
"What's wrong with it? Ang cute mo kaya dito. Tsaka may filter - naka- ulike ako dude ."
Aniya na mas nakapukaw ng aking atensyon.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinabahan at muling napatitig sa kaniya.
"Ulike? Ulike me?"
Nabigkas ko out of the blue.
Nahalata ko ang pamumula ng kaniyang mukha na sinabayan ng pagtawa.
"ANO DUDE? HAHAHAHAHAHA!"
Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin - ang pagsampal sa akin ng katotohanang,
Bestfriend lang ako. and ULIKE somebody else.
