Magkano lahat?"
Wika ng isang maputing babaeng nakasuot ng puting dress hawak ang kaniyang kumikinang na pitaka.
"5,999 pesos po lahat Ma'am."
Nakangiting sagot ng cashier sabay bigay ng resibo."ANO BA IYAN! MAHAL."
Reklamo ng kupasing si Blusa na kasalukuyang naka-display sa isang tukador.
"May label kasi."
Nagulat naman ito nang muling magsalita ang kaparehang si Palda , bakas ang inip at lungkot sa mukha nito.
-Dulot ng lumipas na isang taong hindi man lang sila mabili-bili.
