Dagli 20

22 0 0
                                    

"Sa Jollibee, mamaya 6 pm sharp."
Muli akong napangiti sa text niya. Akala ko pa naman nakalimutan niyang monthsary namin ngayon kaya gayon na lamang kanina ang aking pag-aalala habang hinihintay ang kaniyang text. I just type , "Ok, see you." as reply
Pansamantala ko na munang iniligpit ang laptop at ang lahat ng dokumentong aking inaasikaso at kaagad nang tumungo sa kwarto upang magbihis. Makakapaghintay naman siguro ito.
Buong pag-aalangan kong binuksan ang aking aparador at agad na napakamot ng ulo. Hindi ko na naman kasi alam ang susuutin. Kung paano bang halos sumabog na ito sa sobrang dami ng damit ay gayon namang hirap para sa akin ang pumili.
Pagkatapos ng ilang minuto ay sa wakas , napagdesisyunan ko na rin kung ano ang aking susuutin. Isang simpleng pink dress lang naman na may ribbon sa likod. Sinuklay ko ang aking magulong buhok at naglagay na rin ng kaunting make-up. Ayoko kasing magmukhang manang sa harap niya.
Pagkatapos ng paganda session ay dali-dali na akong tumungo.
Pasado alas-sais na nang makarating ako sa Jollibee. Halos ang dami pa din ng tao kahit pa-gabi na. Sa pag-aasam na makita siya'y kaagad na akong pumasok sa loob at napangiti nang makita ang isang lalaking mag-isang nakaupo sa isang bakanteng mesa. May dala siyang isang boquette ng flowers. Napakaswerte ko naman sa kaniya. At nagkaroon ako ng kagaya niya. Sa tingin ko kasi'y bihira na lamang ang mga lalaking maginoo sa panahon ngayon.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya'y halos malaglag ang kaniyang panga nang makita ako.
"S-sino ka?"

Gulat niyang sambit sabay tingin sa cellphone na kasalukuyan kong hawak.

"Teka ,Bat' nasa iyo cellphone ng girlfriend ko??"

Muli niyang sambit na nagpalaglag din ng aking panga.
Potek. Wala nga pala akong jowa. At napulot ko lang ang cellphone na ito.

Mga Dagli Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon