"Good morning!"
Nakangiti kong bati sa kanila nang ako'y makapasok sa aming silid. Subalit kagaya ng aking inaasahan ay ni wala man lang pumansin sa akin nang ako'y pumasok. Tahimik na lamang akong naupo at muli silang pinagmasdan na abala sa kanilang mga ginagawa. May mga nagdadaldalan at may mga kumakanta. Kapansin-pansin din ang mga kalat sa paligid. Subalit, mas nakapukaw ng aking atensyon ang isang babaeng tahimik lamang na nakaupo sa isang sulok ng classroom. Muli akong napangiti. Si Joana , oo siya nga si Joana. Matagal na akong may may pagtingin sa kaniya ngunit kailanman ay hindi ako nagkalakas ng loob na aminin iyon sa kaniya at siya'y ligawan dahil alam kong walang pag-asa. Nasanay na akong pagmasdan ang mala-anghel niyang mukha kahit ilang distansya pa man ang pagitan naming dalawa. Maging ang kaniyang maputi at makinis na kutis. Ang kaniyang nakakaakit na ngiti at mapulang labi. Ang kaniyang napaka-SEXYng katawan.
Halos lahat na nga ng tipo at nais ko sa babae ay nasa kaniya na. Mabait din siya at mahinhin. Dream girl kumbaga.
Sinubukan kong ilayo ang aking tingin at ituon ang pansin sa mga schoolworks na nasa aking mesa subalit kahit anong gawin ko'y patuloy na nagtatama ang aming mga mata. Sa katunayan nga'y hindi ito ang isang beses na nagkatitigan kaming dalawa. Malimit ko rin kasi siyang mahuling nakatingin at nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung paano at bakit. Ayoko namang mag-assume na gusto niya rin ako."George! I-collect mo na ang lahat ng notebooks! Baka magalit si sir!"
Nabalik lamang ako sa reyalidad nang sumigaw si Evan, ang class president ng klase.
Napalunok na lamang ako at muling pasulyap na tumingin sa kaniya... na kasalukuyan din palang nakatitig sa akin.
Pakiramdam ko'y pinagpawisan ako ng malamig.Sa gitna ng matinding ingay sa loob ng klase ay nagpasya na muna akong lumabas saglit.
At sa aking paghakbang palabas ay isang mala-anghel na boses at maamong mukha ang muling tumambad sa akin.
Napalingon ako. At tinitigan ang kaniyang mapulang labi.
dug dug dug
Matagal na nga akong may pagtingin sa kaniya. And I again realized all of it ngayong muli ko siyang nakaharap.
It's a bit crazy.
No, it's crazy.
"Sir, pwede po bang mamayang hapon na lang magsubmit ng assignment? Nakalimutan ko po kasi.."
--------
It's crazyDahil hindi pwede.
Hindi kami pwede.