For the nth time, I sighed again as I played with the straw of my drink as I keep on listening to the endless conversation of the three people in front of me. Gustuhin ko mang hindi makinig ay hindi ko naman magawa. Hindi ko naman sila pwedeng suwayin na tumahimik dahil sa naririndi na ako sa mga tawanan nila at baka mapektusan ako ni Jinny.
"What about on Deguro? I heard there's a horseback riding there." excited na suhesyon ni Mari.
"Oh! Yeah, yeah! I heard about that place too! Gosh! What about on Saturday? Free ba kayo?" napaikot ko na lamang ang mga mata ko ng marinig ang nakakarinding boses ng isang outcast. Damn! I thought this is our day! Just for the three of us. Pero bakit may asungot na bigla na lang sumulpot? And to make it worst, pati siya ay nagpaplano na rin ng mga bagay na dapat sanang sa amin lang na magkakaibigan.
"What about you, Charm? Are you busy on Saturday?" kaagad na tumaas ang kilay ko dahil sa biglaang pagtanong niya sakin. Pasimple akong umiwas ng tingin sa kanya at nagkunwaring walang narinig. We're not that close para pag-aksayahan ko siya ng laway ko no. Pero napaaray na lamang ako nang may biglang kumurot sa hita ko. Kaagad kong nilingon at sinamaan ang salaring walang iba kundi ang malditang si Jinny na pasimple akong pinanlakihan ng mga mata. Inirapan ko naman siya at pasimpleng kinamot ang hita kong kinurot niya.
Puteks! Masakit yun ha! Muli niya akong pinanlakihan ng mga mata nang mapansing naghihintay ang dakilang asungot sa sagot ko. Kahit labag sa loob kong kausapin ito ay napilitan na lamang akong sumagot para tigilan na ako ni Jinny.
"Well, I have an appointment on Saturday so I definitely can't go." sagot ko at kaagad na tumingin sa labas ng cafe na malapit lang din naman sa restaurant na pinagkainan namin kanina. Wala naman talaga dapat sa plano namin ang pumunta at magstop over dito eh. Kung hindi lang sana kami nacorner ng babaitang to.
Wala na akong narinig na kung anong reklamo at panghihinayang sa kanila. Mukhang nabasa naman nina Jinny at Mari kung ano ang tumatako sa isip ko kaya hindi na nila ako ginulo. Maya-maya ay nagpaalam silang dalawa na magccr muna. Kaya heto, naiwan akong kasama ang babaeng gusto kong itapon sa kung saang lupalop man ng universe nang sa ganun ay hindi ko na makita pa.
"You've been so cold to me, Charm. I thought we were friends?" hindi ko maiwasang matawa ng pagak dahil nakakalokang isiniwalat niya.
"Friends? Kailan pa? Bakit hindi ko yata nabalitaang naging magkaibigan tayo?" sarcastic kong sabi sa kanya. Natahimik naman siya pero hindi inaalis ang disappointment sa mukha niya. Duh! Who the hell gave her the permission to be disappointed on me? Sino ba siya sa inaakala niya?
"You hate me, do you?" mahinang sabi niya dahilan na sinalubong ko ang mga tingin niya. I look at her intently before I shrug my shoulders.
"Maybe?"
"Can you tell me why? You see, I don't want us to have this kind of relationship that can totally damage our friendship towards Mari." hindi ko mapigilang mapaismid dahil sa sinabi niya.
"Then spare me with your bullsh*ts." nakita kong umawang ang labi niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Dahan-dahan akong nangalumbaba sa mesang nakapagitan samin at puno ng pagkasuklam siyang tinignan.
"Bakit ka pa kasi bumalik? Why, Eiko? Dahil kay Mari? I don't think so." may pagdududa kong sabi. Kaagad na sumeryoso ang mukha niya dahilan na umangat ang dulo ng labi ko. Now, let me see the real you.
"Ano bang alam mo?" malamig niyang saad. Umaayos ako ng pagkakaupo at ipinagcross ang mga binti ko habang sinasalubong ang mga tingin niya.
"Cebi." nakita ang pasimpleng paglunok niya kaya napangisi ako. Just as I thought.
"Akala ko ba, kayo ni Yuhan? I even heard na nagpropose siya sayo. What happen, Eiko? Bakit pagkatapos mong umoo ay binawi mo din kaagad ang sagot mo?" puno nang pang-iinsulto kong tanong sa kanya.
"Stop acting as if you know everything because you don't." dahan-dahan akong umiling sa kanya.
"Oh my, I never thought that you could be this mean to someone who almost gave everything to you and treated you as if you're his Queen." Pang-uuyam kong sabi sa kanya at ngumisi.
"And what about you? I never thought that I can meet someone who acts like a dog and keep on chasing someone that don't even want to be with him." kaagad na nawala ang ngisi sa mga labi ko dahil sa sinabi niya.
"W-what?" this time, its her turn to smirk.
"Such a b*tch." dugtong pa niya dahilan na maiyukom ko ang kamao ko. Sinasagad talaga ng babaeng to ang pasensya ko.
"And so are you." balik ko sa binato niyang salita sakin.
"Ang pinagkaiba lang nating dalawa, ako ni minsan ay hindi ko naisip na gumamit ng iba at dumikit sa iba habang siya pa rin ang laman ng puso ko. Ni minsan hindi ko niloko ang sarili ko na wala na akong nararamdaman para sa kanya. Eh ikaw? Anong ginawa mo kay Yuhan? Matapos mong gamitin at pinaniwalang mahal mo rin siya ay basta-basta mo na lang siyang itinapon na parang basu----" napapikit ako ng mariin ng walang sabi-sabi niyang itinapon sa pagmumukha ko ang laman ng baso niya. Narinig ko agad ang singhapan ng ibang taong nakasaksi nun. Pero hindi ko yun pinansin at kaagad na iminulat ang mga mata ko at nginisihan siya bago tumayo.
"Kahit isang balde pa ng tubig o juice ang isaboy mo sa pagmumukha ko, hindi mababago nun na isa ka paring manggagamit na tao." saad ko at inilapit ang mukha ko sa kanya.
"And remember this Eiko. Ikaw man ang laman ng puso niya, sisiguraduhin kong ako ang magiging dahilan ng pagkabaliw niya. You see, I'm not the type of person that gradually give and give and give. Because I'm always getting something in return. That's how dangerous I am kapag ubos na ubos na talaga ang pasensya ko." makahulugang saad ko sa kanya bago siya tinalikuran at lumabas ng cafe na yun. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Mari pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa.
This day is already a disaster for me and I am hella tired to argue with them. I just want to go home and take a rest. That's the only thing I want and need right now.
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...
![Chancy Revenge [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/162652360-64-k213830.jpg)