_CHARM_
"What kind of set-up is this?" hindi ko mapigilang iusal habang diretsong nakatingin kay Eiko na sa ngayon ay nakaupo sa harapan ko. Mari called me for dinner dahil sa dumating na sina tito at tita but I never expect na pati din pala ang babaeng ito ay invited!
Nakakahiya naman kina tita kapag ngayon pa ako magwawalk out dahil lang sa pangit na 'to.
"Kompleto na pala tayo eh. Lets eat na kids!" masayang sabi ni Tita na sabay naming ikinasimangot. Maliban na lang sa plastic at playing safe na si Eiko na ngumiti pa kuno.
"Ma, di na po kami mga bata." saad ni Mari pero tinawanan lang siya ni tita na ipinagsandok si tito ng kanin.
"Pero may kid po dito--aray!" hiyaw ni Jinny at sinamaan ako ng tingin. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Wala talagang preno ang bunganga ng isang 'to. Makukurot ko talaga ito sa kasingit-singitan ng singit niya mamaya!
Hindi na siya nagsalita pa at inintindi na lamang ang mga pagkaing nakahain sa harapan namin. Tita cooked so many foods. Parang may piesta na nga eh. Iba-iba ang putahe.
Kumuha na lamang ako ng ginataang hipon. Nakakatakam kasi lalo na't ang lalaki ng mga ito.
"Ako na." alok ni Yuhan at inunahan ako sa pagkuha ng sandok. Hinayaan ko na lamang siya total ay nasa harapan naman niya nakalagay ang putahe. Nasa kabilang side kasi kami ngayon nina kuya Loki, ate mina, Mari, Cebi at heto nga, kaharap ko si Eiko. Nakakawalang gana tuloy kumain.
"Thank you. Ay, yung lumpia na nga rin." pahabol ko pa kay Yuhan na wala namang reklamong sumunod sakin. Nasa tabi ko lang siya at kabilang side ko naman ay si Jinny na todo na ang kain.
"Here." nakangiting sabi sakin ni Yuhan at ngumiti pa ng nailagay na niya ang dalawang piraso ng lumpia sa tabi ng mga hipong kinuha niya rin.
"Paabot nga nung pi---"
"May kamay ka naman, Charm diba? Ikaw na lang ang kumuha. Pakainin mo naman yung tao." mahinahong sabi ni Eiko na ikinatigil naming pareho ni Yuhan at napatingin sa kanya. Imbes na sagutin siya ay iningusan ko lang siya at kinuha sa kamay ni Yuhan ang pitsel na may lamang tubig. Pagkatapos nun ay ako na mismo ang sumandok ng kanin at naglagay ng ulam sa pinggan ni Yuhan.
"Yan, ako na ang gumawa kasi may kamay nga din naman ako. Pakabusog ka ha." sarcastic kong sabi kay Yuhan na napangiti lang dahilan na lumabas ang malalim niyang dimple sa pingsi niya. Nag-umpisa na lamang kaming kumain pero napalingon ako kay Yuhan ng aksidenteng nagkabunggo ang mga siko namin. Kinunutan ko siya ng noo dahil sa naistorbo niya ako sa paghihimay ng hipong kinakain ko pero nginitian lang niya ako.
"Aww, ang cute niyo namang dalawa. Kayo na ba?" nabitin sa ere ang kamay kong hawak ang nahimay kong hipon dahil sa biglang sinabi ni tita. Sinundan pa ng nakakagigil na hagikhik ni Jinny na nagpainis sakin.
"Hindi po tita." kaagad na angal ko pero nginitian lang ako ni tita.
"Hindi pa?" sulsol pa niya.
"Walang 'pa' tita kasi never na magiging kami. Duh!" hindi ko napigilang ireact. Huli na para bawiin ko yun kaya napatingin na lang ako kay Yuhan. Baka kasi na-offend ko siya. Napalunok ako ng ngumiti lang siya sakin at ipinagpatuloy ang pagkain niya. Naguilty tuloy ako.
"Sayang naman. Bagay pa naman sana kayo." pagpupush pa ni tita kaya sinita na siya ni tito.
"Hayaan mo na, mahal. Kung sila talaga, sila na talaga sa huli." mas lalo naman akong napasimangot sa sinabi ni tito.
"Basta hija ha. Pag kinasal kayo, invited ako!" nagulat kaming lahat ng bigla na lamang malakas na binaba ni Cebi ang kutsara't tinidor niya.
Lahat kami ay napatingin sa kanya pero ang mga nagbabagang mga mata niya ay nakatuon lang sakin. Napaubo tuloy ako dahil sa nalunok ko ng wala sa oras ang buo pang hipon. Kaagad akong dinaluhan ni Yuhan at inabutan ng tubig. Ni hindi ko na pinansin ang paghawak ko sa kamay niyang nakahawak din sa basong iniinuman ko.
Muli akong napaigtad ng marahas na tumayo si Cebi.
"May problema ba, Cebi?" nagtatakang tanong sa kanya ni tito.
"Busog na ako." malamig na sagot lang niya at umalis kaagad sa hapag kainan. Napakunot naman ang noo ko ng tignan ko ang hindi pa yata nangangalahating pagkain niya.
"Yaan niyo na yun. Kumain na lang tayo. Kakain din naman ulit yun kapag ginutom." sabi ni kuya Loki kaya itinuloy na lamang namin ang pagkain namin ng bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko mapigilang mapasimangot. Pilit akong ngumiti kina tito at tita.
"Excuse me po muna. Kailangan ko lang po 'tong sagutin." paalam ko.
"Go on, hija. Mukhang importante yan." sabi lang sakin ni tito kaya tumango lang ako at tumayo. Dali-dali akong pumunta ng kusina para maghugas ng kamay at lumabas para sagutin ang tumawag sakin.
"Hello, Mr. Anderson. Sorry kung natagalan ang pagsagot ko." hinging paumanhin ko dito.
[No, its okay.]
"Bakit po kayo napatawag? Are you--"
[This is not about the design and please, just call me Luis, Charm.] panandalian akong natigilan dahil sa pagbigkas niya ng pangalan ko.
"Then, what about it L-Luis?" medyo naiilang kong tanong dito.
[Can I invite you for a lunch tomorrow?]
"L-lunch? A-ahm, su--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng biglang may umagaw ng cellphone ko sa kamay ko.
"She can't. She's busy." malamig na sabi ni Cebi at kaagad na ipinatay ang tawag. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang ginawa niya.
"H-hey! Why did you do that?! That was my---"
"Your what?! Isa na naman sa mga lalaki mo?! Ganyan ka ba talaga?! Kani-kanina lang ay lantaran ang landian niyo ng Yuhan na yun tapos ngayon iba naman!" panunumbat niya sakin dahilan na mabilis na lumipad ang palad ko sa pisngi niya.
"Ganyan ka na rin ba talaga ha, Cebi? Hinuhusgahan mo na kaagad ako kahit wala ka namang proweba." matalas niya akong nilingon dahilan na nakaramdam ako ng konting takot.
"Bakit? Hindi pa ba proweba yung nakita ko kanina? At ako? Hinuhusgahan ka? Hindi kita hinuhusgahan, Charm. Sinasabi ko lang kung ano yung nakikita ko!"
"Gusto mo rin bang malaman kung ano yung nakikita ko ngayon?" paghahamon ko sa kanya.
"Ayokong mag-assume pero sa nakikita ko ngayon, nagseselos ka." nakita kong nag-igting ang panga niya sa sinabi ko.
"Bakit naman ako magseselos? At kanino? Bakit? Sino ka ba?" aaminin ko, sobrang sakit nung sinabi niya sakin. Sobrang sakit na parang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko.
"Sinasabi ko sayo na ngayon pa lang, tigilan mo na ang pag-iilusyon mong yan. Kahit magmakaawa ka pa sa harap ko, hinding-hindi ko ibibigay sayo itong puso ko." tuluyan na ngang nagbagsakan ang mga luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit pa rin pala talaga kapag sa bibig niya mismo nanggaling.
"Huwag mo 'kong iyakan. Hindi mo ako makukuha sa ganyan." sikmat pa niya na mas lalong ikinaiyak ko. Gusto ko siyang saktan! Gusto ko siyang pagsasampalin pero hindi ko magawa.
Hindi ko deserve ang ganitong sakit. At mas lalong hindi ko deserve na pagbintangang malandi dahil wala naman akong ginawang mali. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at sinalubong mapanghusga niyang mga mata.
"Tama ka nga naman. Sino ba ako sayo? Wala naman diba?" pag-uumpisa ko at muling pinunasan ang mga luha ko.
"At sino ba naman ako para mahalin mo di ba? Pero itong tatandaan mo Cebi, hinding-hindi ako magmamakaawa sayo. Hinding-hindi. Kahit anong mangyari, hindi-hindi mo maririnig sakin ang salitang yan. Itatak mo yan sa kokote mo. I will never beg to you, NEVER."
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
Roman d'amourLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...
![Chancy Revenge [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/162652360-64-k213830.jpg)