EPILOGUE:
_MARI_
Mabilis akong napalingon sa pinto dahil sa malakas na pagbukas nito. Sa hindi malamang dahilan ay napatayo ako kaagad ng makita si Kuya Cebi na pumasok.
Magulo ang buhok nito at parang wala sa sarili. Malalaki ang mga hakbang akong lumapit sa kanya.
"K-kuya..." Nag-aalala kong tawag sa kanya. Tila doon lang niya akong napansin na nakatayo sa harapan niya. As soon as our eyes meet, I froze when I saw how his tears fall from his eyes. Walang salita niya akong niyakap ng mahigpit at binuhos lahat ng sakit na nararamdaman niya.
Noong una ay hindi pa ako nakagalaw dahil sa pagkakabigla. Natauhan lang ako ng muntik na kaming matumba kaya mabilis ko siyang niyakap.
Hindi man siya magsalita ay sapat na ang mga kilos niya para maintindihan ko ang nararamdaman niya ngayon.
He's crying his heart out and hearing and witnessing it right now is ripping my heart. Ang inaakala kong pinakamatapang, matatag at hindi matitibag na kapatid ay ngayon ay umiiyak sa balikat ko na parang isang batang musmos na naligaw.
Hinagod ko ng paulit-ulit ang likod niya gaya ng ginagawa ni mama sa amin kapag may problema kami habang nanlalabo na rin ang aking mga mata. Pero imbes na tumahan ay mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap ni Kuya sakin. Ramdam ko ang pagkakabasa ng damit ko sa balikat pero hinayaan ko lang siya.
Nasa ganoon kaming posisyon ng dumating sina mama at papa na kaagad din kaming dinaluhan.
"Oh my God, Cebi. What happened?" Nagpapanic na tanong ni mama nang makalapit sa amin ni Kuya. Hindi pa rin sumagot si Kuya Cebi sa kanya pero unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sakin hanggang sa lumayo na.
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napakalamig na tubig nang muling makasalubong ang mga mata ni Kuya Cebi na puno ng luha. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko habang nakatingin sa mga mata niyang nababakas ang sakit.
Mama cupped his face for him to face her and keep on asking him what happened but still no response from Kuya Cebi. Even Papa who is trying to console him still got nothing in response.
Higit sa kalahating oras kaming ganun hanggang sa nakatulog si Kuya sa mga bisig ni mama na paulit-ulit na hinahaplos ang buhok nito.
Napakagat na lamang ako ng ibabang labi at marahas na pinahiran ang mga luha ko. Ayokong nakikitang ganito ang Kuya ko. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang ganito.
Sa aming tatlo, siya ang pinakamahirap na basahin at dahil doon ay nahihirapan kaming matulungan siya sa kung ano mang problemang pinapasan niya. He's selfish. Especially if it is related to his feelings.
"C-Charm..." paos at puno ng hinanakit na rinig ko mula kay Kuya. And again, his tears fall nonstop even his eyes are still close.
Something happened between the two of them. Sigurado ako doon. Naiyukom ko na lamang ang mga kamao ko at marahang bumuntong hininga para kahit papaano ay maibsan ang bigat sa dibdib ko. Tumalikod na lamang ako at umalis sa harap ng kwarto ni Kuya Cebi.
"Saan ka pupunta, bunso?" Malungkot na tanong sa akin ni Papa. Alam kong ramdam din niya kung ano ang nararamdaman ni Kuya ngayon. Maliit akong ngumiti sa kanya.
"Kina Charm lang po Pa." Nakita ko ang pansamantalang pagtigil ni Papa kaya muli ko siyang nginitian.
"Pa, I'm not planning to do what's on your mind." Pangunguna ko na kay Papa. Kaagad na lumambot ang mga mata niya at marahang hinaplos ang buhok ko.
"Ayaw ko lang na masira ang pagkakaibigan niyo dahil sa nangyari ngayon lang, anak. You and Charm are almost sisters and I don't want the two of you to break apart. Itong nangyayari ngayon ay wala tayong karapatang pangunahan sila ng kuya mo dahil sila lang ang makakaayos nito. I hope you understand that, anak." Napayuko na lamang ako at marahang tumango kay Papa.
Nang makarating na ako sa bahay nila ni Charm ay mabilis akong lumabas ng kotse na sinakyan ko. Napahinto pa ako ng may huminto ding sasakyan at lumabas doon si Jinny na napatigil din ng magtama ang mga mata naming dalawa. Sabay pa kaming humugot ng buntong hininga bago napagdesisyunang buksan ang gate ng bahay nina Charm.
It was Tita Rena who opened the main door and smile sadly to both of us.
"She's in her room." Sabi niya samin na kaagad naman naming naintindihan. Halos takbuhin na namin ni Jinny ang hagdan nila pataas papuntang ikalawang palapag. At nang nasa labas ng kwarto na kami ni Charm ay kaagad akong hinarangan ni Jinny na may pag-alala sa mga mata niya.
"Whose side are you, Mari?"
"No one." Direktang sagot ko na ikinahinga niya pagkatapos ay binuksan na ang pinto ng kwarto ni Charm.
Hindi na ako nagulat pa ng makita ang parehong senaryo. Ang pinagkaiba lang ay si Chiara ang kasama niya ngayon. Napakaimposible naman kasi kung ang Mommy niya ang madatnan namin na kasama niya.
"I-I-I'm s-sorry..." Yan lang ang paulit-ulit na salitang lumabas sa bibig niya nang magtama ang mga mata naming dalawa. It was painful to hear. But I know better. Between all the people, it is the two of them who are suffering more.
Mabilis namin siyang dinaluhan at niyakap ni Jinny. Chiara give us some time and left us. I can feel Charm trembling that made us hug her even more because we know, she badly need some strength.
"Hindi kami magtatanong dahil alam naman namin na magkukwento ka rin naman. Okay lang kung hindi ngayon." Malumanay na saad ni Jinny.
"I-I have to..." Usal niya sa kabila ng pag-iyak niya na halos hindi na namin maintindihan. Ramdam ko ang paghigpit ng paghawak niya sa kamay ko na halos bumaon na doon ang kuko niya pero hindi ako nagreklamo.
"I-I-I'm s-s-sorry, Mari b-b-but I have t-to p-push him a-away." Pumipiyok na saad niya na ikinalunok ko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pero pinigilan ko ang sarili ko. Si Jinny na mismo ang nagsabi kanina, hindi namin siya kailangang pilitin dahil na mismo ang magsasalita kung kaya na niya.
I can see the pain in her eyes. Nahihirapan na siya. Alam kong may mali pero pinili ko na lamang na makinig.
"H-he will not s-stop unless I k-keep Cebi by m-my s-side. A-and that's my last c-card."
"By hurting him." It was not a question but a statement. Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. As if she's afraid that I will let her go and step away from her.
"I-I-I'm s-sorry. I-I-I'm s-sorry but that was his c-c-condition." Halos pabulong na niyang sabi na ikinaawang ng labi ko.
"C-condition?" It was Jinny who asked her. Hindi ko na kasi kaya pa ang magsalita dahil sa pilit na pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya. Humihikbi niya kaming tinignan ni Jinny na may takot sa mga mata.
Pakiramdam ko ay tinamaan ako ng malakas na kidlat nang pumasok na sa isipan ko ang gusto niyang sabihin sa amin.
"P-pero bakit?" Naguguluhang tanong ni Jinny pero kaagad ding natigilan at napatingin sakin na para bang alam na ang sagot sa sariling tanong.
"Oh my God!" Maging ako ay halos hindi na makahinga dahil sa pamimigat ng dibdib ko at napahawak pabalik sa kamay ni Charm habang sunud-sunod na nagbagsakan ang mga luha sa aking mga mata.
Oh, God. Why? Of all people, why Charm and Kuya Cebi?
[A/N: Not all revenge is sweet. Not all decisions are success. There will always be a loser but in this story, no one win. Both side break and stumble. See you in the next Book. 😉✌️]
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
Roman d'amourLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...