Present
_CHARM_
"Ano na naman ba ang kailangan mo sakin?" naiinis kong tanong kay Cebi na hanggang ngayon ay buntot pa rin ng buntot sakin. Simula kasi nung nangyari noong nakaraang araw ay panay na ang kulit niya sakin. Kung sa ibang pagkakataon lang sana ay kinilig na ako pero iba ngayon eh.
"Will you stop walking and face me?! I'm still talking to you!" utos niya sakin. Halatang nagtitimpi lang talaga sa katigasan ng ulo ko. Napaikot ko na lang ang mga mata ko.
Bakit ko siya susundin? Sino ba siya sa inaakala niya?
"Charm! I said stop!"
"Then beg." seryosong sabi ko sa kanya na ikinatigil niya. Oh, edi siya naman ang nganga. Bwiset siya! Huwag na huwag niya akong inuutos-utusan lalo na ngayong beasmode ako! Muli ko siyang tinalikuran at pumasok na lamang sa isang fastfood chain. Hindi ko mapigilang mapasimangot ng makita kung gaano kahaba ang pila sa bawat counter.
Puteks! Kung hindi lang sana ako kinulit ng lalaking yun, edi sana nasa gitna na ako ng pila!
Marahas na lamang akong napabuntong hininga ng muling maramdaman ang presensiya niya sa tabi ko. Hindi ko na kailangan pang lumingon para mapagsino ito dahil sa amoy palang niya ay kilalang-kilala ko na siya.
"Uso ang pila dude." sarcastic kong sabi kay Cebi na sa ngayon ay nakatayo sa tabi ko.
"Mag-usap naman kasi tayo!" asik pa niya. Ano ba ang problema ng isang 'to?! Hindi ko na nga siya ginugulo pero siya pa itong nagpapapansin sakin!
"Ano pa ba ang tawag sa ginagawa nating ito?" walang buhay kong sagot sa kanya na mas lalo pa yatang ikinainis niya. Nagulat ako ng hilahin niya ako paalis sa pinipilahan ko.
"Whuy! Ano ba! Bibili ako!" segunda ko at kaagad na bumalik sa kinatatayuan ko kanina.
"Ano ba kayong dalawa! Kung mag-aaway lang kayo, pwede huwag dito! Nakakaabala kayo! Hay, naku! Mga kabataan nga naman ngayon!" reklamo ng isa sa matandang katabi ko sa pila. Sinamaan ko lang tingin si Cebi sabay alis ng kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Gago ka! Pa-fame ka ring lalaki ka eh no!" nanggigigil kong bulong sa kanya pero sinamaan lang niya ako ng tingin bago marahas na bumuntong hininga na para bang punung-puno na siya sakin. Muli ko na lamang siyang inirapan at hindi na pinansin.
Umuusad na ang pila at nandiyan pa rin siya sa tabi ko kaya hindi ko maiwasang maguluhan sa kinikilos niya.
Ano kaya ang nahithit nito at nagawa niyang manatili sa iisang lugar kasama ako?
"Good morning ma'am! What's your order, ma'am?" nakangiting bati sakin ng crew sa counter. Mabilis ko namang sinabi ang order ko.
"One sundae please." nakangiting saad ko at nilabas ang pera sa pitaka ko. Pero kumunot ang noo ko ng makitang nakatingin lang ang babae sakin na para bang naghihintay pa ng susunod kong sasabihin.
"What else ma'am?"
"Just a sundae."
"Idagdag mo na rin ang medium-size cheeseburger and fries."
"Excuse me! Hindi ka ba marunong maghintay ng turn mo?! Kita mong hindi pa ako ang nakakabayad eh!" angal ko kay Cebi pero sinulyapan lang niya ako.
"Ako ang magbabayad kaya tumahimik ka na lang. Pipila ka ng halos kalahating oras tapos iisang sundae lang ang bibilhin mo?"
"Ano naman sayo?! Eh sa sundae lang yung gusto kong bilhin eh! Bakit ka ba umaangal?! Hindi naman ikaw ang kakain ah!" naiinis na bulyaw ko sa kanya.
"Ako na nga ang magbabayad diba?"
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...