CHARM#25

319 39 0
                                        

_CHARM_

“Whaa! May baby bump na siya!” mabilis kong nahampas sa balikat si Mari at pinanlakihan ng mata dahilan na mabilis siyang nagpeace sign sakin. Pero kaagad din namang bumalik ang kinang sa mga mata niya habang nakatingin sa may umbok kong tiyan.

“Ilang months na nga pala si baby pamangkin?” nakangiting bulong niya sakin. Pasimple kong ginala ang paningin ko sa paligid ng mini garden nila.

“Four months na.” nakangiting sagot ko sa kanya. Natawa na lang ako makitang tinakpan niya ang kanyang bibig at impit na tumili.

“Whaa! Five more months!” excited na saad niya na ikinatango ko.

“Can I?” tanong niya kaya tinanguan ko siya. Napakagat ako ng ibabang labi ko ng maramdaman ang marahang paghaplos niya sa tiyan ko.

“Whaa. Baby bump na talaga.” Manghang saad pa niya pero kaagad ding nagsalubong ang mga kilay at umayos ng upo para tingnan ako.

“Bakit?” nagtatakang tanong ko. Tumabingi lang ang ulo niya na para bang may iniisip.

“That’s weird. Your stomach is getting bigger normally.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Malamang! Normal preganancy ‘to eh!” sagot ko sa kanya pero umiling lang siya kaya napasimangot ako.

“Diba dapat, kapag tinatago mo yung pagbubuntis mo, hindi mahahalata ang paglaki ng tiyan mo? Maliban na lang kung malapit ka na talagang manganak, doon lang mahahalata yung pag-umbok ng tiyan mo.” kwento pa niya sakin at muling binalingan ang tiyan ko.

“Patago din naman yung pagbubuntis mo pero bakit four months pa lang, halata na?”naguguluhan niya pang dugtong kaya mabilis kong inayos ang dress ko para hindi mahalata ang tiyan ko. Napakamot lang siya ng ulo.

“That’s weird. Kami lang naman ang nakakaalam ni Jinny diba?”

“Alam mo Mari, imbes na problemahin ang paglaki ng baby bump ko, bakit hindi mo na lang isipin ang kasal niyo ni Sherson.” Suhestiyon ko dahilan na panandalian siyang natigilan. Maya-maya ay napakagat ng ibabang labi niya at namula ang pisngi. Napailing na lamang ako.

Masyado talaga siyang transparent. Hindi ko mapigilang matawa ng niyakap niya ang unan at tuluyan ng isinubsob ang mukha niya dun.

Pero kaagad akong napatigil sa pagtawa ng may biglang tumawag sa pangalan ni Mari.

“Nasaan ang medicine kit, Mari?” nag-angat ng tingin si Mari sa kanya pero hindi ako lumingon sa likuran ko. Imbes ay pasimple ko na lamang hinila ang unan na malapit sakin at niyakap yun para maitago ang tiyan ko.

“Nasa itaas ng cabinet sa kusina, kuya. Meron din dun sa banyo. Pili ka na lang kung alin ang kukunin mo.” sagot ni Mari dito.

“Kunin mo.” utos pa nito na ikinasimangot ni Mari.

“Bakit ako?”

“Bakit hindi ikaw? Sige na.” padabog na lamang na tumayo si Mari ng magsalita na naman si Cebi.

“Kunin mo yung nasa banyo.”

“Bakit yung nasa banyo pa kung pwede namang yung sa kusina na lang?” nagtataka at halatang naiirita ng tanong ni Mari sa kanya.

“Mas kompleto yung nasa banyo.” Sagot lang nito. Hindi ko napigilang mapairap. Tch. Masyadong bossy. Pumasok na lamang si Mari sa bahay nila para kunin ang iniuutos ng magaling niyang kapatid sa kanya kaya naiwan kaming dalawa ni Cebi ngayon sa labas. Ramdam ko ang paninitig niya sakin pero hindi lang yun pinansin. Itinaas ko na lamang ang dalawang paa ko para maoccupy ang buong sofa habang nakasandal ang likod ko sa armrest nito.

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon