Continuation of the flashback
_CHARM_
"Whaa~ Mari! I miss you!" tili ko pagpasok na pagpasok pa lang ng bahay nila. Mabilis ko siyang dinamba ng yakap na kaagad din niyang sinuklian.
"I miss you too, Charm but please, wag masyadong mahigpit. Hindi ako makahinga!" saad niya na ikinatawa ko bago kumalas sa kanya. Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa loob ng bahay nila at hinanap ang taong gustong-gusto ko talagang makita.
Napasinghap ako ng tinulak ako ni Jinny para siya naman ang yumakap kay Mari. Pasimple akong umirap at minasahe ang balikat ko. Ang lakas kasi ng pagkakatulak niya sakin.
"Sinong kasama mong umuwi?" patay malisya kong tanong kay Mari.
"Si kuya Cebi." kaagad na lumapad ang ngiti ko pati ang tenga ko dahil sa pangalang binanggit niya. Parang biglang nagliwanag ang paligid ko at nag-umpisa na namang magwala ang mga paru-paru sa loob ng tiyan ko.
"Eh, nasaan siya?" muli kong tanong.
"Nasa likod yata ng bahay? Ewan! Kanina pa hawak nun ang cellphone niya eh. Ayaw mabitabitawan." sagot lang niya sakin. Nakaramdam ako ng kakaiba. Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko ng pumasok sa isip ko ang maaaring dahilan kung bakit hindi mabitawan ni Cebi ang cellphone nito.
Wag naman sana babae ang dahilan.
"Here's your snacks, girls!" nakangiting sabi ni Tita habang hawak ang tray ng pagkain. Kaagad naman kaming umupo sa sofa at nilantakan na nga ang pagkain.
"Kaya gustong-gusto ko palaging dito sa bahay niyo, Mari eh. Palaging may foodies! And take note! Ang sasarap pa! The best ka talaga tita!" pambonola pa ni Jinny kay Tita na ikinatawa lang nito.
"Sige, kumain lang kayo. Alam kong namiss niyo ang isa't-isa." sabi sa amin ni Tita bago bumalik sa kusina. Kaagad naman kaming sumiksik ni Jinny kay Mari na sa ngayon ay pinagigitnaan namin. Inikot ko ang kamay ko sa braso nito at sininandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Kumusta ka naman, dun? Wala bang nang-aaway sayo dun?" tanong ko sa kanya.
"Oo nga. Baka may mga new found friends ka na dun tapos ipagpapalit mo na kami ha! Wag mong subukan dahil ipapawrecking ball ko talaga itong bahay niyo." pananakot sa kanya ni Jinny dahilan na makatikim ito ng batok kay Mari.
"Gagi ka! Hindi maiiwasan yun! Alangan namang maging loner ako dun sa pinag-aaralan ko no! And big no! Ipagpapalit ko naman ba kayong dalawa?! No way! Kahit mga baliw kayo, love ko pa rin naman kayo." kaagad akong napangiti ng sobrang laki sa sinabi nito at hinigpitan ang pagkapit sa braso niya. Kinikilig ako sa salitang lumalabas sa bibig ng babaeng 'to. Masyadong honest!
"Pero diba, may Sherson ka na dun?" patay malisya kong tanong na ikinapula ng pisngi niya. Humagikhik kaming pareho ni
Jinny sa naging reaksyon. Sobrang transparent talaga niya."Wag nga kayo!" nahihiyang suway niya samin kaya mas lalo namin siyang tinukso at kiniliti. Nagpumiglas siya pero hindi siya makawala samin dahil nga sa pinagigitnaan namin siya ni Jinny. Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang pumasok ang taong kanina ko pa hinihintay. Walang alas-kwatro akong napalayo kay Mari at napatayo.
"Kuya Cebi!" masayang tawag ko sa pangalan niya dahilan na mula sa cellphone niya ay nalipat sa akin ang tingin niya. Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng ngumiti din siya pabalik sakin.
"Hi." tipid niyang saad pero sapat na para magparty ang internal organs ko, lalo na ang puso ko. Dumoble pa yun ng naglakad siya palapit sakin at mahinang kinurot ang tungki ng ilong ko. Pakiramdam ko ay napapahyperventilate ako sa sobrang kilig.
![](https://img.wattpad.com/cover/162652360-288-k191061.jpg)
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomansLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...