CHARM#26

257 35 0
                                    

_CHARM_

“Oh my God! I can’t believe this! It’s really Miss Charm Devidino in flesh!” nagtitiling sigaw ni Meila at paulit-ulit pang pinaypayan ang sarili na ikinatawa ko na lang. Today is her debut and as a promise to Luis, pumunta ako. Gusto ko din namang batiin ang kapatid niya and to thank her for admiring my designs.

“Happy birthday, Meila.” Nakangiting bati ko sa kanya na muling ikinatili niya. She is wearing a princess pink off-shoulder gown and I can say that she’s really gorgeous. Nasa tamang ayos din ang kanyang kinulot na buhok at sigurado akong manipis lang ang make up niya. I can tell.

Mabilis niya akong niyakap ng mahigpit na ikinagulat ko pa pero kalaunan ay ikinatawa ko na lang. Pero kaagad din siyang napalayo sakin at bumaba ang tingin niya sa tiyan ko bago muling sinalubong ang mga mata ko. May pag-alinlangan sa mga mata nito at alam ko kung bakit kaya imbes na sagutin siya ay kinindatan ko lang siya at nginitian. Namilog ang mga mata niya at umawang ang kanyang labi pero kalaunan ay kaagad ding ngumiti ng nakakaloko sakin.

“Oh my God! I just hug you! AHHH!” parang lutang pa niyang saad at muli na namang sumigaw. Mabuti na lang ay walang masyadong tao dito sa kwarto niya kundi ang mga make-up artists lang na nag-aayos sa kanya.

“Sorry talaga kasi hindi ako makakajoin sa party mo. Nagka-conflict kasi sa schedule ko. Dumaan lang talaga ako dito para kahit papaano ay magreet kita at maibigay itong regalo ko sayo.” Paliwanag ko sa kanya at iniabot ang medyo malaking box na regalo ko sa kanya. Malaki naman ang ngiti niyang kinuha yun at muli ang tiningnan.

“No, it’s really really fine for me. Seeing you in personal is very enough for me. Thank you so much po talaga!” hinawakan niya ang aking kamay at muli akong nginitian.

“Kuya is really right. Ang bait-bait niyo nga po talaga at sobrang ganda pa! Noong una, akala ko ay nagbibiro lang si kuya na kilala ka niya but he prove me wrong. Here you are. Standing right in front of me. Gosh! No wonder kuya likes you even when you were in college.”

“W-what?” kunot-noo kong tanong sa kanya. Magtatanong pa sana ako ng pumasok si Luis kaya nalipat atensyon namin sa kanya.

“Happy birthday, Princess.” Nakangiting bati nito sa kapatid. Kaagad namang bumitaw sakin si Meila at lumapit Luis at niyakap ito na ikinangiti ko.

“Thank you talaga, Kuya. The best ka talaga!” mas lalo akong napangiti sa sinabi ni Meila kay Luis. She’s just so sincere. Hay, sayang at wala akong kuya. Siguro kapag mayroon, parati yung naiinis sakin dahil sa kakulitan ko. Nang mapatingin ako sa wristwatch ko ay napakagat na lamang ako ng ibabang labi at muling sinulyapan ang magkakapatid. Sakto namang nagtama ang mga mata naming ni Luis.

“I have to go na. Susunduin pa kasi namin ng pinsan ko yung Tita namin.” Nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang siya at tinanguan ako. I bid goodbye to them. Hinatid pa ako ni Luis sa labas ng gate nila. Napapansin ko ding unti-unti ng dumarami ang dumadating na mga tao dahil sa malapit ng mag-umpisa ang program.

“Gusto mo bang ihatid na kita sa airport?” tanong niya sakin na ikinalaki ng mga mata ko. Mabilis akong umiling.

“Oh no! It’s okay. Paparating na din naman yung pinsan ko at yung boyfriend niya para sunduin ako kaya no, worries. You should head back now, malapit ng mag-umpisa yung party ni Meila.” Nakangiting saad ko sa kanya. Matagal niya akong tinignan kaya medyo nakaramdam ako ng pagkailang. Kalaunan ay umangat ang dulo ng labi niya at umatras.

“Okay. Take care, Charm. I’ll see you one of these days.” paalam niya na ikinatango ko lang kahit na medyo naguguluhan sa sinabi niya. Nang makapasook na siya sa loob ng gate nila ay sakto namang huminto ang sasakyan ni Lucas sa tabi ko kaya kaagad akong sumakay sa backseat nito.

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon