CHARM#10

336 54 9
                                    

_CHARM_

"Thank you so much, Miss Dividino." nakangiting saad sakin ni Mr. Anderson matapos naming mag-usap tungkol sa pakiusap niya sakin para sa nakababata nitong kapatid na magdedebut. Plano kasi niyang sorpresahin ito sa pamamagitan ko dahil sa sobrang idol daw ako nito. His sister, Meila is so fond of my designs.

Plano din nitong magpagawa ng custumize bracelet that is exclusive only for the guests as a give away. Ang taray diba. Ang yaman ng lalaking 'to at sobrang swerte ng kapatid niya. Hinanap pa talaga ako at kinausap para lang sa kapatid niya.

"You're always welcome, Mr. Anderson. Hayaan niyo, ipapakita ko kaagad sa inyo ang mga samples na pagpipilian niyo for the give aways. You can contact me or my secretary if ever you have some questions regarding to the designs."

"Please, just call me Luis." sabi niya na ikinatango ko na lamang. Tumayo na rin ako ng tumayo na siya at kinamayan siya sa huling pagkakataon. And there goes the unfamiliar feeling again when our skin touches, just like earlier.

"I'll be in touch." huling sabi niya bago tumalikod na sa amin ni Milly. Sinundan ko lamang siya ng tingin. Para kasing may pumasok sa isip ko pero hindi ko din maintindihan kung ano.

"Ma'am, your latest design is already polish. Papadala na lang daw po nila sa office niyo the day after tommorow." kaagad na napatingin ako kay Milly dahil sa sinabi niya. Nagliwanag ang mukha ko.

"Really? That's great! And oh, do I have a schedule after Mr. Anderson?" ngumiti naman siya sakin at umiling na ikinangiti ko.

"No, ma'am. Pinaclear po ni ma'am Chiara ang schedule kasi po may importante daw po kayong pupuntahan?" hindi sigurado niyang sabi na ikinatawa ko na lang. Yung babae talagang yun, nagdedesisyon na lang ng walang paalam.

"Thanks, Milly. Mauna na ako ha." paalam ko sa kanya at nauna ng lumabas ng cafe nang biglang tumawag si Jinny.

[Hey Charm, we're at BluErie. Punta ka dito dali! I'm with Sherson.] kaagad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"And why are you two together?"

[Heh! Wag kang echos! Tatlo kaming nandito. Yuhan is here too.] sagot niya na ikinataas ng kilay ko.

"Oh! That's new. You're with two guys."

[Well, yeah. But they're one meter away from me. Bawal silang lumagpas.] natawa na lamang ako at napailing dahil sa sinabi niya. Wala na talagang pag-asa ang babaeng 'to pagdating sa mga lalaki.

Naglakad na lamang ako papunta sa nakapark kong kotse at pumasok. Isastart ko na sana ang makina ng may mahagip ang mga mata kong dalawang taong magkasamang naglalakad papasok sa cafe na nilabasan ko.

Naiyukom ko na lamang ang aking kamao at napakagat ng ibabang labi ng maramdaman ang munting kurot sa aking puso. Lalo na ng makita ang magkahugpong nilang mga kamay.

Damn! That hurts! Bakit kailangan ko pa 'tong makita? Bakit kailangan ko pa SILANG MAKITA?

Marahas ko na lamang pinahiran ang mga luha kong naglaglagan sa aking mga mata ng may maalala ako.

'Use a fvcking handkerchief!'

Natawa na lamang ako ng mapakla.

Kahit ano namang gamitin kong pamunas sa luha ko, wala pa rin namang magbabago. Siya pa rin ang dahilan kung bakit walang tigil na naglalaglagan ang mga ito.

"I hate you, Cebi!" tuluyan na akong napasubsob sa mga palad ko at umiyak. There's no use of denying my feelings for him and it's definitely no use of forcing myself to unlove him. Wala na talaga akong pag-asa.

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon