CHARM#4

385 73 68
                                    

Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakahilata lang sa kama ko at nag-iisip ng mga bagay-bagay na gusto kong gawin sa araw na ito.

Its Saturday and it's my day off. Wala din naman akong makukulit dahil sa umalis nga sina Jinny at Mari kasama ang mang-aagaw na Eiko na yun.

I sighed deeply bago ko napagdesisyunang bumangon na at mag-ayos. Magtatambay na lang siguro ako dun sa BluErie at gumawa ng mga bagong accessory designs na pwede kong pagkakakitaan.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa repleksyon ko ngayon sa salamin, suot ang isang malaking T-shirt na halos natatabunan na ang suot kong maong short at black boots.

"Perfect!" puri ko sa sarili ko bago hinila ang kulay itim kong sling bag at kinuha na rin ang sketch pad ko na nakapatong sa itaas ng drawer. Lumabas na agad akong sa bahay at nag-abang ng taxi. Tinatamad kasi ako ngayong magmaneho.

Nang may humintong sasakyan sa harap ko ay kaagad akong sumakay at sinabi ang location na pupuntahan ko.

"Thank you po, manong." pasasalamat ko sa mamang driver at nagbayad bago bumaba. Kaagad akong pumasok sa loob ng cafe at inilibot ang paningin ko. Marami-rami ngayon ang customers kaya hindi na ako magtataka pa kung mahihirapan akong maghanap ng mauupuan ko.

"Good mornig ma'am Charm. Ang aga niyo po ah." bati sa akin ni Gia. Part-timer sa cafe na 'to. Kilala niya ako kasi madalas akong pumupunta dito. Most of the time ay kasama ko ang dalawa pero dahil ginayuma sila ng isang mangkukulam ay mag-isa ako ngayon.

"Hi, Gia. How's your work? Mukhang tiba-tiba kayo ngayong araw ah. Ang dami niyong customers oh." natawa naman siya sa sinabi ko.

"Oo nga po eh. Pero don't worry po ma'am Charm. May nireserve pong table ang may-ari para sa inyo." kaagad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Para sakin?" mabilis siyang tumango sakin.

"Yes po ma'am. Ganun daw po talaga ang may-ari ng BluErie ma'am. Pinapareserve niya yung ilang tables para sa mga customers na parati niyang nakikita dito sa cafe."

"Aww, ang nice naman ng may-ari ng cafe'ng 'to." hindi ko mapigilang sabihin. Natawa naman si Gia sakin. Hinatid na niya ako sa table ko at halos mapunit ang mga labi ko ng makita ang favorite spot ko dito sa cafe.

Hindi kasi masyadong matao kaya siguradong makakafocus ako sa gagawin ko. Malapit din ito sa glass na dingding kaya kitang-kita ko ang mini-garden ng cafe sa labas.

"Same order ma'am?"

"Yes, Gia please. Thank you." nakangiting sagot ko sa kanya. Nakangiting tumango siya sakin at nagthumbs up pa bago umalis.

Kaagad ko namang inilabas ang lapis ko at binuksan ang sketch pad ko para umpisahan ang pagdedesenyo.

This is my hobby. Designing different and unique kinds of accessories. Gusto ko kasing gumawa ng mga accessories na talagang iba. Yung tipong hindi kayang iduplicate ng sinumang gustong gumaya ng mga designs ko.

And right now, I'm designing my very own bracelet. Nawala kasi yung parati kong ginagamit. Hindi ko alam kung saan ko nahulog. Sayang lang kasi napakahalaga pa naman sana nun. Hindi lang kasi ako ang nagdesign nun.

"Sweet Caramel cake for you ma'am and your melon shake." narinig kong sabi ni Gia at ipinatong na ang mga inorder ko mesa.  Ni hindi ko napansing nakalapit siya dahil sobrang focus ko sa ginagawa ko. Kaagad akong nagpasalamat sa kanya bago niya ako muling iwanan.

Pansamantala ko munang itinabi ang lapis at sketchpad ko at pinuntirya ang caramel cake na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilang mapapikit ng malasahan ko ang tamis nito. I even swayed my feet back and fort like a child.

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon