CHARM#23

307 44 8
                                        

_CHARM_

I can still feel his soft lips on mine even though it’s been minutes had past. And to make the atmosphere more awkward, he’s acting like we didn’t just kiss a while ago. Ang gana niyang kumain samantalang ako ay halos hindi ko na malunok ang kinakain ko. Napakislot ako ng bigla siyang nagsalita.

“Why aren’t you eating? Don’t you like it?” tanong niya sakin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Ayokong salubungin ang mga tingin niya dahil pakiramdam ko ay sasabog na talaga ang mukha ko dahil sa tindi ng pag-iinit nito.

“G-gusto.” Nauutal ko pang sagot sa kanya at sumubo ng steak na sinundan ng vegetable salad. Nagtaka ako ng mapansing parang hindi na siya gumagalaw kaya dahan-dahan kong ingat ang tingin ko, only to find out that he’s looking at me. Napaubo ako bigla dahil sa kaagad kong nalunok ang hindi ko pa masyadong nanguyang vegetable salad. Mabilis naman niya akong dinaluhan at binigyan ng tubig na kagad ko ding ininom.

“T-thanks.” Saad ko at ngumiti ng pilit sa kanya at muli na lamang inabala ang atensyon ko sa pagkain na nasa harapan ko nang muli na naman siyang magsalita.

“Want some wine?”

“No thanks.” Mabilis kong sagot sa kanya na ikinatahimik niya kaya muli akong napaangat ng tingin sa kanya.

“B-bakit?” tanong ko ng mapansing malalim niya akong tinitingnan.

“You always like drinking. Bakit ngayon, ang bilis mong humindi?” malamig na saad niya.

“Natatakot ka bang malasing habang kasama ako, Charm?” dugtong pa niya na ikinakunot ng noo ko.

“I’m not afraid being lost in alcoholic drinks with you, Cebi.”

“Then why are you rejecting my offer?” tanong ulit niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

“Do you really want to get drunk?” nagtatakang tanong ko. Matagal niya akong tinignan ng matiim bago marahas na bumuntong hininga.

“Samahan mo ako.” Mahinang sagot niya dahilan na mapakurap ako. Seriously? Am I dreaming right now or I am just hearing some things? Hell! What’s wrong with this man! Talaga bang malaki ang problema niya? Napabuntong hininga na lamang ako at mabilis na tinapos ang pagkain ko at uminom ng tubig.

“Pwede kitang samahan but I can’t promise you that I will be your drinking buddy.” Sagot ko na lamang sa kanya at nauna ng tumayo at naglakad ng bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan ako.

“I won’t do anything to you.” Mahinang saad niya. Napangiti na lamang ako sa gusto niyang ipahiwatig sakin.

“I know, so let’s go.” Yaya ko sa kanya at hinila siya palabas ng restaurant. Nagpresinta ako na magmaneho pero hindi siya pumayag.

“Geez, hindi ko na naman uulitin yung nangyari noon eh. I’m being nice today.” natatawang sabi ko sa kanya.

“Nice, my ass.” Sarcastic niyang sagot na ikinatawa ko na lang at pumasok na sa loob ng kotse. He drove my car to 7/11 to buy some beers in can. Kumuha na rin ako ng pwede niyang ipulutan pati na rin ng pwede kong kainin. Napalingon pa siya sakin at sa mga pagkaing yakap-yakap ko ng pumila na siya. Nginitian ko lang siya.

“Don’t worry, ako ang magbabayad nito.” Sabi ko pero nagulat ako ng mabilis niya yung kinuha sakin at ipinatong sa counter at inilabas ang pitaka niya.

“Ako na.” napangiti na lamang ako sa sinabi niya at umayos ng tayo sa tabi niya. Hinintay kong maipasok ang lahat ng pinamili namin sa plastic at kaagad na kinuha yun pero mabilis ding inagaw sakin yun ni Cebi at dire-diretsong lumabas. Napasimangot na lamang ako.

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon