_THIRD PERSON_
Mahigpit ang pagkakahawak ni Cebi sa kutsara't tinidor habang hindi nilulubayan ang lalaking kausap ngayon ni Charm.
Luis Anderson. He sense something with the guy. And he's 100% sure that he's playing with him. Mas lalong pa siyang naging sigurado sa hinala niya ng binanggit nito kanina ang bell.
'Damn! This is not fvcking good. This guy is planning something.'
Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkabahala ng muli siya nitong sinulyapan. Hindi din nakaligtas sa paningin niya pagtaas ng dulo ng labi nito bago lumingon kay Charm na sa ngayon ay busy sa pagguhit sa sketch pad nito.
Hanggang sa matapos sila ng pagkain ni Eiko ay hindi niya nilubayan ng tingin si Luis. Pinauna na lamang niya itong umalis dahil sa may biglaan daw itong lakad.
"Hindi ka pa aalis?" pagsisinuplada sa kanya ni Charm kaya napatiim bagang siya. Hindi niya ito sinagot. Imbes ay humalukipkip na lamang siya at sumandal sa upuan. Napailing na lamang ito dahil sa ginawa niya. Alam niyang nag-uumpisa na itong mainis sa kanya pero wala siyang pakialam. Hindi siya pwedeng umalis. Hindi niya ito pwedeng iwan kasama ang lalaking ito!
Pagkatapos nun ay hindi na siya tinapunan pa ng tingin ni Charm na para bang wala siya dun sa eksena. Nag-iinit ang ulo niya dahil dun pero hindi niya pinahalata. Ibinuhos na lamang niya ang inis na nadarama sa table cloth na pinaglalaruan ng kamay niya.
He can endure this kind of torture. He can. But damn! Every time he see Luis bend towards Charm ay halos mapunit na ang table cloth na hawak-hawak niya. Idagdag pa ang nakakap*tang*nang ngisi nito sa tuwing magtatama ang mga mata nila.
He's making him mad. He's damn sure of that! And it's fvcking working! He's goddamn mad right now!
"So, this is it!" masiglang bulalas ni Charm na may ngiti sa labi nito habang pinapakita ang hawak nitong sketch pad kay Luis.
"Yes. It's perfect." pasimple lang siyang bumuntong hininga para kalmahin ang sarili niya. Konti na lang talaga. Konti na lang at sasabog na siya sa inis. Lalo na ng makita ang paghawak ng mga kamay ng mga ito sa mismong harapan niya.
"Thank you so much, Charm. I'm sure my sister will be in cloud nine because of this." kaagad na kumunot ang noo niya sa narinig.
"I'm very glad that I'd be part of the reason of her happiness." tugon naman ni Charm dito at binitawan na ang kamay ng lalaki kaya kaagad siyang tumayo at mabilis na hinila palabas si Charm.
"What the! H-hey! Stop pulling me! Baka matapilok ako!" suway nito sa kanya at pilit na inaagaw ang kamay nito sa kanya pero hindi niya ito hinayaan.
No, he won't let her get away from him. Never.
Pero kinain lamang niya ang salitang paulit-ulit niyang binibigkas sa isipan niya ng kagatin ni Charm ang kamay niya. Mabilis niya itong nabitawan.
"Fvck! What are you now, huh? A dog? Why did you bit me?!" hindi makapaniwalang bulalas niya habang sapo-sapo ang kamay niyang kinagat ni Charm. Sinamaan niya ito ng tingin ng makitang nag-iwan ng marka ang ngipin nito sa balat niya. Muli siyang napamura ng malakas siya nitong hampasin maliit na sling bag nito at sinamaan pa siya ng tingin.
"Hey! Isa!" he hissed pero hindi siya nito tinigilan.
"Dalawa, tatlo, apat, lima! Oh, ano?! Marunong akong magbilang kaya huwag mo 'kong turuan! Kahit kailan talaga, bastos kang lalaki ka! Kita mo namang nag-uusap pa kami nung tao tapos basta-basta ka na lang manghihila! Bwiset ka!" singhal nito sa kanya at sa huling pagkakataon ay hinampas siya ng sling bag nito ng ubod ng lakas na ikinasigaw niya.
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomansaLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...