_THIRD PERSON_
"Are sure about this? I mean, pwede namang ikaw na lang ang gumawa. You know her. Mas mapapadali ang pagbabantay natin kung----"
"I just know her, Julian but we are not close. And no, hindi pwedeng ako dahil mas lalo lamang magiging magulo pag ako ang gumawa." matigas na saad ni Cebi sa kaibigan. Napabuntong hininga na lamang si Julian.
"Is it because of her cousin?" mariin siyang napapikit dahil sa sinabi nito. Marahas siyang napamura.
"You know what, you can use her para mapadali ang trabaho nating 'to." saad pa nito na ikinatiim-bagang niya. Matalim niya itong nilingon.
"I.am.not.going.to.use.her. And don't you dare." matigas na sabi niya sa kaibigan na ikinakinot ng nuo nito.
"The person that we need to protect right now is Chiara and Charm has nothing to do with this." napailing na lamang si Julian sa sinabi ni Cebi na tila disappointed.
"You know what, you're right. Charm has nothing to do with this but your feelings." huling sabi nito bago siya tinalikuran. Malutong na lamang siyang napamura dahil sa inis nang makaalis na ang kaibigan.
'Damn! Bakit sa dinami-rami ng babae, si, Chiara pa?! Bakit pinsan pa niya?!'
_CHARM_
"Come on, Charm. Samahan mo na ako. Shop with me." pangungulit sa akin ni Chiara. Napabuntong hininga na lamang ako.
"I can't. Marami pa akong tatapusing mga designs." sabi ko sa kanya dahilan na humaba ang nguso niya. She crossed her arms on her chest and look at the papers in front of me. Mas lalong humaba ang nguso niya.
Napailing na lamang ako. She's already turning 24 pero isip-bata pa rin.
"And it's ATE Charm for you." kaagad na umikot ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Pasakdol siyang umupo sa visitor seat at nangalumbaba sa mesa ko.
"No. I won't call you that. Hindi naman naglalayo ang edad natin eh."
"Brat." naiiling na saad ko habang nakangiting nakatingin sa pinsan ko.
"So are you." sagot pa nito at binelatan ako bago tumayo. Inayos niya ang nagusot niyang damit at sinunod ang medyo kulot niyang buhok.
"I'm going now. Mukhang busy ka naman eh. Sobrang busy na halos wala ng time para sa pinakamaganda mong pinsan." inemphasize pa nito ang salitang 'busy' dahilan na matawa ako. Parang kahapon lang naman kaming nagshopping.
"I'm really sorry, Chiara. Hindi ko talaga maiwan ang mga 'to eh. Kailangan na kasi 'to for tomorrow. Don't worry, babawi ako." she once again rolled her eyes at me.
"Okay. I give up. Just make sure na babawi ka talaga."
"Okay, okay. Enjoy shopping, cuz." Chiara waved her hand.
"Yeah, yeah. I will. Urgh! Magmumukha na naman akong loner nito sa mall." bulong pa nito na hindi nakaligtas sa tenga ako. Napailing na lamang ako ng makalabas na siya sa opisina ko. I took a deep breath before I continue my work.
Designing accessories is really my favorite work. I love creating unique styles na talagang hindi magawang kopyahin ng iba kahit na ano mang pilit nila still, hindi nila kayang kopyahin ang mga designs ko. Starting from the weird curves in every edges of my designs to my secret mark on it. My rivals can't do anything about it.
Napangiti ako ng matapos ko ang pinakahuling design na ginawa ko. Sinadya kong simplehan lang yun para naman pwede sa kahit anong gender. I sighed with satisfaction as I continue to look at my design. Kung titignan ay sobrang nipis nun na para bang robber bond pero, kapag sinuri mo ng malapitan ay mapapansin mo ang munting letra na nakaukit doon.
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...