CHARM#18

293 48 10
                                    

_CHARM_

"Okay na ba?" mahinang tanong ko kay Jinny at pasimpleng nilingon si Mari na sa ngayon ay tahimik na kinakalkal ang cabinet ko. Ewan ko ba sa babaeng ito. Maaga pa akong binulabog dito sa condo at dire-diretso sa kwarto ko para lang ilabas lahat ng mga damit niyang nandun at pinagtutupi. Ang weird na naman niya ngayon. Panigurado, may problema 'to. Muli kong hinarap si Jinny na sa ngayon ay kalong-kalong ang lalagyan ng strawberry na dala ni Mari kanina. Sinamaan ko siya ng tingin at inagaw sa kanya yun.

"Wag mong ubusin! Akin 'to eh!" singhal ko sa kanya ka sumimangot siya.

"Damot!" maktol pa niya at nagcross arm.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko sa kanya at sinubo ng buo ang isang piraso ng strawberry. Lumapit siya sakin na para bang bubulong kaya inilapit ko ang sarili ko sa kanya.

"Nag-away sila ni Sherson." kaagad na nanagsalubong ang kilay ko. Tinignan ko siya na parang nagtatanong kung bakit. Hindi din naman ako makapagsalita dahil sa may laman ang bibig ko.

"Ganito kasi yun." pag-uumpisa niya kaya mas lalo akong lumapit sa kanya. Mas lalo kasing humina ang boses niya.

"Pumunta siya sa opisina ni Sherson para sana isurprise ito pero siya pa ang nasorpresa nang makita niyang nakalingkis na naman ang lintang Lessy na yun kay Sherson. And take note! That leech even press her filthy lips on Sherson's lips! Sino ba naman ang hindi masasaktan pag ganun ang kaagad na bubulaga sayo sa opisina ng mismong boyfriend mo diba?!" mahabang lintiya niya sakin. Tahimik lang ako at muling sumubo ng strawberry. Nginuya ko pa yun ng may panggigigil at muling sumubo ng isa pa. Hinampas ko pa ang kamay ni Jinny na pasimpleng kumuha ng strawberry at sinamaan ito ng tingin. Sumambukol ang pisngi niya.

"Ganyan ba talaga kapag buntis? Nagiging masiba na at madamot? Isa lang naman eh!" maktol pa niya pero hindi ko siya pinansin. Umusog ako palayo sa kanya dahilan na magreklamo siya.

"Mari, tama na yan." puna ko kay Mari kaya napatigil siya sa pagtutupi ng damit niya. Hindi siya nagsalita pero halatang nasaktan talaga siya. Halata kasi sa mga mata niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo. Umangal naman si Jinny dahil sa bitbit ko pa rin ang lalagyan ng strawberry. Nilapitan ko siya at inalok nito pero tinignan lang niya yun kaya ako na ang sumubo ng isang pirasong buo sa bibig niya. Umangal pa siya pero nginuya din naman yun.

"Kung nasasaktan ka, ilabas mo. Iiyak mo. Hindi yung sinasarili mo lang yung sakit at pinipigil na hindi umiyak." sabi ko sa kanya. Yumuko lang siya kaya muli akong napabuntong hininga at umupo sa tabi niya. Sumunod din si Jinny na sa kabilang side ni Mari umupo pero bago yun ay kumuha pa ng strawberry sakin kaya matalim ko siyang tinignan. Sumiksik lang ito kay Mari para magtago kaya hinayaan ko na lang.

Si Mari ang may problema ngayon at kailangan ng karamay. Saka ko na lang poproblemahin ang isa kapag tapos na ako kay Mari.

"Masakit kasi." pagsisimula niya. Idinikit niya ang kamay sa kanyang dibdib.

"Ayokong maramdaman 'to pero kapag naaalala ko yung eksena kanina, parang pinipiga ang puso ko. Gusto kong sugurin si Lessy kanina at sabunutan pero heto ako ngayon, nagtatago. Ang hina-hina ko! Bakit hindi ko kayang maging kasing palaban kagaya mo, Charm?" tuluyan na ngang nagbagsakan ang mga luha niya.

"Marami akong gustong isumbat sa kanilang dalawa. Gusto ko silang sigawan pero pag kaharap ko sila, ayaw bumuka ng bibig ko. Bakit ako ganito? Bakit hindi ko kayang ipagtanggol itong nararamdaman ko? Baka may mali sakin? Baka tama kayo na may emotional dysfunction talaga ako." sabi pa niya at paulit-ulit na pinaghahampas ang dibdib niya. Kaagad naman namin siyang niyakap.

Mari will always be Mari. She is too kind and at the same time, too fragile.

"Wala kang emotional dysfunction at lalong hindi ka mahina. Hindi mo sila kayang sumbatan kasi ayaw mong mapilasan ang mga ego nila lalo na ang mga damdamin nila. Ikaw naman kasi, bakit sobrang bait mo! You are always concern on other people's feelings kahit na minsan, ikaw yung agrabiyado." sabi ko sa kanya at tinulungan siyang punasan ang mga luha niya.

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon