_CHARM_
"And one more thing, I am watching you, Charm. I am watching you."
"I am watching you."
Iyan ang paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan mula pa kanina. Kahit sa buong byahe naming dalawa ni Cebi ay hindi pa rin yun mawala sa isip ko. Mariin akong napapikit at napahawak sa bandang puso ko nang maalala ang tinging ibinigay sa akin ni Cebi kanina.
Kahit hindi niya sabihin, alam kong nagdududa siya kung siya talaga ang ama ng anak ko. Pero paano kung totoo ang sinabi ni Luis? Paano kung... Mas lalo akong napahawak ng mahigpit sa dibdib ko. Ang sakit. Sobrang sakit to the point na pati sarili ko ay hindi ko na kayang paniwalaan pa.
Ang gusto ko lang naman ay makita at mahawakan ang anak ko. Kahit husgahan man ako ng buong mundo kung sakaling anak siya ng demonyo, wala na akong pakialam pa. Ang mahalaga ay mayakap ko siya at sisiguraduhin kong mamahalin siya hanggang sa makakaya ko.
"Sundae." wala sa sariling utal ko ng makita ang drivethru ng jollibee. Hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait ng maalala ang mga araw na nasa tiyan ko pa lang ang anak ko. He likes sundae and strawberry.
Nagtaka ako ng bigla na lamang kamig tumigil ni Cebi kaya napalingon ako sa kanya.
"B-bakit?"
"Wait here." malamig na sagot lang niya sakin na parang saksak sa puso ko. Lumabas na siya sa kotse at walang lingon na naglakad palayo. Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanya at isinandal ang ulo ko sa bintana ng passenger seat.
I feel so weak. So drained and hopeless. Even my heart is slowly giving up to me. I'm so stupid for making my life into a mess just for my love for him na wala din namang pinatunguhan. I got nothing but endless pain. I feel like I was a dumb knight fighting alone with billions of enemies in a battlefield just for love.
I want to give up. I badly wanted to. But not right now. Not this time. I can endure more pains. Even if it will kill me, I'll still fight if that's what I have to do.
Mabilis kong inalis ang seatbelt na suot ko at sumunod kay Cebi sa loob ng jollibee drive thru nang bigla akong may nakabangga dahilan na magkalat ang mga gamit niya mula sa loob ng kanyang pouch.
"Sorry." hinging paumanhin ko at mabilis siyang tinulungan nang biglang may sumabog mula sa labas. Hindi ako nakatayo kaagad dahil sa nagkagulo na ang mga tao sa paligid ko. Maging ang babaeng nakabangga ko ay hindi na nakuha sakin ang iba niyang gamit at sumama na rin sa nagkakagulo nang maalala ko si Cebi.
"C-C-CHARM!" mabilis akong napalingon sa boses na pinanggalingan ng sigaw na yun pero hindi ko makita si Cebi. Nabubunggo na rin ako ng mga tao kaya nahirapan akong hanapin siya. Nakipagsiksikan na lamang ako sa pinto para makalabas at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ang kotse na sinasakyan namin ni Cebi kanina na nilalamon na ng apoy.
Gumapang ang takot sa buo kong katawan sa nasaksihan ko. Paano pala kung hindi kami huminto ni Cebi? Paano kung hindi ako lumabas?
"CHARM!" nagising lang ang diwa ko ng muling marinig ang boses ni Cebi na tatakbo pa sana palapit ng kotse niyang nasusunog kung hindi lang siya napigilan ng mga tao. Kaya mabilis ko silang nilapitan sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.
"Cebi!" tawag ko sa pangalan niya dahilan na matigilan siya. Kahit papaano ay kumalma na rin ang mga taong umaawat sa kanya nang mapatingin siya sakin.
Napakagat na lamang ako ng ibabang labi ko ng makasalubong ang mga mata niya. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya. Akala ko ay galit siya pero nagulat na lamang ako ng inilang hakbang niya ang pagitan namin at kinulong ako sa mga bisig niya.
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...