_THIRD PERSON_
Magkasalubong na naman ang mga kilay ni Cebi habang paulit-ulit na binabasa ang report na ibinigay sa kanya ni Elmer. Everything doesn't make sense at all! Lalong-lalo na ang nakasulat tungkol sa narinig ng witness na si Ruby.
Hindi daw nito nakita ang buong mukha ni Chia nung gabing yun dahil nga sa nakasuot silang lahat ng mask. Ayon pa dito ay medyo wala ito sa sarili dahil sa sobrang lasing. Inalalayan lang nila ito at sinabihang magpahinga muna para kahit konti ay mawala ang pagkahilo nito. The flow of the story is okay. Maliban na lang sa iisang bagay na nakakabahala.
Ruby states here that everytime Chia moves, she always hears a faint sound of bell.
"Bells... Bells... What's with the bells?" naguguluhang kausap niya sa sarili niya. Hindi pa siya nakuntento at talagang paulit-ulit na binilugan ang salitang 'bell' sa papel na nasa harapan niya.
"And what's wrong with your lips?" kaagad siyang napaangat ng tingin kay Elmer ng magsalita ito. Nakatayo ito ngayon sa harap niya at nagtataka siyang tinitignan.
"What?" balik na tanong niya dito. Umiling lang ito at umupo sa visitor's seat sa harap ng mesa niya.
"You keep on touching your lips. Nangangati ba?" tila doon lang niya narealize kung ano ang gustong ipunto nito. Kaagad niyang inalis ang pagkakahawak sa labi niya at marahas na napabuntong hininga pero kaagad ding kinagat ang ibabang labi niya.
'Damn! I can still feel her soft lips with mine! Why the hell can't I forget it?!' paulit-ulit na kastigo niya sa sarili. He's been sleepless for two days dahil sa imbestigasyong ginagawa nila. He badly wanted to rest but everytime he closes his eyes, bigla-bigla na lamang nagpapop-out sa isipan niya ang tumatawang mukha ni Charm at ang halikang nangyari sa kanila.
"Sh*t!" mura na lamang niya at inihilamos ang palad.
"Pinoproblema mo pa rin ba kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ni Ruby tungkol sa bell na narinig daw niya? Dude, maybe she's just hearing some things. Alam mo na, epekto ng drugs na nainom nila." sabi ni Elmer sa kanya pero umiling lang siya. Iyan pa ang isa sa mga pinoproblema niya ngayon. Para kasing may pumapasok sa isip niya na hindi niya mahulaan kung ano. Pakiramdam niya ay nasa dulo na ito ng dila niya pero hindi pa niya mapoint out kung ano.
'Damn! This is making me crazy!'
"Oh, saan ka na naman pupunta?" tanong nito sa kanya ng bigla siyang tumayo.
"I'm going to unwind. I need some fresh air to think clearly." sagot lang niya dito at tuloy-tuloy na lumabas sa opisina habang paulit-ulit na iniisip kung ano ba talaga ang meron sa bell na sinasabi ng witness nila.
Sa sobrang pag-iisip ay ni hindi na niya namalayan pa ang muling paghaplos niya sa ibabang labi niya.
'Bells... Sound of the bells... Why do I have a feeling that it is so familiar to me?'
He suddenly stopped when he realized something. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya at kaagad na tinawagan ang isa sa kasamahan niya sa trabaho.
"Hello, Lucas? Are you with Chia right now?" kaagad na tanong niya dito ng sinagot nito ang tawag niya.
[Yes, I am with right now. Pero ang ipinagtataka ko, wala naman akong naririnig na maliit na tunog ng bell mula sa kanya kagaya ng sinabi ni Ruby.] halata din ang pagtataka sa boses nito dahilan na mahailot siya ng sentido niya.
"C-can you try asking her something about having some accessories?"
[Accessories? Like bracelets and necklace?] tanong pa nito.
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...
![Chancy Revenge [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/162652360-64-k213830.jpg)