CHARM#6

368 72 61
                                    

Nandito kami ngayon ni Jinny sa bahay nina Mari at syempre feel at home na naman kami. Nakadapa pa ito sa carpeted floor nina Mari at nakapatong ang dalawang braso sa ibabaw ng unan na nasa harapan niya habang ang mga mata ay nakatuon sa palabas sa flat screen tv. Ako naman ay nakahilata sa mahabang sofa.

Wala kasi dito sina Tito at Tita dahil pinagbakasyon ni Kuya Loki para makapagrelax naman daw ang dalawa. May sariling bahay na naman si Kuya Loki dahil sa may sarili na rin itong pamiya kaya wala siya dito. Wala din si Cebi na hindi ko alam kung saang lupalop na naman romaraket. O baka magkasama na naman sila ng Eiko na yun ngayon. Psh.

It's been 2 days simula nung nangyari sa bar and it's also been 2 days na wala akong ginagawa. Wala lang. Tinatamad lang akong gumalaw. Isa pa ay hindi ko mapasa ang mga sketches ko dahil nga sa 'nowhere to be found' na naman si Cebi. Sigurado akong naiwan ko yung sketch pad ko sa kotse niya.

Malalim akong napabuntong hininga bago umayos ng upo ng makita si Mari na palabas ng kusina. May dala itong tray ng meryenda kaya kaagad akong nakaramdam ng gutom. Lalo ng makita na naman ang strawberry na toppings ng cake.

Ipinatong niya ito sa itaas ng mini table na nasa harapan ng sofa kaya mabilis sa alas-kwatro kaming tumayo ni Jinny at kinuha ang kanya-kanya naming plate. Natawa lang si Mari sa amin at kinuha na rin ang sa kanya.

"Hanggang kailan ba magbabakasyon sina Tito at Tita?" tanong ni Jinny bago sumubo ng cake. Sumubo na rin ako ng akin habang nakatingin kay Mari.

"It's a one week vacation so next week pa sila makakabalik." sagot niya at umupo sa tabi ko. So ibig sabihin, one week kaming mamamalagi dito sa bahay nila Mari. Wala namang problema kina Tito yun eh. Kasi mayroong kasama si Mari habang wala sila.

"Nice. One week ring may libreng pagkain." masayang saad ni Jinny na ikinatawa ko.

"Libre? Anong libre? Wala ng libre ngayon sa mundo, Jinny. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, mag-aambag ka sa mga kakainin natin." pagbibiro sa kanya ni Mari na ikinalaki ng mga mata niya at pagtigil ng pagsubo niya. Mas lalo akong natawa.

This is one of the reason why I like spending time with them. They always never fail to make the atmosphere fun and enjoyable.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad kaming dumiretso sa kusina para magluto ng hapunan. Kami ang nagluto ni Mari ng ulam namin at si Jinny naman ang nagsaing. Iyon lang kasi ang alam niyang lutuin maliban sa pagpiprito. Kung may iba pa kaming kasama dito sa bahay ay paniguradong maiinis ang mga ito dahil sa ingay namin.

"Jinny, don't check the rice again and again." suway ko sa kanya.

"Baka masunog." napangiwi ako sa sinagot niya sakin.

"Rice cooker ang nilutuan mo kaya automatic yan. Ano ka ba." inikutan niya ako ng mata.

"Alam ko. 'Baka' nga diba. Duh!" she even flip her hair before turning her back on me at muli na naman sanang ichecheck ang rice cooker pero pinigilan ko siya.

"Tumigil ka! Oh, heto. Tapusin mo na lang itong niluluto ko at ako na ang bahala sa sinaing mo." pinanlakihan naman niya ako ng mata at namewang sa harap ko.

"Ano ka, sineswerte? Jan ka nakatoka kaya tapusin mo yan!" angal niya at muli akong tinalikuran. Humigpit ang hawak ko sa sandok. Parang gusto kong itapon yun sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kasi masunog namin ang kusina at pati na itong bahay nina Mari dahil sa bangayan namin ni Jinny.

We cooked pinakbet and fried tilapia at after naming kumain ay sabay naming niligpit ang hapag-kainan.

Nagbangayan na naman kami ni Jinny kung sino ang maghuhugas. Gusto kasi niyang siya, pero alam kong aabutin siya ng siyam-siyam dahil sa mahilig siyang laruin ang bula sa sponge.

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon