_CHARM_
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto kaya kaagad akong napabalikwas ng bangon. Nakaramdam ako ng pagkabalisa ng nilinga ko ang paningin ko sa buong kwarto. It was all white at sigurado akong nasa ospital ako.
“Ospital?” tanong ko sa sarili ko. Nahimatay ba ako kanina kaya pati ako ay nakahiga din dito? Nang tinignan ko an suot ko ay kumunot ang noo ko. Ganun pa rin ang damit na suot ko at hindi ako nakahospital gown.
Nang maalala ko si Chiara bumalik ang takot at pag-aalala ko kaya mabilis akong bumaba sa kama at tinungo ang pinto pero ganun na lamang ang pagtataka ko ng mapagtantong nakalock ito mula sa labas. Sinubukan ko yung buksan pero wala talaga. Nanlulumong inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto.
May apat na higaan ang nandito. Dalawa sa bandang kaliwa ko at dalawa naman sa kanan. Pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang higaan sa tabi ng hinihigaan ko kanina. Sarado ang kurtina nito. Sa pag-aakalang si Chiara ang nandun ay hindi na akong nagdalawang-isip pang lumapit doon at hinawi ang kurtina. Pero natigilan ako ng ibang tao ang nakahiga doon at hindi si Chiara. May benda ito sa ulo at may natuyong dugo pa sa damit na suot nito na ikinaputla ko.
“E-Eiko…”
_THIRD PERSON_
“Ang sabi ko, bantayan mo siya! Pero anong ginawa mo?!” galit na sigaw ni Cebi kay Lucas at kinwelyuhan niya ito. Mabilis naman silang dinaluhan ng mga kasamahan nila.
“Cebi, you need to calm down!” suway sa kanya ni Ruwan at pilit na inaalis ang kamay niya sa kwelyo ni Lucas.
“Calm down?! How can I fvcking calm down?! Eiko had been abducted right in front of my eyes and now, this a*shole didn’t do what he’s supposed to do!” nanggagalaiting sigaw niya at akmang aabutin na naman sana si Lucas pero pinigilan siya ni Jullian at Ruwan.
“What do you want me to do?! Hayaan na lang na mamatay si Chiara?! Goddamn it, Cebi! The woman I like was just hit by a car right in fvcking front of my eyes! Sa tingin mo, makakapag-isip pa ako ng matino? Alam mo kung ano yung nararamdaman ko ngayon dahil nangyari din yan sayo!” nahihirapang paliwanag nito sa kanya kaya napasabunot na lamang siya ng buhok niya at napasigaw.
Lucas has also a point but fvck! Hindi lang si Eiko ang nawawala ngayon kundi pati na rin si Charm. She was supposed to follow Lucas at the hospital after she called their Aunt. Pero hindi ito dumating. Damn! Pakiramdam niya ay mababaliw siya sa pag-aalala.
Bakit kailangang mangyari pa ito?!
“I think this was planned out.” Natigilan siya at kaagad na napalingon kay Justin dahil sa sinabi nito. Seryoso itong nakatingin sa kanya bago kay Lucas.
“Sigurado akong sinundan nila kayo pag-alis na pag-alis niyo sa apartment ni Eiko at sinadya kayong bungguin nun. And as for Lucas.” Tumigil ito sandali at may isang envelope na ibinigay kay Lucas. Kumunot naman ang noo nito at tinanggap yun. Binuksan nito yun at inilabas ang ilang mga litrato na mas lalong ikinakunot ng noo nito.
“What’s that?” nagtatakang tanong niya at akmang babangon sa hinihigaan niya ng muli na naman siyang pinigilan ng dalawa. Sinamaan niya ito ng mga tingin.
“W-wha… What the hell is this?!” bulalas ni Lucas. Nang maramdaman niya ang pagluwag ng hawak sa kanya ng dalawa niyang kaibigan nay kaagad siyang tumayo at inagaw ang mga litrato sa hawak ni Lucas. Kaagad na nag-init ang ulo niya at mabilis na kinwelyuhan na naman si Lucas dahilan na magkagulo na naman ang mga kasamahan nila.
“Damn, Cebi! Bitawan mo siya!” utos sa kanya ni Jullian pero hindi niya ito pinakinggan. Imbes ay hinigpitan pa niya lalo ang pagkakakwelyo kay Lucas.
![](https://img.wattpad.com/cover/162652360-288-k191061.jpg)
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...