[A/N: Be Warned. Prepare for a heartbreak 💔💔]
"O-ow! Hinay-hinay lang naman kasi masakit!" reklamo ko kay Cebi na sa ngayon ay ginagamot ang nasugatan kong tuhod dahil sa pagkakabagsak ko sa semento kanina. Hindi ko alam kung ipapasalamat ko pa ang panggagamot niya sakin o pagsisisihan kong tinulungan niya ako.
"Talagang sasakit yan kasi sugat yan!" galit niyang bulyaw sakin na kulang na lang ay ibuhos ang lahat ng laman ng alcohol sa sugat ko.
Marahas kong inilayo ang kamay niyang may hawak na cotton at inilayo yun sa tuhod ko dahilan na mas lalong sumama ang tingin niya sakin.
Padabog siyang umupo sa driver's seat at sumandal dun.
"Fine! Kung ayaw mo, di wag! Ikaw na nga 'tong tinutulungan tapos aarte ka pa!" kung hindi lang masakit ang tuhod ko ay kanina ko pa siya sinipa sa sobrang inis.
"Bakit?! Sino ba ang nagsabing lapitan mo ako?! Tinawag ba kita at inutusan?! Hindi naman diba?! Ikaw ang kusang lumapit at tumulong kaya huwag mo kong sinusumbatan jan!" naiinis kong sigaw sa kanya at umiwas ng tingin para hindi niya makita ang mukha ko. Napakagat na lamang ako ng ibabang labi para pigilan ang nag-aambang pagtulo ng luha ko.
Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga niya pero hindi ko siya nilingon at mas lalo lamang umusod sa pinakagilid ng passenger seat.
"Lumabas ka na." tuluyan ng naglaglagan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang marinig ang sinabi niya. Pakiramdam ko mas lalo pang nagkapira-piraso ang puso ko dahil sa salitang lumabas sa bibig niya.
Bakit ganyan siya? Bakit parati na lang niya akong ipinagtatabuyan?
Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko ng marinig ang mahinang katok sa salamin sa bandang driver's seat at marinig ang pagbukas nun.
"He got away." narinig kong sabi ng isang lalaki kaya kaagad akong napalingon sa direksyon ni Cebi. May isang lalaki doon na nakadungaw sa bintana ng driver's seat. Pawis na pawis ito at hinihingal pa. Kumunot ang noo ko ng magtama ang mga mata namin.
Siya yung lalaking humabol kanina sa isang lalaking nakabunggo ko. Magkakilala pala silang dalawa ni Cebi.
Napaigtad ako ng bigla na lamang hinampas ni Cebi ang manibela.
"Damn it!" napalunok ako ng makita ang madilim na mukha ni niya. Magkasalubong ang makapal nitong mga kilay at halata ang inis sa mga mata nito. Muli akong napalunok ng lumingon siya sakin.
"Ano pang tinutunganga mo jan?! Lumabas ka na!" halos mapatalon ako sa biglang pagsigaw niya sakin na sinundan ng pagsikip ng dibdib ko.
Bago pa man muling tumulo ang mga luha ko ay mabilis na akong lumabas sa kotse niya at walang lingon-lingon na naglakad palayo.
Bawat hakbang na aking ginagawa ay mas lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ko. Parang paulit-ulit na pinupunit ang puso ko. Ang sakit! Sobrang sakit!
"Tama na please. Ayoko ng ganito." mahinang usal ko habang paulit-ulit na hinahampas ang dibdib ko. Pero walang nangyari. Nararamdaman ko pa rin yung sakit.
I want to ran away from this kind of pain but I don't know how. I want to be free from this one-heartbreaking-sided love but I don't know what I should do! Siguro nga tama siya. Ang tanga-tanga ko nga!
_THIRD PERSON_
Humigpit ang pagkakahawak ni Cebi sa manibela habang sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ni Charm bago umiwas dito ng tingin.
"Hindi mo ba hahabulin?" mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya dahil sa sinabi ni Julian.
"Bakit ko hahabulin eh pinaalis ko nga diba." malamig na sagot niya dito. Marahas na napabuntong hininga ang kaibigan bago ito umalis sa harap ng bintana niya at umikot papunta sa passenger seat at umupo doon.
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...