CHARM#33

283 14 0
                                    

_CHARM_

"Ilang beses na ba kitang pinagsabihan na huwag kang basta-bastang lumabas ng bahay niyo?! Mahirap ba yun intindihin?!" sigaw sakin ni Cebi pagpasok na pagpasok namin sa bahay. Kulang na nga lang ay wasakin na niya ang kung ano mang gamit ang makikita niya. Ewan ko na lang kung paano niya nakokontrol ang sariling huwag magbasag.

"Are you even listening to me, Charm?!" tawag niya sakin dahilan na matigilan ako sa pagkagat ng mansanas na dala ni Eiko. Medyo okay na naman kami ng babaeng yun kahit papaano although may konting gigil pa rin akong nararamdaman sa kanya.

"God! Ano na lang ba ang gagawin ko sayo." problemado niyang saad at sinabunutan ang sarili sa mismong harapan ko. Hindi na ako nagsalita pa at pinagmasdan lang siya.

I know that he's concern about me. Pero ayokong lagyan pa yun ng kung ano. Tama na yung alam kong concern siya sakin. Wag ng sumobra pa dun dahil ako lang din ang masasaktan at mapapagod.

I heard him sighed before he turned his gaze at me. Umiwas naman agad ako ng tingin.

"Luis requested something before he give what we wanted." kaagad akong napaangat ng tingin dahil sa sinabi niya. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin pero nanatili lang siyang nakatingin sakin na ikinakaba ko.

Ayokong isipin na tama ang hinala ko kaya yumuko na lamang ako.

"Charm." tawag ni Cebi sakin dahilan na mas lalo akong nawalan ng pag-asa. Sa tono ng boses niya, alam na alam ko na kung ano ang nirequest ni Luis.

Naramdaman kong lumapit siya sakin at lumuhod sa harapan ko. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko upang iangat yun para salubungin ang tingin niya.

There's something in his eyes that calms me but the same time scares me for I know,  he's somehow scared on something too.

"Just this once, please trust me Charm. Just this once." he begged that made my heart skip that suffocates me.

Gusto kong burahin ang sakit sa mga mata niyang yun pero alam kong napakaimposible. Hindi ako ang taong makakabura nun. At mas lalong hindi ako ang taong dapat niyang luhuran.

Kahit may takot na nadarama sa aking dibdib ay pinilit kong magpakatatag.

With my trembling and cold hands, I reach his face that made him close his eyes.

"O-okay."

"ARE you sure that you can really do this today? I mean, pwede namang bukas kung---"

"No." mahinang sagot ko kay Justin.

"Gusto ko ng matapos 'to at makasama ang anak ko." determinado kong sabi. Ilang sandali muna niya akong tinignan bago tumango sakin.

"Okay. Let's go to the interrogation room now." saad niya at nauna ng maglakad. Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga at mariing pumikit para patatagin ang loob kong harapin ang demonyong yun.

Kaya ko 'to. Para sa anak ko.

Napamulat lang ako ng maramdaman ang mainit na kamay na bumalot sa nanginginig kong kamay. Despite of the strong emotions written on his eyes, alam kong nababahala siya.

"You don't have to do this."

"I have to, Cebi." sagot ko sa kanya na ikinaigting ng panga niya at paghigpit ng hawak niya sakin. Napangiti na lamang ako at sinuklian ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

I'm going to be okay because I know he's here. I trust him.

Muli akong humugot ng malalim na hininga bago napagdesisyunang igalaw ang mga paa ko.

Chancy Revenge [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon