_THIRD PERSON_
"Wala pa rin bang maayos na sagot galing kay Anderson?" it was Ruwan who asked Justin. Kakalabas lang nito sa interrogation room. Nilingon siya nito.
"He still keeps on answering me nonsense. No possible hints about the child." tumiim ang bagang niya.
"But he's requesting something. Or should I say someone." dugtong nito na ikinakuha ng atensyon niya.
"What do you mean?" he abruptly asked Justin. Mataman muna siya nitong tinitigan bago bumuntong hininga.
"I still have to tell our boss about his request. Baka kasi pag nagpadalos-dalos tayo ay wala na talaga tayong makuhang sagot sa kanya." sagot lang nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. And with that look in Justin's eyes, he already know what he was talking about.
"For now, I need you to check on her and please Cebi, get some rest." saad lang nito bago sila tinalikuran ni Ruwan. Naiyukom na lamang niya ang kamao niya sa sinabi ng kaibigan.
Bakit kailangan pang patagalin ang pagkuha ng impormasyon kay Luis kung pwede namang gawin na ngayon din mismo?! They already wasted so much time!
"Justin's right, Cebi. You should take a rest. Nagmumukha ka ng zombie sa laki at itim ng eyebags mo oh. Dinaig mo pa si L." mabilis siyang napalingon kay Ruwan dahil sa sinabi nito.
"L?" kunot-noong tanong niya dito. Pero inilingan lang siya nito.
"Si L ng deathnote pare." mas lalong kumunot ang noo niya. Mukhang napansin naman yun ng kaibigan niya ang kanyang reaksyon dahil sa mas lalo itong napailing at pinagtatawanan pa siya.
"May nakakatawa ba, Burris?" matigas na bigkas niya sa surname nito dahilan na napaayos ito ng tayo.
"W-wala. Sabi ko nga aalis na ako eh. Sige, dude! Una na ako." at mabilis itong naglaho sa harap niya. Marahas na lamang siya napabuntong hininga at mariing ipinikit ang mga mata. Now he can feel what his friends are saying to him a minute ago. He indeed needed a rest but everytime he tried to close his eyes, scary flashbacks keeps on popping in his mind. Haunting him and preventing him to sleep.
Sa huli ay napagdesisyunan na lamang niyang umuwi muna sa bahay nila. Hindi para magpahinga, kundi para makausap ang nakababatang kapatid niya. It's been his routine for almost two weeks now. And it always ended with an argue Mari.
"Come on, Mari. I'm still talking to you. Wag mo akong talikuran." maawtoridad niyang saad sa kapatid niyang lalabas sana ng bahay nila. Mabilis siya nitong hinarap.
"Aren't you tired, kuya?" alam niyang naiinis na ito sa kanya pero hindi na niya yun pinansin.
"No, so come back here and talk to me." muling utos niya dito pero sinimangutan lang siya nito. Sinamaan niya ito ng tingin pero hindi katulad ng dati na parang tuta itong lalapit sa kanya dahil sa nagawa pa nitong irapan siya.
"MARI!" naiinis na pumadyak ito at dinuro siya.
"No! Ayoko! Bakit hindi ikaw ang pumunta sa bahay nila at ikaw na mismo ang magtanong sa kanya tungkol sa kalagayan niya? Kuya naman!"
"Pupunta ka din naman dun diba?!" this time, he lose his temper again.
"Edi sumama ka! Wala namang masama dun. Pupunta ka lang naman tapos tatanungin kung kamusta na siya. Kapag hindi ka sinagot, edi umalis ka na."
"MARI!"
"Kuya Cebi naman kasi!"
"Sagutin mo na lang kasi ako!"
"Sumama ka na lang kasi para madinig mo mismo ang sagot niya! I can lie to you saying that her answer is 'she's okay' you know." nakabusangot nitong sagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chancy Revenge [Completed]
RomanceLOVE STRINGS Series II She's crazy. She's mad. But that's only because of her first love. She's more evil than you think. A woman with a big yet broken heart will end her madness with her Chancy Revenge. "Kuya, buntis ako. At hindi ikaw ang ama." ph...
![Chancy Revenge [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/162652360-64-k213830.jpg)