KH 15

809 40 0
                                    

Matapos ang nangyaring aksidente ilang taon na ang nakalipas sa restaurant, marami akong natuklasang sekreto tungkol sa aking pagkatao. Isa na rito ang pagiging immortal ko. Oo, mayroon akong kakaibang kapangyarihan. 'Yan ang sabi ni Dad, unbelievable, right? Sinabi pa niya na isa raw ako sa mga kilalang makapangyarihan sa mundo ng mga immortal. Hindi ako kilala sa pangalan, kundi sa isang titulo na ni hindi ko alam kung ano.

Ayon kay Dad, ang tunay kong ama ay namatay sa huling digmaan sa mundo ng mga immortal, at ang aking ina naman ay nasa kabilang mundo—ang mundo ng mga imortal. Noong una, hindi ko talaga matanggap na isa akong immortal. Hindi n'yo ako masisisi, dahil lumaki akong naniniwalang isa akong normal na tao. Para sa akin, ang mga kwento ng fantasy ay bunga lamang ng malikhain nating imahinasyon. "To see is to believe," lagi kong sinasabi. Naniniwala ako sa mga magic tricks na ginagawa ng mga tao gamit ang baraha o iba pang props dahil may mga teknik sa likod nito. Pero ang magkaroon ng tunay na kapangyarihan? Hindi ko kayang paniwalaan.

Pero determinado si Dad na kumbinsihin akong totoo ang mahika. Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat ng tungkol sa mundo ng mga immortal, at pinakita pa niya ang kapangyarihan niya upang mapaniwala ako. Natakot ako noong una, pero nanaig ang excitement at pagkamangha sa aking nararamdaman. Si Dad ay isang illusionist, at talagang kahanga-hanga ang kanyang kakayahan.

Dahil sa mga nalaman ko, nagising ang aking kuryosidad tungkol sa kung ano talaga ang kaya kong gawin ngayon na natuklasan kong isa akong immortal. Sinabi nga ni Dad na kilala ang titulo na dala ko sa mundo nila kaya naman nakaka-curious talaga. Kaya nagsimula ang araw-araw kong pagsasanay kasama si Dad. Habang tinutulungan niya akong sanayin ang aking mga kakayahan, tinutulungan ko rin siya sa paglutas ng mga krimen, na siyang aking trabaho. Oo, mahirap, pero gusto ko rin naman kaya't kinakaya ko.

Sa bawat araw ng pagsasanay, nararamdaman kong mas lumalakas ako. Natututo ako ng iba't ibang spells, pag-manipula ng illusions, at paggamit ng enerhiya para sa iba't ibang layunin. Parang natutuklasan ko ang isang bagong bahagi ng sarili ko na matagal nang natutulog. Ngunit hindi lang sa kapangyarihan ko ako nagtuon ng pansin. Tuloy pa rin ang pagkahilig ko sa pagiging detective, at madalas akong sumama kay Dad sa mga imbestigasyon upang gamitin ang mga natutunan ko sa pagtuklas ng mga sikreto.

Sa totoo lang, namimiss ko ang mga dating ka-club ko. Nami-miss kong mag-solve ng mga kaso kasama sila. Maikli lang ang mga panahon na nagkasama-sama kami, pero kahit na gano'n, mahalaga sa akin ang mga memories namin. Hindi ko masyado itong dinadamdam, kasi balang araw makikita ko rin sila sa mundo ng mga imortal. Pero alam ko, kailangan ko munang paghusayan ang aking pagsasanay bago ko sila makita. Ayokong magmukhang mahina o kawawa doon. Sa mga kwento kasi, laging ang baguhan ang napag-iiwanan at nahihirapan. Hindi ko hahayaang mangyari 'yan sa akin. Sa ganda kong ito, walang karapatan ang sinuman na lokohin o i-bully ako! Eme.

"Ashley," tawag ni Dad, na pumukaw sa aking atensyon mula sa pagbasa ng spell book.

"Bakit po?" sagot ko, habang isinasara ang libro.

"Tomorrow is the day where ALL THE POWERFUL ONES will meet up." Dad said at in-emphasize pa talaga ang 'all the powerful ones'.

"Kailangan ba talagang nandoon ako? Ganun ba ako kalakas?" tanong ko habang nag-aalinlangan, ramdam ko ang pagdududa sa sarili.

"Pagdating mo roon, magugulat ka sa mga reaksyon nila kapag nakita ka. Makapangyarihan ka sa kanila, lalo na para sa akin. Alam mo naman 'yun, hindi ba?" Oo, alam kong totoo ito. Bumalik na ang mga alaala ko noong ika-18 kong kaarawan. Isa pala talaga akong imortal. Ang akala ko'y kwento lang ang lahat ng iyon, pero totoo pala. Nagsimula itong mangyari nang mag-18 ako, ang pagbabagong anyo ng isang may dugong immortal. Sino'ng mag-aakala?

Huminga ako ng malalim, "Sabi mo po eh."

"Magsimula ka nang mag-ayos ng gamit at magpahinga ka na.  Tomorrow will be a big day for the both of us," sagot niya nang may nakakalokong ngiti.

Aalis na sana siya nang tawagin ko muli, "Ahm, Dad, sabay naman tayo pupunta doon, 'di ba?"

"Hindi. Mauuna ako. May pupuntahan pa ako," sagot niya na tila ba may tinatago.

"Huh? Nakakahiya 'yun!" sigaw ko. Hindi ko maikakaila, matibay ang loob ko, pero ang makipagkita sa mga makapangyarihang imortal nang mag-isa? Hindi ko yata kaya! Iniisip pa lang, nanginginig na ang mga tuhod ko.

"You will be okay, lady," sagot niya na may tiwala. "At doon ka na rin mag-aaral. Dahil transfer student ka roon, isasabak ka nila sa isang crime scene dahil may agency ang school na iyon."

"Agency? Para sa mga detective?" tanong ko na puno ng kuryosidad. Well, that's new.

"Hindi naman eksakto. Sinusubok lang nila ang kakayahan ng mga estudyante sa ganitong larangan. Alam mo naman, kapag may patayan o krimen, mahalaga ang malalim na pag-iisip."

"So, icha-challenge lang kami kung gumagana ang utak namin sa mga ganitong bagay?" sagot ko nang may bahid ng pagdududa.

"Depende sa'yo kung ano ang isipin mo," tugon niya habang tumatawa.

"Sige, sige. Aakyat na po ako. Good night, Dad!" paalam ko habang umaakyat na papuntang kuwarto.

"Good night!" sagot niya sabay kindat.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagsimula nang mag-ayos ng mga gamit. Matagal nang sinabi ni Dad na sa araw na ito magsisimula ang bago kong buhay. Doon na rin ako mag-aaral sa isang paaralan na para sa mga immortal na katulad ko. Ano kaya ang mangyayari bukas? Excited ako, hindi ko mapigilang isipin ang mga posibilidad.

Ngayon, kailangan ko nang magpahinga. Bukas ay magiging malaking pagbabago sa aking buhay, isang hakbang patungo sa bagong kapalaran na hinihintay ako sa mundo ng mga makapangyarihan.

~

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon