Yelena
"Ano kaya ang pag-uusapan namin ngayon?" tanong ko sa sarili habang naghihintay kasama ng mga kapwa ko elementals.
"Ngayon lang ulit tayo pinatawag para sa meeting," sabad ni Kuya Matthew habang nilalaro ang kanyang bracelet.
"Yeah, 'di ko na nga rin matandaan 'yung last meeting natin eh," sagot naman ni Ate Kyla, na tila naiinis dahil nataon ang pagtawag sa amin habang kalagitnaan ng pagkain.
Kailan nga ba ang huling meeting namin? Hindi ko na rin maalala. Napatawag kasi kami dito sa garden sa tabi ng cafeteria, ang usual naming meeting place. Nakakainis dahil saktong oras ng kainan namin nang bigla kaming pinatawag. Parang sabayang reklamo ang naririnig ko mula sa iba habang hinihintay si Sir.
"Good morning, elementals!" masiglang bati ni Sir habang lumalapit.
"Walang good sa morning, Sir! Gutom pa kami!" sigaw ni Kuya Matthew na nagdulot ng tawanan sa buong grupo. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil may katotohanan naman ang sinabi niya. Bitin talaga ang almusal namin kanina.
"I know, I know," sagot ni Sir na may halong ngiti, pero agad ding sumeryoso ang kanyang tono. "Pero ang balitang sasabihin ko ay mas importante."
Napatingin kami lahat kay Sir, ang pagtawa at mga bulungan ay biglang nawala. Naghintay kami ng susunod niyang sasabihin, pakiramdam ko ay may mahalaga siyang ibabalita.
"Bukas ng umaga, pupunta rito ang mga magiging kaalyansa natin para sa nalalapit na digmaan. Darating rin ang mga royals, maliban lang sa Reyna, at kasama rin ang ilan sa mga pinakamakapangyarihang tao. Alam n'yo na sila, 'di ko na kailangan pang isa-isahin," paliwanag ni Sir.
Wait, seriously?! Lahat ng pinakamakapangyarihan ay nandito bukas? Parang lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman, excited ba o natatakot?
"So, ano'ng gagawin namin bukas? Kasama ba kami sa meet-up?" tanong ni Kuya Nathan habang nakataas ang kilay, halatang curious.
"Of course! Tommorow is the meet up of the ALL THE POWERFUL ONES," sagot ni Sir.
"Wow, Sir ah! In-emphasize mo talaga ang ALL POWERFUL ONES, ha!" natatawang sabi ni Kuya Kyle habang kinakawayan ang kamay niya sa ere. "Grabe, ang powerful ko pala!"
Bago pa magpatuloy si Kuya Kyle sa kakulitan niya, binatukan siya ni Ate Kyla. "Hoy, tumigil ka nga d'yan!" sabay irap.
"So, the Headmistress wants you all to behave tomorrow. Lalo na kayo, Matthew, Kyle, at Carl," sabi ni Sir habang tumatawa.
"Sir naman, bakit pati ako kasama? 'Di naman ako maligalig, ah!" sumbat ni Kuya Carl habang tinuturo ang sarili.
"Narinig ka na ng Headmistress kaya wala ka nang magagawa," bulong ni Ate Kyla.
"Hoy, Kyla, anong binubulong-bulong mo d'yan, ha?"
"Tumigil na nga kayo, ang ingay!" sita ni Ate Yeri, na siyang laging nagsisilbing mediator sa amin.
"Iyon lang ang sasabihin ko," sabi ni Sir habang inaayos ang kanyang papeles. "Sige, aalis na ako, may iba pa akong gagawin."
"Sir, mga ilan kaya ang pupunta bukas?" tanong ko na hindi maitago ang kuryosidad.
"Lahat-lahat, 37. Kasama na roon ang mga royals at ang Headmistress. Plus kayo pa na 13, kaya magiging 50 lahat," paliwanag ni Sir. Literal akong napanganga. Fifty ang kabuuang bilang?! Parang sobrang dami.
"Seriously, Sir? fifty lahat?" hindi makapaniwalang tanong ni Ate Shane.
"Yes. Ang dami n'yo!" sagot ni Sir na nakangiti pa rin.
"Grabe naman 'yan," sambit ni Ate Yeri habang tila natataranta.
"Sige na, may gagawin pa akong iba," paalam ni Sir bago siya tuluyang umalis.
"Grabe, hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Mamemeet natin 'yung 29 sa pinakamakapangyarihan bukas! Maliban kina Headmistress at sa 7 royals na lagi naman nating nakikita," sabi ko, hindi mapigilan ang excitement na lumabas sa boses ko.
"Yeah, nakakakaba talaga!" dagdag ni Ate Kyla na halatang hindi pa rin makapagpigil sa kilig na nadarama.
"Sige na nga, tama na 'yan. Mamimili pa tayo ng mga kailangan!" sabi ko habang tinutulak papunta sa labas sina Ate Yeri at Ate Kyla. Weekend naman ngayon kaya may oras pa kami para bumili ng mga kailangan sa labas ng eskwelahan.
"Dali na, anong oras na! Marami pa tayong kailangang bilhin," sabi ni Kuya Mike habang pinipilit kaming magmadali.
'Di ko pa pala nasasabi, pero ang grupo naming mga elementals ay laging magkakasama. Sa dami namin, nahahati kami sa dalawang silid. Sa unang silid, kasama ko sina Ate Yeri, Ate Kyla, Kuya Mike, Kuya Ace, Kuya Steven, at Kuya Carl. Sa pangalawang silid na katapat ng amin, doon naman nakatira sina Kuya Matthew, Kuya Charles, Kuya Kyle, Kuya Nathan, Ate Shane, at Ate Claire.
"Mamimili muna tayo ng groceries!" sigaw ni Ate Shane habang papasok kami sa tindahan.
"Kailangan nating maghiwa-hiwalay ayon sa roommates," mungkahi ni Kuya Steven habang naglalakad.
"Oh yes, ang dami natin eh. Magkita na lang tayo dito before 6, understood?" sabi ni Ate Yeri, dahil siya ang pinakamatanda sa amin kaya't siya rin ang natural na leader namin.
"Yes, understood!" sabay-sabay naming sagot, bago kami naghiwa-hiwalay.
Ako naman ay kasama si Ate Yeri para bumili ng mga prutas. "Fruits ang naka-assign sa atin," sabi niya habang kumukuha ng ilang lemons.
Lumapit ako sa kaniya at kumuha ng lansones, paborito ko kasi ito. "Apples daw para kay Claire," sabi ni Ate Yeri kaya kumuha rin ako ng ilang piraso.
Matapos naming mabili ang lahat ng kailangan, bumalik na kami sa meeting place kung saan nagkita-kita ang buong grupo bago kami bumalik sa eskwelahan.
Pagkarating namin, naghiwa-hiwalay na ulit kami para ayusin ang mga pinamili. "Yelena, paki-lagay na lang 'yung mga prutas sa basket," utos ni Ate Yeri, kaya agad ko itong ginawa.
Matapos ayusin ang lahat, nagpaalam na ako na aakyat na sa kwarto para magpahinga. Bukas ay magiging isang malaking araw para sa amin. Ngunit higit sa lahat, isa itong malaking hakbang para sa akin bilang isang elemental.
~
BINABASA MO ANG
Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]
FantasyAshley Grey, a student and also a ruler, has to sacrifice her happiness and be pretentious to protect the people surrounding her. Will she be able to fulfill her existence's purpose? ~~~//~~~ [HIGHEST RANK] #01 out of 410 stories - Agents (10-21-202...