"Good morning class, mayroon tayong bagong lipat na estudyante." Pagkatapos ay pinapasok ako ng guro namin.
"Hi, I am Helio Dimaculangan. Nice to meet you." Bati ko sa kanila sabay bow sa harap nila.
Agad kong nakita si Gray Ivan Silvan. Sa kaniya napako ang tingin simula ng pumasok ako sa loob ng classroom namin.
"Please find a seat Mr. Dumaculangan."
"Thank you ma'am."
Palinga-linga ako para maghanap ng mauupuan. Madaming babae ang gustong umupo ako sa tabi nila, but sorry girls, may gusto akong tabihan. Tapos ay kumaway yung isang lalaki na kalinya ng upuan nila Gray Ivan Silvan. Sinesenyasan niya akong umupo sa tabi nila. Oh how lucky I am. Inilalapit na ako ng tadhana sa future targets ko.
Lumapit ako sa kanila at umupo ako sa tabi ng lalaking kumaway s akin.
"Hi sa inyo classmates!"
"Hi din Helio." Bati sa akin nung isang babae na katabi ni Gray Ivan Silvan.
"Ako nga pala si Jeremy," sabay abot sa akin ng kamay, at tinanggap ko naman iyon.
"At ito naman si Amber, ang bestie ko,"
"Hi Amber!"
"At ito naman si Gray,"
Kahit hindi mo na ipakilala Jeremy, dahil kilala ko na siya.
"Hi Gray!"
"Hello, Helio."
"At ito naman si Maya." Pagkasbi niya noon ay siniko siya nung babaeng katabi niya.
"Hi Maya!"
Pagkatapos ay pigil na pigil sa pagtawa si Jeremy. Malamang na hindi talaga Maya ang pangalan ng babaeng ito.
"Hindi ako si Maya,"
"Pero sabi ni Jeremy-"
"Maya kasi Mayabang, hahaha." Pagakatapos ay siniko niya ulit ito. Mukhang mas malakas ang pagsiko niya ngayon dahil napatungo si Jeremy.
"Wag kang makinig diyan kay Jeremy. By the way, my real name is Mathilde Corazon, Math for short."
"Oh, hi Math!"
Pagkatapos ng batian namin ay nakinig na kami sa guro namin.
Pagkatapos ng klase sa umaga, dumiretso kami sa cafeteria ng school para kumain. Ito ang tamang oras para kilalanin pa sila ng higit.
"So Helio, ano pala ang mga hilig mo?" Tanong ni Amber.
"Wala naman masyado. Magbasa lang ng mga libro at ng manga online."
"Eh sa sports?" Tanong niya ulit.
"Uhm, sa sports, wala masyado. Pero naglalaro din naman ako ng basketball." Ang totoo niyan ay wala akong masyadong hilig sa mga sports, since ang trabaho ko ay ang pagiging vigilante.
"Since may bago tayong kaibigan, I have a quiz!"
"Oh, here we go again." Sabi ni Gray Ivan Silvan habang naka face palm.
"Je, pwede ba tama na yang mga quizes mo?"
"Bakit? Maganda to kasi mayroon tayong bagong kaibigan, diba Helio?"
Tumango nalang ako bilang pagtugon sa kaniya. Curious din ako sa quiz niya, kasi kung bakit nalang ayaw nilang makinig sa kaniya.
"Handa ka na ba para sa quiz ko, Helio?"
"Go,"
"Anong tawag sa pambansang isda?"
"Edi bangus."
"Eh sa pambansang ibon?"
"Edi agila."
"Eh ano naman ang tawag sa isdang ito?" Tapos ay may ipinakita siyang isang picture ng clown fish sa cellphone niya.
"Edi clown fish."
"Eeennnkkk. Mali ka Helio."
"Huh? Clown fish ang tawag diyan. Unless ang gusto mong sagot ay ang scientific name niyan."
"Mali ka. Ang tamang sagot ay NEMO! HAHAHAHA!"
Binigyan ko lang siya ng poker face. Hindi ko alam kung ano ba nakain nito o kung ano ang nangyari sa kaniya noong bata pa siya.
"Ito pa isa, paano namatay si Dr. Jose Rizal?"
"Binaril siya sa likod ng mga kastila sa bagong bayan na ngayon ay luneta."
"Mali ka na naman. Ang tamang sagot ay pinugutan siya ng ulo." Tapos ay inilabas niya ang isang piso at ipinakita ang ulo ni Dr. Jose Rizal.
"Can you just shut up, puns?"
"Bakit Gray? Totoo naman ang mga sinasabi ko diba?"
"Oo nga Jeremy. Habang patagal ng patagal, palala ka ng palala."
"Grabe kayo sa akin. Bestie oh," tapos ay yumakap sa braso ni Amber si Jeremy habang itinituro sila Math at Gray Ivan Silvan na parang isang bata.
Nakita kong medyo masama ang titig ni Gray Ivan Silvan kay Jeremy ng yumakap siya sa braso ni Amber. Malamang na girlfriend niya si Amber o hindi naman kaya ay may gusto siya dito. At dahil dito, mas nagiging kapana-panabik ang mga gusto kong gawain.
"Alam mo, Je, tama si Math. Palala ka ng palala habang tumatagal."
"Bakit ba lagi nalang kayo ganiyan sa akin? Helio maganda naman ang nga quizes ko hindi ba?" Sabi niya sa akin at tiningnan ako ng parang nagmamakaawa.
Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya. Totoo na walang kakwenta-kwenta ang mga puns niya. At mukhang matagal na siyang ganito. Maya-maya pa ay may nagmamadaling lumapit sa pwesto namin na estudyante.
"Amber, Gray, may nakita kaming patay sa loob ng men's locker room."
"I guess may bagong kaso na namang haharapin ang Detective Triumvirate plus one."
Detective Triumvirate plus one? Ibig sabihin detectives din yung dalawa, at lalo na itong puns guy? Makasama nga para malaman.
Pagaktapos sabihin iyon ng estudyante ay agad silang tumayo sa kinauupuan nila. Sumama ako para makita ang katawan at para malaman na din kung paano sila mag solve ng kaso. Pati na din kung detective nga si puns guy.
Pagdating namin sa men's locker room, ang daming estudyante ang naandoon. Agad na pinapasok ang apat, samantalang ako ay naiwan sa labas. Pinapsok ako ni Jeremy sa loob ng men's locker room para daw makita ko kung paano sila magtrabaho. What a destiny. The preys are inviting they own predator.
"Sino ang unang nakakita sa katawan?"
"Ako po." Tapos ay lumapit ang isang lalaki sa amin.
"Kailan mo siya nakita?"
"Kanina lang. Magsho-shower na sana ako pagkatapos ng PE namin pero nakalimutan kong hubarin ang relo ko. Kaya pumunta ako dito sa locker room para ilagay sa locker ang relo ko. Pero may nakita akong lalaki na nakahiga sa sahig kaya nilapitan ko siya. Ginigising ko siya, pero hindi magising. May napansin akong mapulang marka sa leeg niya, kaya tiningnan ko. Tapos nakita ko na may mapulang marka ang buong leeg niya. Kaya tinawag ko kaagad ako ng teacher para sabihin ang nakita ko."
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfiction-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...