Pagka-uwi ko sa tintirahan kong condo ay agad akong humarap sa laptop ko at nagsagawa ng reaserch. At ayon sa naging research ko, si Luis Medrano ay isa pala sa tatlong anak ni Gilbert Medrano, ang boss ng Medrano Crime Syndicate.
Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit nila tinarget si Luis. Alam kasi nilang tina-target ko ang mga sindikato, cartel, gang, at mga mafia. Pinapatay ko ang lahat ng targets ko at walang iniiwang buhay. At dahil dito, ako ang pinaka most wanted sa buong underground society. Sa ibang salita, lahat ng masasamang loob ay gusto akong patayin.
-/-/-/-
Ngayon ay half day lang kami dahil patuloy pa ding nag-iimbestiga ang mga pulis tungkol sa 'Luis Merdrano murder case'. Nang matapos ang klase namin ay may tumawag kay Amber.
"Bakit ka napatawag Cooler?"
Nakita kong bahagyang sumimangot ang mukha ni Gray Ivan Silvan ng tumawag si Cooler Vander kay Amber.
"Okay Cooler, intayin mo kami sa baba ni Gray."
"Bye."
Pagkatapos ay bumaling siya kay Gray Ivan Silvan na nakasimangot.
"Gray, iniintay tayo ni Cooler sa baba."
"Tss. Pwede naman tayong magmaneho nalang papunta doon."
Saan naman kaya nila balak pumunta? Hindi kaya isa din sa mga reapers nila si Amber? Well, mukhang wala sa itsura ni Amber ang kayang pumatay ng tao. Oo, mukha siyang matapang at malakas ang loob, pero takot siya pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa mafia.
"Gusto mong sumama Helio?"
"Huh?"
"Ang sabi ko kung gusto mong sumama."
"Saan kayo pupunta bestie?"
"Kila Mommy."
"Ah, pwede bang sumama bestie?" Tanong ni puns guy sabay nagpu-puppy eyes.
"Hindi pwede Je. At isa pa, tumigil ka nga sa pagpu-puppy eyes mo, kamukha mo na si Porsche. Hahaha!"
Nag pout lang si puns guy. Porsche? Sino yun?
"Eh bakit si Helio iniimbitahan mo? Ako hindi?"
"Ikaw lang talaga Jeremy? How about me?"
"Shut up Maya. Magbuhat ka nalang ng bangko sa inyo."
Pagakatapos ay nag pout lang ito at binigyan ni Math ng deadly glare si Jeremy, pero hindi siya pinansin ni puns guy.
"Kasi hindi pa kilala ni Mommy si Helio, kaya gusto ko siyang ipakilala kay Mommy."
Pagkatapos ay muling tumunog ang phone ni Amber.
"Oo Cooler paba-"
Biglang natigil ang sasabihin ni Amber at bigla siyang sumimangot. Mukhang hindi niya gusto ang taong nasa kabilang linya.
"Ibigay mo nga kay Cooler yang phone niya. Wala ako sa mood ngayon para makipag asaran sa'yo devil."
"Hello Cooler, okay lang ba na may isasama kaming isang kaibigan? Gusto ko lang sanang ipakilala siya kay Mommy."
Huh? Isasama kaagad nila ako samantalang hindi pa nga ako nasagot kung sasama ba ako o hindi.
"Edi pababain mo si devil. Kaya naman niyang umuwi mag isa."
"Bakit ba kasi isinama mo pa yang si devil?"
"Okay. Thank you Cooler!"
Pagkatapos ay nagmamadaling nag-aya si Amber na bumababa para puntahan sa kung nasaan man sila Cooler Vander. Pagkababa namin, agad kaming dumiretso sa gate ng Briddle. Mayroong nag-iintay na isang black chevrolet corvette. Pagkatapos ay bumaba ang isang lalaki.
"Nasaan na si devil?"
"Pinaalis ko na gaya ng sinabi mo. Siya ba yung kaibigan na sinasabi mo?"
"Oo. Nga pala, Cooler, this is Helio. Helio, this is Cooler."
"Nice to meet you Helio." Bati niya s akin sabay abot ng kamay.
Kung ganoon ay ito pala ang itsura ni Zeus. Salamat sa iyo Amber, mas lalo mo lang pinapadali ang ang trabaho ko.
Tinanggap ko naman ang kamay ni Cooler Vander. "Nice to meet you too, Cooler."
Pagkatapos ay binuksan ni Cooler Vander ang pinto sa likod kung saan sumakay sila Amber at Gray Ivan Silva. Pinaupo naman ako ni Cooler sa shotgun ride. Pagkatapos ay pinaandar ni Cooler Vander ang makina at umalis.
Pumunta kami sa isang malaking mansyon. Marahil ay pag-aari ito ng Vander mafia o di kaya naman ay isa sa mga tao nila. Bumaba kami sa loob ng kotse at pumasok sa loob ng mansyon. Pag pasok sa mansyon, agad na bumungad sa akin ang dalawang lalaking nag-aaway.
"Eros, Hermes, tumigil kayo. May bisita tayo ngayon."
Oh, reapers pala nila ang dalawa. Makikita ko pa kaya ang iba pang reapers? Sana naman makita ko sila ng wala ding maskara para hindi ko na sila kailngan pang alisan ng maskara.
Habang natingin sa paligid, may isang lalaki ang bumama sa hagdan.
"Hey witch,"
"I told you devil, I'm not in the mood right now. Kaya imbes na asarin mo pa ako Ryu, mas mabuting tawagin mo nalang si Mommy."
Ah, kung ganoon ang lalaking ito pala ang isa sa mga pinaka magaling na hacker. Si Ryu Vander Morisson, a.k.a. Apollo.
"By the way Helio, siya nga pala si Ryu. Ryu, the devil."
"Hello, Mr. Ryu." Bati ko sa kaniya at nakipagkamay sa kaniya.
"Hello din Helio."
"Nasaan ba si Momm- MOMMY!"
"Sweetie!"
Niyakap ni Amber ang isang matandang babae. Mukhang hindi pa naman siya ganoon katanda.
"By the way Mom, this is Helio. New classmate ko at new friend na din."
"Hello po, ma'am."
"Hello din sa iyo. My name is Sweet."
"Ang ganda naman po ng pangalan ninyo, kasing ganda at kasing sweet po ninyo." Biro ko sa kaniya.
Again, thanks to you Amber. Ngayon ay alam ko na din ang mukha ni Athena.
"Kumain naba kayo? Kumain na muna kayo sa kitchen."
"Okay Mom."
Tapos ay nagtungo kaming apat sa loob ng kusina. May nakita pa akong ilang possible reapers.
"Ares, Poseidon, Mnesmosyne, Artemis, pwede bang sa labas muna kayo? Hindi pa kasi sila nakain."
Thank you Athena. Ngayon ay nakikita ko ng harapan ang mga reapers ninyo. Talagang pinapadali ninyo ang trabaho ko, at salamat sa tadhana dahil dito.
Pagkatapos namin kumain ay iginala ako ni Amber sa buong mansyon. Napakalaki nito at napaka daming kwarto. May nakita akong isang lalaki na naka upo sa may garden area at mukhang nainom ng tea or coffee.
"Sino naman siya Amber?"
"Ah, siya si Hades."
Tapos ay tinawag niya si Hades. Lumapit naman ito sa amin at ipinakilala niya ako, at vice versa. Ngayon ay alam ko na ang mukha ng lahat ng reapers nila. Si Tartarus at Cronus nalang ang kulang at kumpleto na ang mukha ng mga target ko.
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfiction-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...