Pagkatapos patayin ng mga Phoenix ang mga traydor na Phoenix Saints, may tinawagan sila na maglilinis daw ng kalat. At isang oras lang ang nakalipas, may mga dumating na lalaki na may dalang mga mop, garbage bag, at kung ano-ano pang kemikal.
Sinamahan namin sila sa basement kung nasaan ang mga walang buhay na katawan. Nagbigay sila ng sampung pilak na barya at pagkatapos ay nagsimulang maglinis ang mga lalaki. Sampung minuto lang ang inabot ng paglilinis nila. Inalis nila ang mga basyo ng bala na nagkalat sa sahig, ang mga duguang kadena at lubid, at pagakatapos ay pinagputol-putol nila ang katawan ng mga Phoenix Saints at inilagay sa garbage bag, at nagsimulang linisin ang mga dugo sa sahig.
Pagkaalis ng mga lalaki, tinanong ko ang mga Phoenix kung sino ang mga lalaking iyon at para saan yung sampung baryang pilak.
"Sabihin nalang natin na sa totoong buhay, mayroong 'continental grounds, special waste disposal team, at accounts payable.' At miyembro kami doon." -5
"Sounds interesting. Paano ba makapasok o makapagpa-miyembro diyan?"
"Kahit sino naman na miyembro ng underground society pwedeng pumasok sa Dungeon." -6
"Dungeon?"
"Oo, Dungeon. Yan ang tawag sa real life Continental." -6
"So, kapag ba pumunta ako diyan sa Dungeon, papapasukin ba nila ako diyan?"
Mukhang hindi nila alam ang isasagot sa akin kaya nagkibit-balikat sila.
"Bakit hindi ninyo alam?"
"Ang totoo kasi niyan 11," - 9
"Saglit lang 9," ang putol a kaniya ni 10
"11, magkano ang pinaka latest na alam mong patong sa ulo mo?" - 10
"Actually, hindi na ako updated sa patong ko sa ulo ko. But as far I remembered, mga nasa 2.7 Billion US Dollars."
"Yan ang patong sa ulo mo ilang buwan na ang nakakaraan." - 1
"Magkano na ba ang updated na patong sa ulo ko?"
"Sa pinaka latest sa ngayon, 6.5 Billion US Dollars na." - 1
Wow! Ganoon na pala kadami ang may galit sa akin at handa silang magbayad ng ganoon kalaki para sa buhay ko.
"Hindi pa kasama diyan si Night Witch na nasa 2 Billion US Dollars ang patong sa ulo, si Morning Vampire na 2 Billion US Dollars din ang patong. Si Hex na 3.4 Billion Dollars ang patong, at si Puppet Master na nasa 3.1 Billion US Dollars ang patong. Yung small scale profiles mo naman, hindi na namin inalam pa."
Wow! As in wow! Ganoon ba talaga ako ka-wanted sa Underground Society? Ang lahat ng bigating profile ko ay Billion ang nakapatong sa ulo. Bali ang total ng nakapatong sa ulo ko bilang high profile ay 17 Billion US Dollars. Wow!
"Mabalik ako sa Dungeon, kapag ba pumunta ako sa Dungeon, walang papatay sa akin doon?"
"Bakit 11, natatakot ka na ba para sa buhay mo?" - 2
Tiningnan ko ng masama si 2 at agad na nag-peace sign sa akin.
"Walang kahit na sino ang gagalaw sa'yo sa Dungeon Grounds. Katulad ng sa John Wick na movie, may mga batas na sinusunod sa Dungeon. At kapag lumabag ka sa kahit sa mga iyon, buhay mo ang kapalit." - 3
"Yun namang mga silver coins, paano makakuha no'n?"
"Ito ba?" Pagkatapos ay iniabot sa akin ni 4 ang isang silver coin na katulad ng ibinayad nila sa mga lalaki kanina.
"Paano makakakuha nito?"
"Sa pamamagitan ng pagpatay sa lahat ng patong sa ulo. Ang isang silver coin ay may katumbas na 500 Thousand US Dollars. At ang gold coin naman ay 1 Million Us Dollars." - 4
Hindi ko naiwasang bahagyang mapatawa sa sinabi ni 4. Pinapatay nila ang lahat ng may patong sa ulo para sa mga baryang ito. Kaya sa madaling salita, parang ako na din sila, pero sa legal na paraan nila ginagawa.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan 11?" - 7
"Pasensya na kayo. Hindi ko lang kasi napigilan na mapatawa."
"Dahil?" - 7
"Ginagawa din ninyo ang ginagawa ko. Sa legal na paraan ngalang."
Noong una ay medyo naguluhan sila sa sinabi ko at nag-isip saglit. Nang mukhang naintindihan na nila ang sinabi ko, bahagya din silang napatawa.
"Saan ba itong Dungeon? Para kssing gusto kong pumunta para naman makapag chill ako."
Kumuha ng ballpen at papel si 1 at isinulat ang direksyon papunta sa Dungeon kasama ang isang website at ibinigay sa akin.
"Bago ka maging isang opisyal na miyembro ng Dungeon, may mga kailangan ka munang fill up-an na mga papel."
Pagakatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam nila sa akin dahil inaantok na daw sila at sinabing magkita nalang kami sa Dungeon. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko, agad kong binuksan ang laptop ko at binuksan ang website na naksulat. May nakita akong online registration at doon nalang ako nag fill up. Nang maaprubahan na ang online membership ko, binasa ko ang mga rules and regulation nila. Pagkatapos kong basahin ang mga rules and regulations, natulog na ako dahil dinalaw na din ako ng antok.
-/-/-/-
A/N:
Itong chapter pong ito ay inspired mula sa John Wick movie. Pinanood ko kasi ang John Wick 1&2 kaya na inspire akong isulat ang chapter na ito. Iyon lang po, at muli, Happy Reading! :)
-Walang Tulog II
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfic-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...