Chapter 10: Phoenix at Olympus

14 1 0
                                    

A/N: Balik na po tayo sa present time at kay Helio Dimaculangan a.k.a. 11/Grim

-/-/-/-

Nagsasaya ang lahat dahil sa isang announcement. Ini-announce kasi ng class adviser namin na magkakaroon ng 3-day camping sa Olympus. Dahil lahat sila ay may alam na tungkol sa mga ginagawa dito, tinanong ko sila Amber kung ano ang mga ginagawa dito. Sinabi nila na wala naman masyado maliban sa mga physical activities.

"Sama ka dude, tapos tayo ang magtabi sa Bus."

"Tingnan ko, hindi ako sure na makakasama ako eh."

"Bakit naman?"

"Uhm, basta. May mga importante kasi akong gagawain."

"Ah, okay."

Ayaw kong sumama sa mga ganitong activity dahil nakakatamad. At isa pa, may mga mas mahalaga akong gagawin.

"Sumama ka na Helio, please? Hindi pa din kasi ako nakakasama sa ganitong camping trip ng Bridle, at tayo nalang ang magtabi. Ayoko magkaroon ng katabing maingay." Sabi ni Math habang binibigyan ng deadly glare si Jeremy.

Hindi ko maipaliwang ang bigla kong naramdaman ng si Math na ang nagyakag sa akin na sumama. Para bang may kumiliti sa puso ko na nakapilit sa akin na sumama sa camping.

Ngayong araw ay nakapila ang lahat ng kasama sa camping sa open ground. Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala sa isipan ko ang naramdaman ko ng nangyari kahapon. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa mga salita ni Math at napasama niya ako dito.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga bus na sasakyan namin.
Isa-isang sumakay ang mga estudyante sa loob. At katulad ng  gusto ni Math, sa tabi niya ako. Hindi ko naman talaga gusto umupo sa tabi ni Math, nagkataon lang na ang sitting arrangement ay babae at lalaki ang magkakatabi, at dahil sa ayaw naman magtabi ni Math at Jeremy, nagpalit kami ng pwesto Crystal kaya kami ni Math ang naging magkatabi.

Pagdating namin sa Olympus campsite, nakita naming bumababa ang ilang mga estudyante ng Athena. Ramdam na ramdam ko ang 'invisible barrier' sa pagitan ng dalawang school. Masama ang tingin ng bawat isa mula sa dalawang school.

"Special A!"

Narinig naming sumisigaw at kumakaway si Khael Alonzo na papunta sa side namin. May naririnig akong mga bulong-bulongan sa mga estudyante ng tungkol kay Amber.

"Hi Khael!"

Maya-maya pa ay may mga pamilyar na mukha ang lumalapit sa amin. Grabe, pagdating talaga sa mga disguise na estudyante, palagi nalang iisang itsura ang gamit nila.

"Khael, kailangan ka namin doon."

"May mga kaibigan kang mga taga-Bridle?"

"Oh, guys, sila nga pala sila Gray, Amber, Jeremy, Math, at-"

"Long time no see Helio."

Umalis ako dahil ayaw ko silang makita. Ayokong makita ang mga taong huma-hunting sa akin.

Narinig kong tinatawag ako nila Amber pero hindi ko sila pinapansin. Gusto ko ng kalimutan ang buhay ko noon bilang Phoenix, at mabuhay ngayon bilang ang gumagalang vigilante.

Ang Phoenix ay ang special elite squad ng God Father. Kami ang ipinapadala sa mga mafia kapag may mga importanteng ipinaguutos ang God Father. Kami din ang mga assassins niya.

Nagpalamig ako sa taas ng isang puno ng may bumato sa akin ng ballpen. Nakita kong umakyat din ng puno ang mga Phoenix.

"Hindi mo ba kami nami-miss 11?" Tanong ni 3 habang ibinibigay sa akin ang nakakalokong ngiti niya.

"Bakit kayo nandito?"

"Bakit, 11, ikaw lang ba ang pwedeng magbalik sa pag-aaral?" Ang tanong naman ni 9 sa akin.

"Kilala ko kayo, tatlo lang ang posibleng dahilan kung bakit kayo nasa Athena."

"Are you sure, 11? Then tell us those 3 possible reasons why we are here." Panghahamon sa akin ni 6.

"First, your here to bring me back to Play House. Second, you are here to kill me bring me back to Play House. And last, maybe you have mission here ordered by the God Father. And that is bring me back, dead or alive."

Nagpalakpakan lang sila sa mga sinabi ko. I know that they are taunting to me so I will fall in their arms. But your wrong guys, I won't fall in your hands.

"Bravo! Bravo, bravo, bravo." Ang sabi ni 1 habang napalakpak.

"Ang galing mo talagang mag-isip, 11. Sasabihin ko sa'yong tama ka, at mali ka din." Ang dugtong niya, at pagkatapos ay umayos siya ng upo sa katapat kong puno.

"Tama ka dahil ganiyan nga ang mga utos na gusto sana naming marinig mula sa God Father. Pero, ang kabaligataran ang gusto niya at ang ipinag-utos niya sa amin." Ang dugtong naman ni 2.

"Bakit, wag niyong sabihin na inutusan niya kayong maging demon guardians ko?"

"Parang ganoon na nga 11. Inutusan kami ng God Father na kumbinsihin kang bumalik at sinabi din niyang kakalimutan niya ang lahat ng mga pinaggagawa mo at siya mismo ang maglilinis ng mga kaso mo." Sagot sa akin ni 4.

"At mahigpit din niyang bilin sa amin ang huwag na huwag kang gagalawin kahit na anong mangyari. Pero kung gagalawin mo kami, may permiso kami na patayin ka." Ang dugtong naman ni 7.

"Kung ganoon ay malamang na pinanghahawakan pa din ng Gid Father ang iniwan kong pangako sa kaniya."

"Anong pangako naman iyon?" - 5

"Nangako ako sa God Father na sa oras na mapatay at maubos ko na ang Vander Mafia, Bellomo Crime Syndicate, at lalong higit ang Genesis Mafia, muli akong babalik sa Play House at kusang loob na susuko sa kaniya. At bukal sa loob kong tatanggapin ang lahat ng kaparusahan ko."

"Kung ganoon ay mukhang isa din ang God Father sa mga naloko mo." - 8

"Kung ganiyan ang iniisip ninyo  wala akong magagawa. Basta ako, tutuparin ko ang pangako ko sa God Father, pagkatpos kong tuparin ang mga panata ko."

"Well, kung talagang ganiyan ang gusto mo, okay fine. Pero may hihingiin sana akong pabor sa iyo 11 bilang isang kaibigan." - 10

"10! Sa atin ibinigay ang misyong ito."

"Oo nga 10. Tayo ang kailangang humuli sa kanila at makipaglaro sa kanila."

"Ano ba kayo guys? Ilang buwan na nating hinahanap ang mga taong ito. At sino ba ang tracker natin sa grupo dati?" Pagkatapos ay tumingin silang lahat sa akin.

"Ano yun 10?"

"May mga gumagalang tao at nagpapanggap na tayo-"

"Correction lang 10, hindi na ako parte ng Phoenix."

"Okay, fine. May mga nagpapanggap na KAMI at binababalaan nila ang lahat ng mafia tungkol sa iyo. Ibinibigay nila ang ilan sa mga commonly used mong identities at faces na ginagamit mo."

"So ano ang gusto ninyong gawain ko sa kanila?"

"Gusto ko lang sana namin humingi ng tulong sa iyo kung okay lang."

"Pumatay kayo ng dalawang tao mula sa Bridle at Athena, tapos tutuungan ko kayo?"

"Wag mong isipin na para lang sa amin itong hinihingi kong pabor sa iyo. Isipin mong para sa iyo din ito at lalong higit para sa God Father."

Pumayag ako sa hinihinging pabor ni 10 sa akin. Kahit na ayaw nilang aminin na kailangan nila ang tulong ko, alam kong ganoon din ang gusti nila.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay bigla kaming may narinig na mga sigawan. Agad kaming bumaba sa mga puno at pumunta sa mismong campsite.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now