Chapter 20: Alexandra Faden

10 1 0
                                    

Grim a.k.a. 11 POV

Katulad ng gustong mangyari ng God Father, muli akong bumalik sa Pilipinas at muling nag-enroll bilang isang transferee, ulit. But unlike this time, hindi na ako gagamit ng nerd cover. Obvious na obvious na kasi sa mga batang assassin na katulad ko ang ganoong cover. Now, I need to unleash my wildness.

-/-/-/-

Amber Sison POV

Ilang buwan na din simula ng umalis si Helio ng Bridle. Oo, aamnin kong medyo tumahimik nga ang Bridle sa mga '11' related incidents and crimes.

Pero isang buwan palang ang nakakalipas, may mga pumalit na agad sa kaniya. Fresh and new transferees. Katulad ni Helio, madali din namin sila naging mga kaibigan. At hindi ko alam kung anong meron sa Bridle at mukhang napapalimit ang paglipat dito ng mga transferees kahit nagsisimula na ang school year.  At ngayon, may bagong lipat na naman dito sa amin.

"Okay class, again, we have student transfer here. I want you to be nice with her." Pagakatapos ay pinapasok na ng class adviser namin ang new transferee.

Unang hakbang pa lang niya ay napako na kaagad ang tingin ng lahat sa kaniya. Kahit ang nag-aaway na sila Jeremy at Math ay napako ang tingin sa new transfer. At ang mas ikinagulat ko, si Gray na bagong gising lang ay parang biglang nagising sa pagpasok niya.

"Hi, I am Alexandra Faden. You can call me Alex or Dra for short. Nice to meet you." Pagkatapos ay nag-bow siya sa amin at binigyan kami ng isang napaka-tamis na ngiti. "And I hope that I'm welcome here."

Naghiyawan ang lahat ng lalaki at sinabing welcome na welcome siya sa klase namin. Habang sila Gray at Jeremy naman ay nakatulala at nakangangang nakatitig kay Alexandra. Hindi naman kasi talaga maipagkakaila ang taglay niyang kagandahan. Maganda siya, lagpas ng balikat ang kaniyang napakalambot kulay orange na buhok at sumasayaw kapag naglalakad siya. Makinis ang balat, maputi na parang bampira. Maganda din ang mga mata niya. Parang foreigner, kulay blue. Matangos ang ilong, maganda din ang bibig, pati ang labi niyang mala-rosas sa pagkapula. Mga tainga, mga ngipin na sobrang puti, and take note, nabiyayan din siya sa boobs and ass department. Sa madaling salita, Ms. Perfect Girl. At dahil dito ay bigla akong na-insecure sa katawan ko.

Wala ng bakanteng upuan sa room namin kaya sinabihan siya na pwede siyang kumuha sa stock room. Pero bago pa man siya makapag lakad palabas, nag-uunahan na ang mga lalaki sa pagbo-boluntaryo sa pagkuha ng upuan niya.

"Salamat sa pagbo-boluntaryo ninyo, pero kaya ko na ito." Sabi niya at ngumiti. At pagkatapos ay lumabas na siya.

Hanggang sa pagbalik niya ay hindi pa din siya natapos pagpapahanga sa amin. Binubuhat niya ang bangko niyang dala ng isang kamay lang! As in isang kamay lang talaga!

Hindi ko mawari kung bakit siya lingon ng lingon sa paligid. Kahit ang guro namin ay hindi din mawari kung bakit siya palinga-linga, kaya tinanong niya si Alexandra.

"Ms. Faden, bakit parang may hinahanap ka?"

"Uhm, Ma'am, a-ano po kasi eh, wala na po yata akong mapu-puwestuhan. Lipat nalang po ako siguro sa ibang-"

"Huwag!"

Nagulat si Alexandra ng sumigaw ang mga lalaki ng huwag siyang lilipat. Kahit ako ay nagulat din sa lakas ng pagkakasigaw nila. At dahil sa pagsigaw nila, tiningnan kami ng ilang guro at mga estudyante mula sa magkabilang room na katabi namin.

"Huwag kang lumipat please?"

"Dito ka nalang Alexandra, 'wag mo kaming iwan."

At pagkatapos ay sumang ayon ang lahat na huwag lumipat ng ibang section si Alexandra. Maraming lalaki ang tumayo at inialok ang mga upuan nila. Pero tinanggihan lang sila ni Alexandra.

"Pasensya na, pero hindi ko gustong mawalan kayo ng puwesto dito."

Pero nagmatigas pa din ang mga lalaki at ipinipilit na umupo si Alexandra sa pwesto nila. Dahil sa mukhang naiilang na si Alexandra, nagboluntaryo si Math na sa amin nalamg siya tumabi. Pumayag naman ang guro namin at ganoon din si Alexandra.

"Hi Alexandra!" Unang bati ni Math.

"Hello." Ang bati niya pabalik at ibinigay na naman ang matatamis niyang mga ngiti.

"Salamat sa pagboboluntaryo mo na dito ako umupo, ate."

"Wala yun. Ako nga pala si Mathilde Corazon, Math for short." At iniabot ni Math ang kamay niya kay Alexandra at tinanggap din naman ito ni Alexandra.

"Ito naman pala sila Gray, Amber, at Jeremy."

"Hi!"

"Hello,"

"Hello Angel," ang sabi ni Jeremy at pagkatapos ay iniabot ang kamay niya.

Halatang nailang si Alexandra kay Jeremy pero tinanggap din niya ang kamay nito.

"Nice to meet you too, Jeremy."

Hindi katulad ng unang dalawang ngiti niya, halatang pilit at mukhang may iniisip gawain si Alexandra. At pagakatapos ay isinagawa na nga ni Alexandra ang iniisip niya. Pinisil niya ang kamay ni Jeremy dahilan para mapahiyaw si Jeremy sa sakit.

Biglang napahinto sa pagsusulat sa white board ang guro namin at napatingin sa side namin,at ganoon din ng mga kakalase namin.

"Sorry po, sa abala. It's my fault." At muli, lumabas na naman ang matamis niyang ngiti. Kung lalaki lang ako, malamang ay maiinlove din ako sa ngiti niya.

Pagakatapos niyang humingi ng dispensa, muling bumalik sa pagsusulat ang guro namin. Pagkatapos ay bumaling si Alexandra kay Jeremy na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa din ang kamay niya.

"I'm so sorry, Jeremy. Hindi ko gustong saktan ka. Pero nagkukusa ang mga kamay ko na manakit ng mga hokage at breezy."

"Hindi naman ako hokage ah?"

"Eh ano ang ibig sabihin mo sa  'hello angel' mo?"

"Sinabi ko lang iyon kasi ang akala ko ay anghel ka, iyon pala amazona ka."

Dahil sa sinabi ni Jeremy ay siniko ko siya, at napangiwi siya.

"Ano ka ba naman Je, masakit para sa isang babae na tawaging amazona."

"It's okay Amber, sanay na ako sa mga ganiyang tawag. Actually sa previous school ko, Orange Demon ang tawag nila sa akin. Kaya no need to worry Amber kung ano man ang itawag sa akin ni Jeremy." At muli na naman niyang ipinakita ang ang kaniyang matamis na ngiti.

Kung si Ryu the devil ay may naka smirk na hindi nabubura, ganoon din Alexandra. Hindi nabubura kay Alexandra ang matamis niyang mga ngiti.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now