Chapter 26: Dungeon, Den of Monsters and Demons

18 1 0
                                    

Pagkagising ko kinabukasan, may na-receive akong e-mail. Binasa ko ang e-mail at ayon sa e-mail, kailangan ko daw pumunta sa Dungeon para mabigyan ako ng kwarto.

Nang makarating ako sa Dungeon, para akong artista. All eyes are on me. Hindi ko sila pinansin dahil wala naman akong pakialam sa kanila. Lumapit ako sa front desk at sinabi ang pangalan ko. Habang nagta-type ang isa sa mga babae sa front desk, may tumawag sa akin.

"Welcome Mr. Grim a.k.a 11."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Isang matandang lalaki ang nakatayo sa grand staircase. Hindi pa naman siya ganoon katanda. Mga mid 40's to early 50's ang itsura niya. Matangkad, gwapo, moreno, at hindi mo aakalain na nasa ganoon na ang histura niya. 

Tiningnan ko lang siya habang nababa sa hagadanan. Nilapitan niya ako at iniabot ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko siya sa mata at pagkatapos ay tiningnan ko ang kamay niya at muling tumingin sa mga mata niya. Hindi ko siya kilala kaya sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata niya ay binabasa ko ang mga iniisip niya.

"Sorry for my rudeness Mr. 11. I am Bruce King, the general manager here."

Napansin kong alam niyang hindi ko tinatanggap ang alok niyang pakikipag kamay, kaya ibinababa niya na ito.

"Please follow me Mr. 11, the owner is waiting for you."

Nauna siyang mag lakad pero hindi ko siya sinundan. At dahil mukhang napansin na din niyang hindi ko siya sinusundan, lumingon siya sa akin at sumenyas. Iniabot sa akin ng babae sa front desk ang susi sa magiging kwarto ko, at kasabay no'n ay binuhat ng dalawang lalaki ang mga gamit ko.

"If you don't mind Mr. 11,  the owner of the dungeon is waiting you in the bar."

At pagkatapos ay muli siyang tumalikod. Medyo nanibago ako sa iginawi niya. Sanay kasi ako na ang lahat ng nakakakilala sa tunay kong hitsura bilang si 11, maliban sa dati kong boss at sa mga phoenix,  ay natatakot, natataranta, at kung ano-ano pang mga katulad no'n.

"Don't worry about your luggages Mr. 11, our men will bring your luggages at your designated room."

Pagakatapos ay muli siyang tumalikod at nagsimulang maglakad. Dahil masayado na akong pinagtitinginan ng mga tao dito, sinundan ko nalang si Bruce. Huminto siya sa tapat ng isang malaking pintuan, may nagbukas na maliit na butas. At sa maliit na butas na iyon ay mga matang sumilip.

"Delta, Echo, Alpha, Tango, Hotel."

Hindi ko alam kung ang sinabi ba ni Bruce ay isang passcode o codename. Pero mula sa mga sinabi niya, mabubuo mo ang salitang DEATH. At masasabi kong ang lugar na ito ay hindi para sa mga mababait.

Pagkatapos ay nagbukas ang malaking pintuan at muli akong pinsunod ni Bruce. Mas malaki ito kumpara sa labas kanina. At hindi katulad sa labas kanina na payapa at tahihimik, dito ay maingay dulot ng malakas na tugtog ng EDM (Electronic Dance Music) at may mga magulong tao dahil sa paligsahan sa darts. Nang makalagpas na kami sa pintuan ay agad din itong isinarado. At muli, ang karamihan ng naandito ay naka-titig sa akin. Patuloy lang sa paglalakad si Bruce at umakyat sa hagdanan patungo sa isang lalaki na mukhang nagsusulat sa isang diary.

"Señor,"

Ibinaba ng lalaki ang diary niya at pinaupo ako, at kasunod no'n ay nagpaalam na din sa amin si Bruce.

"Good evening Mr. 11, I am Harisson Corazon. But you can call me Harry for short."

Pagkatapos ay nakipagkamay siya sa akin.

"May I offer you some drinks? Coffee, wine, whisky, beer,"

"Sure Mr. Dirty Harisson."

Si Harisson Corazon o kilala bilang Dirty Harisson sa Underground society, ay isa mga pinaka-kilalang human trafficker. Hindi lang sa Pilipinas, China, Japan, Korea, kundi sa buong Asia.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now