Kinabukasan ay agad akong pumasok sa Bridle. Naririnig ko ang mga usap-usapan tungkol nangyaring kaguluhan sa kaguluhan sa Dark Castle.
Pagpasok ko sa room namin ay agad akong sinalubong ni Math. Kitang-kita sa mukha niya na masayang-masaya siya dahil nakabalik na ako. Pero hindi katulad ni Math, kakaiba ang tingin saakin nila Jeremy, Amber, at Gray Ivan Silvan. Parang naghihinala na sila sa akin. Inalalayan naman ako ni Math hanggang sa makaupo ako sa upuan namin.
"B-bakit ganiyan kayo makatingin sa akin?"
"Pagpasensyahan mo na sila Helio. Hindi ka daw kasi nila makita habang at pagkatapos ng aksidente sa Dark Castle."
"Saan ka nagpunta Helio?" Bungad na tanong sa akin ni Amber. At base sa tono niya, mukhang pinagsu-suspetsahan nila ako.
"Galing ako sa ospital. Dahil tinama-"
"'Wag ka ng magsingaling pa sa amin Helio. Pinuntahan namin ang lahat ng ospital dito, pero hindi ka naka-confine sa kahit saang ospital."
Dahil sa mukhang nagsu-suspetsa na din si Math, ipinakita ko ang pekeng documento na nagpapatunay na nanggaling ako sa ospital.
"Tinamaan ka? Eh bakit hindi ka namin nakitang isinakay sa ambulansya?"
"At paano ka tatamaan kung sa ere sila nagpaputok ng baril?"
"Guys, tama na. 'Wag na nating imbestigahan pa si Helio. Tinamaan siya ng bala at may dala siyang patunay na nanggaling siya sa ospital. Okay na 'yon."
"Oh bakit natahimik ka Helio? Hindi mo na alam ang isasagot sa amin? O mali ba na tawagin ka naming Helio dahil-"
"Ano akala ninyo sa akin, ako si 11? Dahil lang ba simula ng dumating ako dito sa Bridle, nagkasunod-sunod ang mga krimen? At ng mawala ako noong prom night, ibig sabihin ako na si 11? Iyan ba ang gusto ninyong sabihin sa akin Amber?"
"H-helio kalma ka lang. Kayo din Amber." Pag-aawat sa amin ni Math.
"Kung iyan ang iniisip ninyo, sige. Okay, fine. Aalis na ako ng Bridle para maging tahimik na ulit kayo dito. Tutal naman iniisip ninyo na ako ang may kasalanan ng lahat. At huwag kayong mag-alala, sa oras na umalis na ako dito, matatahimik na ulit ang buong Bridle."
Napansin kong nakatingin sa amin ang lahat ng mga kaklase namin. At nagkaroon sila ng mga bulong-bulongan.
"Teka lang dude, hindi iyan ang ibig sabihin ni Amber."
"Eh ano ang ibig sabihin ni Amber?"
"Relax ka lang Helio. Pagpasensyahan mo nalang si Amber dahil madami ng mahal niya sa buhay ang nawala. At ayaw niyang,"
"Anong meron dito?" Ang tanong ng adviser namin na sumira sagutan namin.
Agad kong kinuha ang gamit ko at ibinigay ang pekeng documento na nanggaling ako sa ospital sa adviser namin. Sinabi ko din na magpapatransfer na din ako sa ibang school, at pagkatapos ay lumabas ako. Narinig kong tinatawag nila ako pero hindi sila pinapansin. Kailangan ko kasing ma-maintain ang acting ko para hindi nila ako mabuking.
Pero tinotoo ko ang sinabi kong lilipat na ako ng ibang school. Bumaba ako sa Dean's office para makipag-usap sa request kong school transfering. Medyo nagtagal kami dahil ayaw niya akong paalisin ng Bridle dahil malaki ang ipinapasok kong pera sa kanila.
Tama lang umalis na ako sa Bridle dahil ayaw kong madamay pa si Math ng dahil sa akin. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay lumabas na ako sa Dean's office. Nai-ayos na ang kunwaring paglipat ko sa ibang bansa. Pero hindi pa ako pwedeng umalis ng bakuran ng Bridle sa ngayon. Kailangan ko pang maghintay ng uwian bago ako makaalis.
Nagugutom na ako ng saktong tumunog ang lunch bell, ang lahat ay nagpunta sa cafeteria. Una na akong nagpunta doon dahil gutom na ako. Nakita kong pumasok sa cafeteria sila Math at lumalapit sa direksyon ko. Umupo sila sa lamesa kung nasaaan ako at pagkatapos ay humingi sila ng sorry sa akin.
"Pasensya ka na talaga Helio. Madami lang kasi talaga akong masamang karanasan at ayaw kong mawalan pa ng kaibigan."
"Okay lang 'yon Amber. Pinapatawad na kita, pati na din sila Gray at Jeremy."
"Ibig sabihin, hindi ka na aalis ng Bridle?"
"Ikinalulungkot ko pero aalis pa din ako ng Bridle. Naayos na kasi ang pagtransfer ko pabalik sa dati kong school sa Spain. Pero mag-e-e-mail pa din ako sa inyo at magpapadala ng mga pasalubong."
"Hindi na ba pwedeng i-cancel ang pag-lipat mo?"
Umiling ako. "Hindi na pwede. Kapag na-aprubahan na ang request ko para sa pagbalik sa dati kong school, may isang linggo nalang ako para lumipad pabalik sa Spain at doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko."
Ayaw kong mapahamak pang muli si Math ng dahil sa akin. Oo aminado na ako ngayon na may gusto ako kay Mathilde Corazon. At lang ito basta pagkagusto, mahal ko siya. Kaya hindi-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mapapahamak siya dahil sa akin. At isa pa, ayoko na malaman nila na ako si 11. Lalo na ngayon na nagsu-supetsa na sila akin.
Nang tumunog na ang bell, agad akong bumalik sa condo ko para ayusin ang pekeng paglipat ko. Nang matapos kong ayusin ang pekeng request para sa paglipat ko, nakahinga na ako ng maluwag. Wala na akong masyadong iisipin kundi ang pagpapagaling ko at ang trabaho ko bilang si 11.
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfiction-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...