Sumama ang God Father sa loob ng Play Room para makita niya ang sinasabi naming pekeng '11'. Hanggang ngayon ay wala pa ding malay ang pekeng 11 dahil sa droga na itinurok namin sa kanila. Itinali namin siya sa sa upuan at muling tinurukan ng droga para magkamalay.
Nang magkamalay na siya ay ipinag-utos ng God Father na tanggalin ang maskara para makita namin kung sino ang nasa likod ng maskara. Lahat kami ay nagulat ng makita namin ang tao mula sa likod ng maskara.
"Miss me, Father?" Sabi niya at binigyan ng nakakalokong ngiti ang God Father.
"Exiled," sabay-sabay naming sabi.
"Cross Vladnovski." Matigas na wika ng God Father sa Exiled na si Cross.
"Is this how you treat me Father? After all those ye-" hindi na naituloy ni Cross ang sasabihin niya dahil sinampal na siya ng God Father.
"I am not your Father. And I don't have an traitor and coward son."
Matigas na sabi ng God Father.Lahat kami ay nanahimik dahil sa pag-alala sa araw iyon. Ang pinaka malagim na araw ng God Father, at ang araw na naging si 11 ako.
Kitang-kita sa mukha ng God Father ang lungkot, galit, at pighati ng muli niyang makita si Cross. Si Cross kasi ay kaniyang anak at siyang pinakaunang nagtraydor sa kaniya. Hindi pa God Father noon ang God Father ng mangyari ang pagta-traydor ni Cross.
Ibinibenta ni Cross ang lahat mga bagong armas at supplies sa mga mortal na kaaway ng God Father. Nang malaman ito ng ina nila at ng mga kapatid ni Cross na sila Ivänia at Hëlga, agad na kumilos silang kumilos para matigil ang mga ginagawa ni Cross. Ang ginawang pagkilos ng kanilang ina at mga kapatid ay hindi alam ni Cross. Kaya ng mabulilyaso ang pagbebenta ni Cross ng nga armas, doon namatay ang kaniyang ina at mga kapatid. Pinanatili niya ang lihim sa kabila ng mga nangyari. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang oras na nalaman ng God Father ang lahat ng kalokohang ginagawa ni Cross at na namatay na ang kaniyang asawa at dalawang anak na babae, agad niyang ipinadakip si Cross at inutusan akong linisin ang lahat ng pagkakamali ni Cross.
Ang lahat ng tao ay pinalabas ng God Father maliban sa mga Phoenix at sa akin. Pagkatapos ay binigyan niya kami ng permiso na gawain ang lahat ng gustong gawain namin kay Cross. Walang ni isa man sa amin ang nagtangkang kumilos kahit pa may direktang utos na kami mula sa God Father, hanggang sa ako na mismo ang inutusan niyang kumuha sa ulo ni Cross. Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang utos ng God Father. Walang ano-ano ay kinuha ko dating paboritong katana at inalis ang ulo ni Cross sa katawan niya at pagakatapos ay iniaalay ko sa God Father. Kinuha lang niya ang ulo ni Cross at umalis. Pagkaalis napagkaalis ng God Father, agad na inutusan ng mga Phoenix na alisin ang katawan ni Cross sa Play Room.
-/-/-/-
Makalipas ang dalawang araw ko sa Play House ay agad din akong umalis. Hindi dahil sa natatakot ako para sa buhay ko, umalis ako dahil nahihiya pa din ako hanggang nagyon sa God Father dahil sa pag-alis ko.
Pagbalik ko sa condo unit ko, agad kong kinuha ang cellphone at laptop ko at binuksan ang mga messages at e-mails sa account ko. Walang ibang laman ang e-mail ko kung hindi ang mga kung ano-anong ads at mga reminders ko tungkol sa tubig, kuryente, at bayad sa unit ko. Sa cellphone ko naman ay puro text at miss calls mula sa Detective Triumvirate plus one.
Nang matapos kong basahin ang lahat ng messages nila, sinagot ko sila at sinabing nanggaling ako sa Japan dahil may isinama ako ng mga dati kong kaibigan. Pagkatapos ko silang sagutin ay nagpahinga na ako dahil pagod ko sa biyahe.
Kinabukasan pagpasok ko sa Bridle, agad na naghanap ng mga pasalubong sila Jeremy sa akin. Sinabi ko nalang na hindi ko dala ngayon, dahil wala naman talaga akong dala na pasalubong sa kanila. Mabuti nalang at bumili ako ng ilang chocolates at instant noodles sa Japan.
"Bakit hindi ka man lamang nagsabi sa amin Helio na pupunta ka pala sa Japan? Nakapagpabili sana ako sa'yo ng maraming manga."
"Pasensya na talaga. Biglaan lang kasi iyon."
"Tapos hindi mo pa sinasagot ang mga text at tawag namin sa iyo."
"Naiwan ko nga ang phone ko kakamadali nila. Kaya nga wala akong kahit isang picture mula sa Japan."
"Sa mga kaibigan mo, wala kang picture sa kanila?"
"Meron akong pictures sa kanila noong nasa Japan kami. Ang ibig sabihin kong wala akong picture mula sa Japan, yung sa mismong cellphone ko."
"Ah,"
At pagkatapos ay dumating ang teacher namin sinimulan ang klase. At habang nasa kalagitnaan ng klase, may ini-announce ang teacher namin.
"Dahil hindi natuloy ang ating camping sa Olympus dahil sa mga patayan na naganap, nagpasiya ang faculty na magkakaroon ng isang prom night na gaganapin sa Dark Castle Hotel sa isang linggo. Ito ay bilang pang bawi sa naudlot na camping at para makalimutan din natin ang mga patayan sa Olympus."
"Hindi ba po isang five-star at isang first class hotel sa buong mundo ang Dark Castle?" Ang tanong ni Drei.
Oo, tama siya. Ang Dark Castle Hotel ay isang first class hotel sa buong mundo. At bukod pa dito, malimit ganapin dito ang ilang malalaking auction at mga transaksyon ng mga nasa underground society. Dahil ang Dark Castle Hotel ay pagmamay-ari ng isa sa malaking mafia family sa pilipinas, ang Mostwanted Mafia.
"Tama ka Drei. Pero si Mr. Arman Bridle mismo ang nagsabi na gawain ang prom night at siya ang gagastos para sa venue."
Pagakatapos marinig ng lahat ang announcement, nagsaya sila at nagsisigawan. Ang lahat ay masayang-masaya maliban sa amin nila Amber, Jeremy, at Gray Ivan Silva. Ano kaya ang meron sa Dark Castle at parang hindi sila masaya. O baka naman may masama silang alaala o karanasan sa isang prom night. Pero kahit ano pa man ang dahilan, hindi sila masaya sa announcement kagaya ko.
Hindi nagtagal ay napansin ni Math na hindi kami masaya sa announcement kanina.
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfiction-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...