Lunch break na, at katulad ng lagi nilang ginagawa, sama-sama silang kumakain. At dahil sa ang alam nila ay bago lang ako dito, sinamahan ako para bumaba sa cafeteria. At habang naglalakad, itinuturo nila sa akin ang mga building at ipinapakilala ang ilang staff ng school. At hanggang ngayon, sinunsundan pa din ako ng tingin ng ibang mga estudyante. Siguro kung ako din ang nasa kalagayan nila ay gagawin ko din ang pagsunod ng tingin. Sobrang ganda ko kasi!
Hanggang sa pagpasok namin sa cafeteria ay agaw pansin pa din ang kagandahan ng fake profile ko. Hindi ako naiilang sa ganitomg kapaligiran dahil sanay na sanay na ako dito, masasamang tao pa nga ang mga nakapaligid at nakatitig sa akin dati. May nakita kaming bakanteng lamesa at doon umupo. Nag-presinta sila Jeremy at Gray Ivan Silvan na sila nalang ang bibili ng pagkain namin. At katulad ng dati, sila Amber at ang aking si Mathilde Corazon ay para na namang mga talk show hosts kung makapag tanong.
"Saang school ka pala nanggaling Alexandra?" Ang tanong ng aking Mathilde Corazon.
"Sa Holy Angels."
"Sa Holy Angels?!" Ang magkasabay nilang sinabi ni Math.
"B-bakit ka naman lumipat dito?" Ang tanong ni Amber.
"Uh, eh, ano kasi eh," wala akong maisip na isasagot sa kanila kaya hinimas ko ang batok ko.
"Sabihin nalang natin na may nagawa ako sa Holy Angels kaya napaalis ako doon."
Dumating sila Jeremy at Gray kasama ang ilang mga babae at lalaki. Noong una ay hindi ko pa sila namumukaan, pero ng makalapit sila ay namukaan ko na sila. Sila yung mga gustong ipatrabaho sa akin ng God Father. Nagulat sila ng makita ako. Well, hindi ako magugulat dahil sikat din ang fake identity kong ito sa undergoround society.
"A-anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ng isa sa kanila?
"Hmmm?" Kunwari ay hindi ko sila kilala.
"Kilala niyo si Angel, Bro?"
"Alam mo Jeremy, hindi ako mabait sa mga lalaking hokage at breezy." Para hindimahalata ang pagpapanggap ko, tumayo ako.
"Gusto mo ulit ng sample?"
Hinatak ng isa sa kanila si Jeremy palayo sa akin.
"Hindi lang naman sa mga lalaking hokage at breezy, pati na din sa ibang mga tao na pinapatay mo." Ang sabi ng humatak kay Puns Guy.
Sabi na nga ba at may alam sila tungkol sa fake identity kong ito. Tumungo ako saglit dahil hindi ko mapigilan ang pagngit ko. Gustong-gusto ko na silang patayin ngayon palang. Pero kailangan ko na muna silang makilala para malamman kung bakit sila gustong ipapatay ng God Father. Pero bbigyan ko na muna sila ng isang Ryu Vander-Morisson's smirk.
"Excuse me?"
"Kilala ka namin, kaya huwag mong tangkain na gumawa ng gulo dito." Ang sabi ng isa pang lalaki.
"Huwag kayong mag-alala, hindi ko na uulitin ang ginawa ko noon sa Holy Angels."
"Hindi iyan ang tinutukoy namin, Night Witch."
Grabe, akala ko kilala na talaga nila ako. Akala ko tumpak na sila, pero mali pa din pala.
"Excuse me, Night Witch? Tinawag mo ba akong Night Witch? Mukha ba akong bruha?!"
Umaagaw na ng atensyon sa loob ng cafeteria ang ang pagtatalo namin ng mga targets ko. Sinabi sa amin ni Amber na sa labas nalang namin ipagpatuloy ang diskusyon. Pumayag ako at ang mga targets ko kaya dumiretso kami sa rooftop para doon magpatuloy.
"Nasaan na nga ba ulit tayo? Ah, naputol tayo kanina sa pagtawag ninyo sa akin na bruha."
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ha? Tahimik na paaralan ang Bridle. Unless may kailangan ka dito."
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfiction-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...