Chapter 8: Warning (part 1)

14 1 0
                                    

A/N: Ang timeline po nito ay ang birthday party ni Sweet Vander Morisson at pagkatapos ng party.

-/-/-/-

Lennon Pi Bellomo

Habang nakahiga at nagbro-browse ng pictures ng mga baby kong sila Harry Styles at Cooler Vander, biglang tumawag sa akin si rocket.

"Titless,"

Argh! Yan na naman ang nakakainis niyang tawag sa akin.

"Bakit rocket? Maniningil ka na ba ng utang mo?"

"Sa ibang araw nalang titless, pero may sasabihin ako sa'yo ngayon,"

Huh? Hindi maniningil ng utang pero tumawag sa akin? Ano kaya nakain nito ngayon?

"Ano yun rocket?"

"Pinapapunta ka ni Mommy mamaya sa Vander Mansion para sa birthday party niya."

Ah, kaya naman pala. Wala talaga siyang magawa sa Mommy Athena niya.

"Nandoon ba si Cooler, my baby?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko at binagsakan ako ng linya. Tingnan mo itong taong ito, napaka bastos talaga! I swear, sa susunod na magkikita kami, I will fucking shoot his gonads. Pero malamang na nandoon si baby Cooler ko since it's Athena's birthday at invited ang lahat ng miyembro ng mafia nila.

Agad akong nagpunta sa closet ko para humanap ng damit na maisusuot. Pinag-iisipan ko kung ang black and red gown na inspired by Catriona Gray's Lava gown o ang Blue elegant gown na isnpired naman ng Blue gown ni Pia Wurtzbach. Dahil sa hindi ako makapili sa susuotin ko, nag toss coin nalang ako, red and black gown ang heads, at blue gown naman sa tails. Ang lumabas ay ang heads kaya pinili ko ang black and red gown.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa hagdanan at nakasalubong ko ang kapatdid kong si Juan.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Sa birthday party."

"Kaninong birthday party naman? At isa pa, sino naman ang nag-invite sa iyo?"

"Sa birthday party ng mommy ni rocket. At siya mismo ang nag-invite sa akin."

"Si Cooler Vander lang naman ang tunay mong pakay doon eh."

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya ang diretso akong lumabas ng pinto. Sakto namang pagbukas ko ng pinto ay sumalubong ang napakapangit at traydor na si Uncle Flavio.

"Uncle,"

"Where are you going?"

Ugh, kunwari concerned, pero ang totoo ay masaya siya deep inside kasi wala ako at magagawa niya ang mga kalokohan niya.

"Sa birthday party ng kaibigan ko."

"Kasama mo si Zero?"

"No need tito. Isa pa ay ka-close ko naman siya, kaya no need to worry about it."

"Okay, sige, always take care. Alam mo naman na ayaw ng daddy mo na mapahamak ka." Sabi nito sabay beso sa akin.

Yuck! Kadiri! Ngayon palang ay gusto ko ng maghilamos dahil sa pagbeso niya. At isa pa, kunwari ay concern din siya kay daddy, pero siya ang dahilan kung bakit lagi nagkukulang ang mga shipments namin.

"Ok po Uncle, bye."

Agad akong sumakay sasakyan ko at nag-drive papunta sa Vander Mansion. Pero naisip ko bigla na wala pala akong regalo parakay Athena. Dumaan na muna ako sa isang jewelry shop at bumili ng isang set ng pearl accessories.

Nang makarating ako dito, agad naman akong pinapasok ng PSG nila. Bago bumaba ng kotse ay kinuha ko ang regalo ko at naglagay din ako ng isang baril sa dibdib ko. Bumaba ako ng kotse at nakasabay kong pumasok ang isang binatang lalaki.

"Sino ka?"

"Eh ikaw sino ka?"

"Ako ang unang nagtanong kaya ikaw ang unang sumagot."

"Ako si Lennon Pi Bellomo. Ikaw naman sino ka?"

"Ah tama, ikaw yung babaeng ipinahanap sa akin ni kuya."

Kung ganoon ay ito pala ang kapatid ni rocket. He also have a pretty face but he also have his brother's attitude.

Sabay kaming pumasok at dumiresto sa kitchen nila. Binati ko ng happy birthday si Athena at ibinigay ang regalo ko. Nagpasalamat naman siya sa akin. Hindi ko talaga mainitindihan kung bakit ganoon ang ugali ni rocket. Kung anong bait ng nanay nila, siya namang sama ng ugali niya.

Nakita ko si baby Cooler sa may balcony, kaya pumunta ako doon.

"Hi Babe, sorry I mean Cooler."

"Hi, Pi! Mabuti at nakarating ka."

Awww, kahit ang simpleng hi lang niya ay nakakatunaw.

"Of course Cooler,you are the only real reason why I am here."

"Masyado ka talagang mabilis."

"Salamat nga pala rocket for inviting me here."

"Mom did, not me."
Seryosong sabi nito.

Argh! I really want to shoot him in his gonads!

Pagkatapos ay lumapit naman si Amber at may kasama siyang bagong mukha.

"Hi Pi!"

"Hi Amber! Oh, sino yang cute guy na kasama mo?"

"Siya si Helio, classmate ko."

"Hi, I'm Helio."

Ugh! Ang cute niya! I also want you to be baby, next to Harry Styles and Cooler Vander.

"Hello, Helio. I'm Lennon Pi Bellomo." Bati nito sa kasama ni Amber. At mukhang may masama na namang iniisip si titless kay Helio ngayon sa isipan niya.

"Nice to meet you Lemon Pi Bellomo."

Aaminin ko na medyo nainsulto ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bingi ba siya, sinadya niya, o nawala siya sa katinuan niya dahil nakatingin siya sa akin? But it's okay baby, I will forgive you.

"Correction cutie," sabi ko then I bite my lower lip.

"It's Lennon from John Lennon, and Pi like 3.14159265359 and not like pizza pie or apple pie."

"Oh, I am very Ms. Lennon Pi Bellomo. What heard is Lemon, not Lennon. I'm really very sorry."

Awww, you are so damn cute when saying sorry. Talagang sincere siya sa paghingi ng sorry.

"It's okay cutie. Can I get your number?"

"Pardon?"

"Sabi ko cutie, kung pwede ba akong humingi ng number mo."

"Pasensya na Ms. Pi, but I don't usually give my number. Specially to those I just met only once and not yet close."

Ouch. Rejected na ba kaagad ako sa kaniya? Bigla namang nagsalita si apollo rocket.

"I guess you met an another devil, titless."

Argh! Ayan na naman yung nakakainis at nakakabwiset niyang smirk

"Shut up rocket, or I'll shoot your gonad."

Pagkatapos ay bumaling ulit ako kay Cutie Helio.

"Can I know why we can't be close? I like you next Harry Styles and my baby Cooler that is beside me."

"If Cooler was your baby, then why are you asking for my phone number, and telling me that you like me in front of your baby Cooler?"

This time ay si baby Cooler naman ang nagsalita.

"Excuse me, I will just correct what Pi told. First of all, I'm not his baby. We're not in a relationship." Tapos ay lumingon siya kay Pi. "And Pi, doesn't mean that I have agreed on our date it means we are in a relationship." Seryosong sabi ni Cooler.

Ouch! Dalawang beses na akong nare-reject ngayong araw. Sobrang sakit!

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now