"I already told you Ms. Pi, before you shot my dick and gonads, I already slashed your neck."
Nakita ko ang pamumutla sa mukha ng Bellomo princess na si Lennon Pi Bellomo. Nagulat din naman sila Ryu Vander Morisson at Cooler Vander sa naging bilis ng pagkilos ko. Pagkatapos ay muling nagsalita si Ryu Vander Morisson.
"I also already told you titless, you met an another devil. And you mess with him"
Pagkatapos ng insidente sa pagitan namin ay umalis na ako para pumunta sa side nila Gray Ivan Silva.
-/-/-/-
Nang matapos ang party kahapon sa Vander Mansion ay inihatid muli kami ni Cooler pabalik sa Briddle. Pagkababa namin sa kotse, pumasok na sila loob para umuwi sa dorms nila. Ako naman ay nag-intay ng taxi pauwi sa condo unit ko.
Pagkabalik ko sa loob ng condo unit ko, agad akong umupo sa harap ng study table ko at gumawa ng sketch ng mga mukha ng miyembro ng Vander Mafia. Isa-isa kong iginuhit ang mga mukha nila sa sketch pad ko. Nang matapos na akong mag sketch ng mga mukha nila, nagsimula na akong mag research tungkol sa background nila sa labas ng mafia.
Kinabukasan, pagpasok ko sa school, agad akong sinalubong ni puns guy. Nakita kong nakaupo na sila sa kani-kanilang upuan. Medyo late kasi akong pumasok dahil napuyat ako kagabi kakagawa ng research. Mabuti nalang at wala pa din ang teacher namin.
"Kamusta naman ang lakad niyo kahapon Amber?"
"Ayos lang naman."
"Ano ba ang ginawa ninyo doon at mukhang pagod na pagod si Amber?"
"Birth day kasi ng mama niya kahapon, kaya-"
"Ano?! Birthday ni tita kahapon? Bakit hindi mo kami isinama bestie?"
Hindi sumasagot si Amber habang nakatungo sa lamesa. Pagod na pagod kasi ito dahil isa siya sa mga naging abala kahapon. Bigla namang pumasok ang teacher namin at sinimulan ang klase.
-/-/-/-
Pagkatapos ng klase sa umaga, may tumawag na naman kay Amber. Hindi ito si Cooler Vander o si Ryu Vander Morisson o kung sino pa mang miyembro ng Vander Mafia. Khael kasi ang binanggit na pangalan nito. Pero muli, medyo nakasumangot na naman si Gray Ivan Silva ng marinig ang pangalang Khael.
"Anong sabi mo Khael?"
"Okay sige, papunta na kami diyan."
"Ano daw meron bestie?"
"May pinatay daw na estudyante sa Athena."
"So, makiki-imbestiga tayo?"
"Uhm, excuse me, anong kinalaman natin sa pinatay sa Athena? Diba dapat ay mga pulis ang humahawak noon at hindi tayo dapat makialam?"
"Oo, pero si Inspector Dean daw mismo ang nagpapatawag sa atin. May natagpuan na naman daw kasing encrypted code message sa katawan ng bimtima."
Pagkatapos noon ay bumaba muli kami papunta sa tapat ng gate ng Briddle para daw hintayin ang susundong police mobile. Maya-maya pa ay dumating na ang isang police mobile.
"Paano yan, hindi tayo kasya bestie?" Tanong ni puns guy.
"Magco-commute nalang ako papuntang Athena." Suhestiyon ko.
"Alam mo ba kung saan ang Athena, Helio?"
"Oo, bago pa kasi ako mag-enroll dito sa Briddle, nag-inquire na ako dati sa Athena."
"Okay sige, ingat ka at iintayin ka namin doon."
Sumakay na sila sa loob ng police mobile at ako naman ay nag-iintay ng taxi papunta ng Athena.
Nang makarating ako sa Athena, si Inspector Dean mismo ang sumundo sa akin sa tapat ng gate ng Athena. Isinama niya ako sa loob ng mismong crime scene. Ang biktima ay isa muling lalaki. Nakita kong nag-iimbestiga ang Detective Triumvirate plu one kasama ang isang estudyante din Athena.
"Mikhael, akin na yung encrypted code."
Tapos lumapit sa amin yung estudyante ng Athena na nag-iimbestiga din.
"Sino po siya Inspector Dean?"
"Siya si Helio Dimaculagan. Ang bagong miyembro ng Detective Triumvirate plus one." Sagot ni puns guy kay Mikhael.
"Hi, ako nga pala si Helio Dimaculangan."
"Ako naman si Mikhael Alonzo, Khael nalang for short. Ang pinaka magaling na detective ng Athena."
"Shut up Alonzo,"
"Tumahimik ka din Silvan. Kahit pa noong naandito ka ay ako na ang mas magaling kaysa sa iyo."
"Wag na kayong magtalo. Akin na yung encrypted code para masimulan ng ma-decipher ni Helio."
Pagkatapos ay ibinigay sa akin ni Khael ang encrypted code message. Nanghiram muli ako ng numeric keypad phone, o basic phone, para madali kong ma-decipher ang code.
844444777704447777084433077773322266666309277766444664110110215512147774446
Ngayon ay idini-decipher ko na ang code para makuha ang sunod na mensahe ng codes. Nang matapos kong i-decode ang codes, ipinakita ko na sa kanila ang mensahe nito.
This is the second warning, 11 a.k.a grim
"Sino ba kasi yang 11 o grim na yan? At bakit mga estudyante ang target niya o nila?" Reklamo ni Amber habang minamasahe ang ulo niya.
"So ibig sabihin may ganito na din nangyari sa inyo, Special A?" Tanong ni Khael.
At tinawag ba niyang Special A si Amber?
"Oo, Khael. Ilang araw palang ang lumilipas ng may pinatay ding estudyante sa Briddle, at nag-iwan din ang killer o killers ng ganiyang- ano nga ba ang tawag sa code na ya Helio?"
"Numeric Keypad Codes."
"Yun. At ng i-decode namin, ang mensahe ay 'we are now starting, 11 a.k.a. grim' ang nakasulat."
"Sino ang naging suspects ninyo sa kasong iyon?"
"Ang kapatid at pinsan niya, pati na din ang tatlong bestfriends niya. Pero kahit isa sa kanila ay walang nagtuturo na sila ang tunay na salarin."
"Pati na din ang kaso ngayon. Kung ang target niya o nila ay nasa loob lang ng Briddle, hindi sila hahanap at mandadamay pa ng iba."
Mali kayo, hindi ninyo sila kilala. Handa silang gawin ang lahat para lang mapalabas ako.
"Sino pala ang biktima ngayon?"
"Si Mr. Antonio Sy, isang grade 12 teacher."
"Kilala mo siya Gray?"
"Hindi siya kilala ni Gray. Kakasimula palang kasi niya dito nitong pasukan lang."
"May suspects naba kayo?" Tanong ko.
"Sa ngayon ay wala pa."
Habang patuloy na nag-iimbestiga ang mga pulis, ang Detective Triumvirate plus one, at si Khael, nagyaya siya na kumain na daw muna kami dahil baka hindi pa kami naglu-lunch. Totoong hindi pa kami nakain ng lunch ng tumawag siya.
At habang naglu-lunch kami ng sama-sama, ipinakilala nila akong muli at ganoon din si Khael sa akin. Ngayon ay nalaman kong matagal na palang mag-kaibigan ang dalawa ni Gray Ivan Silva at Khael Alonzo. At hindi lang basta magkaibigan, mag best friemds pa sila. Congratulations Khael Alonzo, you are added to the party.
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfic-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...