Pagbukas ko ng pinto ay agad akong sinalubong ng mga mura at pagsumpa nila sa akin. Mga ilang araw ko na din kasi silang pinapahirapan dito sa baba ng isa sa mga mansyon ko. Marami na akong binaling buto sa kanila, tinanggal na kuko sa kamay at paa, mga hiwa, at kung ano-ano pang klase ng pagpapahirap, pero ayaw pa din nilang sabihin sa akin kung sino sila.
"Nasaan na ba kasi 11?! Siya ang pabaain ninyo dito para mapatay na namin siya!"
"Kapag nalaman lang ng God Father at ng mga Phoenix ang mga ginagawa ninyo sa amin, hinding hindi nila kayo papatawarin!"
Nagpapalit-palit kasi ako ng identity sa pagpapahirap sa kanila. Minsan, ako si Night Witch, minsan si Alexandra a.k.a Morning Vampire, at minsan din ay si Helio Dimaculangan. Hindi ako nagpapakita sa kanila bilang si 11.
"Sabihin na kasi ninyo kung sino kayo, para matapos na tayo. Para lahat masaya na!"
"Wala kaming sasabihin sa'yo Night Witch! Wala! Wala!"
"Patayin mo man kami, wala ka pa ding makukuha na kahit ano sa amin." Ang sabi ng isang babae at tumawa.
Maedyo naboboring na ako sa pagpapahirap sa kanila kaya lumabas muna ako para tawagan ang mga Phoenix. Idinial ko sa cellphone ko ang number ni 1.
"Hello,"
"Bakit napatawag ka 11?"
"May ginagawa ba kayo ngayon?"
"Meron bakit?"
"Uhm, wala naman. Medyo naboboring kasi ako ngayon sa pagpapahirap sa ilang tao, at gusto ko sana na samahan ninyo ako pag-torure sa kanila, katulad ng dati nating ginagawa."
"Alam mong hindi namin pwedeng gawain yan 11. At isa pa ay importante ang ginagawa namin."
"Ano ba ang ginagawa ninyo ngayon?"
Narinig ko ang boses ni 3 mula sa kabilang linya. Tinatanong niya si 1 kung sino daw ba ang kausap ni 1.
"Si 11 ang kausap ko."
"Nasaan na nga ba tayo?"
"Sa importanteng ginagawa namin."
"Ah tama, tama. Ano ba yang ginagawa ninyo?"
"Binigyan kami ng utos na hanapin ang mga bagong traydor sa mafia."
"Mga kasamahan nila Cross?"
"Hindi. Mga Junior member ng Phoenix."
"Mga junior member ng Phoenix? Wala namang ganoon ah?"
"Mayroon na ngayon. Simula kasi ng umalis ka, ilang buwan palang ang nakakalipas, nagpasiya ang God Father na gumawa ng bagong grupo para sa may mga potensyal para maging mga bagong miyembro ng Phoenix."
"Tapos?"
"Kailangan nilang sumailalim sa training namin para maging magaling na Phoenix."
"Hindi na ba sila binibigyan ng mga imposibleng misyon katulad ng dati?"
"Kung magmumula sa ka sa loob ng mafia, bibigyan ka nila ng imposibleng misyon."
"So, ibig sabihin mga taga-labas ang mga tinatawag ninyong Junior Phoenix?"
"Oo. Kumukuha ang God Father ng mga taga labas para daw hindi makilala ng ibang mga kalaban namin ang mga bagong Phoenix."
"Technically, Junior Phoenix ang tawag sa kanila. Pero mas gusto nilang tawagin ang mga sarili nila bilang mga P-Saint o Phoenix Saints." This time ay si 2 naman ang sumagot mula sa kabilang linya.
Dahil sa sinabi ni 2 ay biglang nag-recall sa isipan ko ang sinabi ng isa sa kanila noong unang araw na pinahirapan ko sila.
'Mali kayo ng binangga. Dahil sa oras na makawala kami dito, all of you, including 11, will face and taste the wrath of the Phoenix Saints.'
Bumalik ako sa ulirat ko ng magsalita muli si 2.
"Hello 11, nandiyan ka pa ba?"
"Oo 2, naandito pa ako."
"Mabuti naman. Kami naman kasi ang hihingi sa iyo ng isang maliit na pabor."
"Anong pabor?"
"Gusto namin na tulungan mo kami sa paghahanap sa mga Phoenix Saints. Alam naming lahat na ikaw ang pinakamagaling sa larangang ito."
Gusto ko sanang sabihin sa kanila na hawak ko na ang mga Phoenix Saints. Pero nag-alangan ako dahil baka ibang mga Phoenix Saints ang ipinapahanap sa kanila at baka magalit sa kanila ang God Father kung sila ang hahayaan kong pumatay sa kanila.
"Paano ko sila makikilala?"
"Magpapadala ako sa iyo ng e-mail. Doon mo makikita ang mga profile nila." At pagkatapos ay pinatay na niya ang kabilang linya.
Pumasok ako sa kawarto ko at agad na binuksan ang laptop ko. May nakita akong e-mail na galing kay 7. Nang binuksan ko iyon ay lumabas ang mga profile ng Phoenix Saints. At katulad ng nasa e-mail, ang mga profile na ibinigay sa akin ng God Father at ang isinend sa akin ng mga Phoenic ay iisa. Ngayon ay nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila na hawak-hawak ko ang mga traydor na sinasabi nila.
Maka-ilang ulit akong nagpalakad-lakad sa loob ng kwarto ko sa kaka-isip kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. Kung sasabihin ko kasi, malamang na managot sila sa God Father at madismaya siya dahil hindi ko natupad ang kahilingan niya. Kung magsisinungaling naman ako sa mga Phoenix, malalaman din nila iyon at ang galit ka kinikimkim nila laban sa akin ay magiging poot. Makalipas ang ilan pang minuto, nagpasiya akong tawagan ang God Father. Pero kailangan kong maging mataktika sa pakikipag-usap sa kaniya.
"Nailigpit mo na ba sila 11?"
"Hindi pa po Sir, pasensya na."
"Okay lang 11. Ano pala ang rason kung bakit ka napatawag?"
"Sir, gusto ko lang po sana malaman kung bakit at ano ang atraso nila sa inyo at sa akin niyo sila ipinapapatay."
"Nag-aalinlangan ka ba?"
"Hindi po Sir. Pero nasisira po ang plano ko dahil hindi ko po alam kung bakit ko sila papatayin."
Narinig kong huminga ng malalim ang God Father at muling nagsalita. Ikinuwento niya ang lahat ng tungkol sa mga Phoenix Saints at kung bakit niya gustong ipapatay silang lahat.
"Mawalng galang na po Sir, pero gusto din po sanang malaman kung bakit ako pa ang napili ninyo at hindi ang mga Phoenix?"
"Alam ko kasing sa oras na ang mga Phoenix magpapahirap sa kanila, wala pang isang segundo, papatayin nila sila. Matindi ang galit ng mga Phoenix sa mga Phoenix Saints dahil sa pagta-traydor. Kaya ikaw ang hinilingan kong tumrabaho sa kanila para kahit papaano ay may makuha kang impormasyon mula sa kanila."
"Hindi ko po alam Sir kung makakatulong ang nakuha ko o hindi. Pero may nalaman ako may pinagsusuplayan sila ng mga sandata na galing mafia. At alam ko kung saan sila matatagpuan."
"Sige, magpadala ka sa akin ng e-mail tungkol diyan."
"At isa pa po pala Sir,"
"Ano 'yon?"
"Humihingi po ng tulong sa akin ang mga Phoenix para sa paghahanap sa mga Phoenix Saints. Sasabihin ko po ba na hawak ko na po sila?"
"Ikaw ang bahala 11. Pero pigain mo pa sana sila dahil baka may iba ka pang impormasyon na makukuha sa kanila. Pero kung wala na, desisyon mo na kung sasabihin mo sa mga Phoenix o hindi."
Pagkatapos ay ibinaba na ng God Father ang kabilang linya. Dahil sa usapan namin ng God Father, mas nakabuo ako ngayon ng isang mas magandang plano.
Ilang araw ko pang pinahirapan ang mga Phoenix Saints, pero mukhang wala na akong mapipiga sa kanila. Kaya ngayon, nagdesisyon na akong tawagan ang mga Phoenix at sabihin na ilang araw ko ng hawak ang mga Phoenix Saints. Pinapunta ko sila dito sa mansion ko at iniharap sa kanila ang mga traydor. At katulad ng sinabi ng God Father, wala pang isang segundo, tinadtad nila ng bala ang mga traydor na Phoenix Saints.
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfiction-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...