Chapter 14: Dark Castle Incident

10 1 0
                                    


At totoo nga na isa na si Steff Brigala sa mga pinaka sikat na designer sa buong mundo. Nagpadala ako ng e-mail sa kaniya para sa request na magpagawa ng mga damit na susuotin namin at para makita ko siyang muli.

At ngayon ay naandito kami sa isa sa mga rest house niya sa baguio para pag-usapan ang mga damit namin.

"Hello, Ate Steff!"

"Hi, Helio."

Sinabi ko kasi sa kanya ang fake identity na ginagamit ko kaya hindi niya babanggitin ang tunay kong katauhan.

"H-hello po, Ms. Steff Brigala."

"Hello din sa inyo. Pasok kayo para mapagusapan na natin yung gowns or gowns and suits na gagawin ko para sa inyo."

Pagkapasok namin ay pinaupo na muna niya kami sa living room at pagkatapos ay naghanda siya ng freshly baked cookies and muffins, at juice. Pagkatapos namin kumain ay agad niya kaming sinukatan isa-isa. Matapos ang pagkuha ng sukat ay tinanong niya sila isa-isa sa gusto nilang maging disenyo ng dress or gowns at suits nila. Hindi na niya ako kailangan tanungin dahil alam na niya ang gusto ko. At pagkatapos ay nagsimula na siyang mag sketch ng mga disenyo ng damit nila. Nagpaalam ko sa kanila at umalis dahil gusto kong makausap ngayon ang mga Phoenix.

"Hello,"

"Bakit napatawag ka 11? I mean Helio Dimaculangan."

"Gusto ko lang sana hingiin ang tulong ninyo."

"Tungkol saan?"

"Sa Most Wanted Mafia."

"Anong klaseng tulong gusto mong hingiin?"

"Magkakaroon kasi ng prom night ang Bridle sa Dark Castle Hotel, at alam ko at alam din ninyo na kilala ako ng mga miyembro ng Most Wanted, at ayaw kong madamay ang mga inosente ng dahil sa akin. Kaya gusto ko sanang makipag-usap kayo sa mga Most Wanted at sabihin na kung pwede ceasefire na muna sa pagitan namin. At isa pa ay hindi sila kasama sa mga targets ko."

"Paano kapag hindi sila pumayag?"

"Magmatyag nalang kayo sa paligid ng Dark Castle. Kapag naramdaman ninyong ipapahuli nila ako, bigyan ninyo ako ng hudyat para lumabas sa Dark Castle at sa labas mangyari ang mga bagay-bagay."

"Ano naman ang kapalit ng tulong namin sa inyo?"

"Sa oras sa mapatay ko na ang mga Vander at Bellomo, kusang loob akong sasama sa inyo pabalik sa Play House at hihilingin sa God Father na kayo ang lumaro sa akin."

"Deal."

"Salamat."

Pagbalik ko sa rest house ni Steff ay agad akong sinabihan nila Amber na hindi pa daw ako nakakapili ng gusto kong disenyo ng suit ko. Pero sinabi sa kanila ni Steff na alam na niya ang gusto ko at ang taste ko. At pagakatapos no'n ay nakipag kwentuhan pa kami kay Steff at umuwi paglbog ng araw.

-/-/-/-

Ngayon ay ang gabi prom night. Naibigay na sa amin ang mga invitations at ang mga designer dresss and suits na galing kay Steff.

Hindi ako kasama kila Amber sa pagpasok sa Dark Castle. Nakikiramdam kasi ako sa paligid ko dahil baka may ilang miyembro ng Most Wanted ang bigla nalang umatake sa akin kahit pa naayos na ng mga Phoenix ang problema ko sa mga Most Wanted.

Nang masigurado ko ng ligtas ako, ang buong lugar, at ang mga bisita sa loob, pumasok na ako. Pagpasok ko sa loob ay medyo madilim at ang lahat ng tao ang nakasuot ng kani-kanilang mga maskara. Hindi kasi namin pwedeng alisin ang maskara hanggat walang hudyat mula sa MC. Hinahap ko sila pero hindi ko silamakita dahil ang lahat ay naka maskara. Tinext ako ni Amber na naka pwesto daw sila sa malapit sa pintuan kaya pumunta ako doon at nakita sila.

At habang nasa kalagitnaan ng party, may mga lalaking nanggulo. May mga dala silang baril at pinapa-putok iyon sa ere kaya nagkagulo ang lahat ng tao.

"Nasaan ka na 11! Lumabas ka!" Sigaw ng isa sa kanila at muling pinaputok ang baril niya.

Kumalat sila sa buong lugar at ginulo ang lahat ng gamit na naandito. Nagkahiwa-hiwalay kami dahil sa pagpapanic ng mga tao. Umakyat ako sa second floor para makagawa sana ng paraan para mapatay sila pero nabigo ako. Nahuli nila si Math at ginawang bihag.

"11! Kung hindi ka lalabas at magpapakita sa amin, mamatay ang babaeng ito! Hahahaha!" Sabi ng lalaking may hawak kay Math

"Pero kung nahihiya ka naman na magpakita sa amin, okay lang. Ipapadala nalang namin sa'yo isa-isa ang parte ng katawan ng babaeng ito." Dugtong ng isang lalaki.

Pagkatapos ay umalis sila habang binabatak si Math ng sapilitan. Sinampal ng malakas ng lalaki si Math kaya nawalan ito ng malay at nagkaroon ng pasa at bahagyang dumugo ang gilid ng labi nito. At dahil sa ginawa niya, sisiguraduhin kong ipapadala ko siya sa impyerno at kahit na si Satanas ay hindi siya makikilala. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa aking Mathilde Corazon.

Bumaba ako sa mula sa second floor para masundan sila Math at ang mga lalaking ipapadala ko sa impyerno. Mabuti nalang at hindi ako napansin nila Amber, Jeremy, at Gray Ivan Silvan dahil busy sila sa pagtulong sa mga nasaktan dahil sa gulo. Pagdating ko sa labas ay nakita kong pinatay nila ang lahat ng pulis na nagbabantay sa paligid ng Dark Castle. Wala kasing kahit isang tauhan ng Most Wanted ang naandito dahil iyon ang isa sa mga kapalit ng hindi nila paghuli sa akin.

May narinig akong makina ng sasakyan ang nabuhay kaya pumunta ako sa pinanggagalingan nito. May dalawang van ang buhay ang makina at handa ng umalis. Malamang na sila ang mga nanggulo at isa sa mga van na ito ang pinagsakyan nila kay Math. Dahil hindi ko alam kung saang van nila isinakay si Math, parehas ko nalang nilagyan ng tracking device ang dalawang van bago tuluyang makaalis.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now