Chapter 16: Angels in Disguise

13 1 0
                                    

Grim a.k.a. 11 POV

"Tinawagan ko na din ang mga pulis at mga kaibigan mo. Hintayin mo nalang silang dumating dito."

Hindi na ako nagtagal pa sa tabi ni Math dahil ayaw kong malaman niya na may tama ako sa kaliwang dibdib ko at ayaw ko din na mabuking ang sikreto ko kaya umalis agad ako. Agad akong sumakay sa kotse ko na naka-park sa hindi kalayuan.

Habang nagmamaneho ay nakakardam ako ng pagkahilo at panghihina dahil sa pagkawala ng maraming dugo sa katawan ko. Kung hindi kasi sana tumagos ang bala sa katawan nung lalaki, hindi ako magkakaganito ngayon. Inihinto ko ang sasakyan ko sa isang tabi para sana kunin ang SMD-1598 nang may biglang kumatok sa bintana ko. Ibiniba ko ang bintana para makita ng mas maayos kung sino ang kumatok, at nagulat ako ng makita ko kung sino ang kumatok.

-/-/-/-

10 years ago...

Isang espesyal na araw sumapit ngayon. Hindi ko birthday, o birthday ng kahit sino sa amin,o kung ano pa mang okasyon. Kaya espesyal ang araw na ito dahil isasama kami nila Mama at Papa sa lugar kung saan sila nagtatrabaho.

"Good morning Grim!" Ang masayang bati sa akin ni Mama.

"Good morning Mama!" Ang bati ko pabalik kay Mama sabay halik sa pisngi niya.

"Good morning Papa!" Bati ko kay Papa na nag-a-almusal na.

"Good din sa inyo Ate Persephone at Kuya Reaper!" Bati ko din sa mga kapatid ko.

"Good din sayo, Grim!" Bating pabalik ni Ate Persephone.

Pagkatapos ay naghugas na ako ng kamay para kumain ng almusal dahil excited na kaming lahat sa pagada sa amin nila Mama at Papa sa laboratory nila.

"Mama,"

"Mmm, bakit Grim?"

"Bakit po Grim ang pangalan ko? Eh si kuya Reaper ang pangalan. 'diba po mas una ang salitang Grim bago ang Reaper? Tapos si Ate, Persephone ang ipinangalan ninyo sa kaniya."

Nagtawanan lang sila habang ako ay naguguluhan pa din sa mga pangalan namin. Nang mabawi na nila ang pagtawa nila, sinagot ni Mama ang dahilan kung bakit ganito ang mga pangalan namin.

"Grim, ganito kasi 'yan. Noon kasi mahilig ako magbasa ng mga novel books, at nabasa ko ang pangalang Persephone sa isa mga libro. At si Persephone ay ang Goddess of Underworld. Ganoon din si kuya Reaper mo."

"Eh hindi ba po si kuya Reaper ang dapat ay si Grim dahil mas una siya sa akin, at ako naman si Reaper dahil mas bata ako sa kaniya?"

"Iyan nga din ang naging dahilan kung bakit Grim ang ipinangalan namin sa iyo. Ang sabi ng kuya mo, kung magkakaroon pa muli sila ng kapatid na lalaki, Grim ang ipapangalan. At kung babae naman, Hera." Ngayon ay si papa naman ang sumagot.

Pagkatapos sagutin ni papa ang tanong ko, tiningnan niya ang relo niya at sinabing oras na para maghanda kami dahil malapit na kaming umalis. Nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit. Isinuot ko ang paborito kong damit at agad na bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko na silang lahat at ako nalang ang iniintay.

"Wag kang malungkot diyan Grim. Hindi ka namin iiwan." Ang sabi ni Kuya Reaper.

"Pero kung nahuli ka pa ng kaonti, iiwan ka namin." Ang pang-aasar sa akin ni Ate Persephone.

"Biro lang Grim. Alam mo naman love-love ka ni ate eh." Dugtong niya sabay pisil sa pisngi ko. At pagkatapos no'n ay sumakay na kami sa kotse at umalis.

Pagdating namin sa laboratory nila, agad nilang ipinagmalaki sa amin ang naimbento nilang gamot.

"Mga anak, ito ang SMD-1598. O ang tinatawag namin na Samson's Miracle Drug."

"Bakit po tinawag na Samson's Miracle Drug?" Tanong ko.

"Kasi Grim, kapag naiturok ito sa isang tao, nagkakaroon siya ng lakas na kagaya ni Samson."

"Eh ano naman po yung 1598?" Dugtong ko.

"Ang 1598 (fifteen ninety eight), iyan ang beses ng pagsubok namin na maper-perpekto ang gamot na ito."

"Ah, so ang ibig sabihin po ng 1598 (fifteen ninety eight) ay one thousand five hundred ninety eight." Ang sabi ni Kuya Reaper.

"Tama ka Reaper. Ginawa lang namin na fifteen ninety eight para cool pakinggan."

Pagkatapos ng laboratory tour namin ay pumunta kami sa isang resort. Naandito kasi ang buong angkan namin para i-celebrate ang tagumpay nila Mama at Papa sa pagkaka-imbemto ng SMD-1598.

At habang nasa kalagitnaan ng masayang victory party, biglang may mga pagsabog na naganap sa paligid, at dahil dito ay marami ang nasaktan at mga namatay. Pagkatapos ay pinagbabaril nila ang lahat ng kamag-anak namin at kami lang nila Mama, Papa, Ate, at Kuya ang itinira nilang buhay.

"Hulihin ninyo ang mga bata."
Pagkatapos ay hinuli at itinali kami ng tatlong lalaki.

"Ano ang kailangan ninyo sa amin?"

"Nasaan na ang formula ng SMD-1598?"

"Bakit Brain?"

"Ibigay nalamg ninyo sa akin para wala ng iba pang madamay."

"Wala kaming ibibigay sa'yo! Patayin mo man kami, wala kang makukuha sa amin."

Pagkatapos ipinag utos ni 'Brain' na barilin sa ulo si Ate Persephone. Nagulat at nagwala sa galit sila Mama at Papa dahil sa ginawa nila. Inulit muli ni 'Brain' ang tanong pero nagmataigas pa din silang sabihin kung nasaan ang formula ng SMD-1598. Pagkatapos sunod niyang ipinagutos na barilin si kuya Reaper.

Dahil dito ay mas lalo silang nagalit. Inagaw ni Mama ang baril ng isa sa mga lalaki pero binaril din siya ng ilan sa kanila. Pagkatapos ay ako naman ang ipinag utos na barilin. Bumulagta ako sa sahig. At bago pa man ako tuluyan na mawalan ng malay, nakita kong pinugutan nila ng ulo si Papa. Pagkatapos ay kinuha nila ang isang SMD-1598 sa bulsa ng coat ni Papa at sinabing gayahin ang ang mga chemical components nito.

"Malaki ang ibabayad sa atin ng mga Bellomo para sa drogang iyan. At magagamit din natin iyan sa pagpapabagsak sa Vander mafia. At ito ang lalong magpapayaman sa Genesis Mafia."

Simula sa araw na ito, kapag naubuhay at nakaligtas ako dito. Ipinapangako ko na uubusin ko ang lahat ng mga mafia at pagbabayatin ko ang Genesis mafia.

-/-/-/-

"Gising na si 11."

"Mabuti naman at nagising ka na."

"Nasaan ako?"

"Naandito sa ka resthouse ni 1."

"Ano ba ang nangyari sa'yo at may tama ka malapit sa puso? Mabuti nalang at hindi tinamaan ang puso mo kaya nabuhay ka pa."

"Mahabang istorya. Maraming salamat sa pagkakaligtas ninyo sa akin, pero kailangan ko ng umalis dahil ayokong magsuspetsa ang mga kaibigan ko sa Bridle."

"Kaibigan o targets?"

"Parehas."

Pagkatapos ay agad akong bumangon kahit na masakit pa din ang sugat ko. Kailngan kong gumawa ng pekeng ebidensiya na galing ako sa ospital dahil sa sugat ko.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now