Chapter 19: A Genie Grant an Request

9 1 0
                                    

Katulad ng sa Villegas Crime Group, hindi din naging madali ang pag-ubos ko sa Shinra Clan. At katulad ko, mukhang nahihirapan din ang mga Phoenix sa Futara Clan. Isang araw na kasi ang lumipas simula ng mag e-mail ako sa kanila. Gustong-gusto ko kasing malaman ang sinasabi nilang impormasyon tungkol kay Mathilde Corazon.

Lumipas pa ang isang araw at hindi pa din sila nasagot sa e-mail ko. Hindi na ako mapakali tungkol dito. Gusto ko ng bumalik sa Pilipinas para malaman ang kung ano man ang nagyayari kay Math.

Dahil sa sobrang hindi na ako mapakali, nagpasiya akong pumunta sa lugar ng mga Futara. Pero bago pa man ako maka alis sa rest house ko, may nag door bell sa labas ng gate. Isang delivery boy. May ibinigay siya sa akin na isang maliit na package at isang sulat. Pumasok muli ako sa loob ng rest house ko para tingnan ang package at ang sulat. Una kong binuksan ang package. May laman itong isang box na may singsing at kwintas sa loob.

Kinuha ko ang kwintas at sinuri ito. Isa itong golden necklace na may pendant na black wings. Sunod kong tiningnan ang singsing at ganoon din ang disenyo nito.

May nakita din akong isang maliit na sobre. Kinuha ko din iyon at binuksan. Sa loob no'n ay may mga pictures nila Amber, Jeremy, Mikael, Gray Ivan Silvan, Math, at ilang lalaki at babae. Ang ilan sa kuha ng litrato ay stolen shots.

Sunod kong binuksan at plastic na naglalman ng sulat. Pagbukas ko sa platic ay isang pamilyar sulat ang nakita ko. Hindi ito katulad ng pangkaraniwang sulat. Isa itong kulay puting sobre na may talsik ng dugo at may kulay gintong wax seal. Ang sulat na ito ay galing sa God Father. Agad kong binuksan ang sulat at binasa ang nilalaman nito.

'Meet me at Lucky Coffee Shop.'

Iyan lang maikiling sulat niya sa akin. Para siya mismo ang magpadala ng sulat sa akin, isa ang ibig sabihin nito. Seryoso siya at seryoso ang pag-uusapan namin.

Pinakalma ko ang sarili ko dahil ang God Father ang makakaharap ko at seryoso siya. Kailangan kong umayos sa harap niya. Naghanda ako agad na umalis para pumunta sa lugar na pagkikitaan namin.

Pagdating ko sa coffee shop, walang ibang customer kung hindi ang God Father na nagkakape. Nang makita niya ako ay tiningnan niya ang relo niya at pagakatapos ay tumingin siya sa akin. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot sa tuwing makikita ko ang mga tingin niyang iyon.

Kapag kasi hindi mo siya naka God Father mode ay isa lang siyang simple, elegante at isang bookworm. Pero kapag naka God Father mode siya, hindi kalang basta tumitingin sa isang tao, isang demonyo, isang diablo, kay satanas, at kay kamatayan. Kapag nakita mo siya sa ganitong estado ay para kang tumitingin ng sabay-sabay sa isang demonyo, diablo, kay satanas, at kay kamatayan na nagkukubli bilang isang tao. Pero siyempre ay hindi ko ipinapakita ang pagkatakot ko. Seryoso lang ako kapag ganito siya.

"Maupo ka Grim,"

Sumunod ako sa utos niya at umupo sa harap niya.

"Tea or Coffee?"

"Coffee, Sir,"

Pagakatapos ay lumapit ang isa sa mga staff ng coffee shop na halatang takot na takot. Tinanong niya ako kung anong klase ng coffee ang gusto ko.

"Triple shot espresso with ¼ teaspoon of white sguar."

Parang hindi mamapaniwala ang babae dahil sa sinabi ko. Ewan ko ba at ganoon gusto kong timpla ng kape. Pero ng tumingin sa kaniya ang God Father ay agad siyang umalis para ihanda ang kape ko.

Hindi nagsasalita ang God Father at patuloy lang sa pahigop sa kaniyang kape. Nagsalita lang siya ng dumating ang triple shot espresso ko.

"Bring us some of your specialties here."

Nagapaalam ang babae at muling umalis.

"Ano po ang gusto ninyong pag-usapan natin Sir?"

"Binuksan mo ba yung package?"

"Yes Sir,"

"Kung ganoon ay nakita mo na din ang mga pictures?"

"Yes Sir,"

"Well, that is impormation that Phoenix tells you."

"Do you want me to kill them all, Sir?"

Wala akong problema kung ipapatay niya silang lahat sa akin, wag lang si Math. Handa akong ibigay ang buhay ko para kay Mathilde.

"Alam ko na sila Amber Sison, Jeremy Martinez, Mikael Alonzo, at Gray Ivan Silvan-Vander ay nakasulat na ang mga pangalan sa Death Notebook mo. Pero ang babaeng si Mathilde Corazon ay wala."

Base sa sinabi niya at sa tono niya gusto din niyang isama ko si Math sa listahan ko. Ayoko siyang isama. At kahit kailan man ay hindi ko siya isasama sa listahan ko.

"Sir, about Mathilde Corazon,"

"Don't worry too much. Ang totoo niyan ay wala akong pakialam sa mga targets mo o sa babaeng mahal mo," at pagkatapos ay umayos siya ng upo at hiningi sa isa mga bogeyman na kasama niya ang isang folder.

"Natatandaan mo ba yung ilang babae at lalaki sa picture?"

"Yes Sir,"

Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang hawak niyng folder. Hindi ko iyon agad na binuksan dahil baka may sasabihin pa siya.

"Buksan mo ang folder,"

Binuksan ko ang folder ayon sa utos ng God Father. Sa loob ng folder, nakita ko ang mga profile ng mga babae at lalaki na kasama nila Math sa picture. Matapos kong basahin ang lahat ng profile nila, muli akong tumingin sa God Father.

"Ano po ang gusto ninyong gawain ko sa kanila, Sir?"

"This not an order anymore since you left the group. This is an special request from me. And it's up to you if you will grant my request or not. And it is also okay for me if you will not accept my request."

Aaminin kong medyo nabigla ako sa sinabi ng God Father. Siya kasi yung taong hindi humuhingi ng request lalo na sa isang katulad ko na umalis sa mafia niya.

"And what is this request, Sir? So I can know if I can grant your request."

Pagkatapos ay ibinigay niya ang ang smirk na hinding-hindi ko makakalumutan.

"If it is okay to you, I want you to go back to Bridle. And the main reason is I want you to put their names on your Death Notebook."

Naguguluhan ako dahil mga kasing edaran lang namin ang gusto niyang ipatrabaho. At kung pagbabasehan ang records, wala akong nakikitang mali o may kinalaman ang mga ito sa masasamang gawain.

"If you wouldn't mind Sir, can I know why you want me kill these kids?"

"Once you already know them, you'll understand why."

Eksaktong pagdating ng babaeng staff dala-dala ang ilan sa specialties nila, tumayo ang God Father at umalis. Pagkatapos ay binigyan niya ng pera ang babae at sinabing 'keep the change'. At bago siya tuluyang lumabas kasama ang ilang bogeyman, nagsalita muli siya.

"Do you grant it or not?"

"I grant your request Sir."

Hindi na ako lumingon sa kaniya para sagutin ang tanong niya. At pagkatapos no'n ay tuluyan na silang umalis.

Bigka naman napaupo ang babae sa sahig, pawis na pawis, namumutla, at tulala. Tinanong ko siya kung bakit at sinabi niyang pinatay ng mga bogeyman ang lahat ng customers nila. Pinayuhan ko siyang manahimik nalang sa ginawa nila kung ayaw niyang madamay ang buhay niya.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now