Chapter 15: The Ghost Knight

12 1 0
                                    

Math's POV

Nagising ako sa loob ng isang lumang kwarto at nakatali ang mga kamay at paa. May busal din ako sa bibig kaya mahirap sumigaw o magsalita. Maya-maya pa ay pumasok ang dalawa sa mga lalaking kumidnap sa akin. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng isa sa kanila dahil sa lakas ng sampal niya sa akin.

"Alam mo miss beautiful napaka swerte mo. Biruin mong naawa pa sa amin ang boss namin at binigyan ka pa niya ng hanggang alas dose ng hating gabi para mabuhay?"

"Pero ang malas mo nalang kung hindi dadating si 11. Kasi kapag hindi siya dumating bago lumagpas ang alas dose ng hating gabi, ipapadala namin ang mga parte ng katawan mo sa  ibat-ibang lugar. Hahaha!" Pagkasabi niya noon ay pumasok pa ang isang lalaki. Tinawag nila itong boss at pinlabas ang lalaki.

Lumapit ang lalaki saakin na tinawag nilang boss at inalis ang busal sa bibig ko.

"Ano ba ang kailangan ninyo sa akin?!"

"Ikaw lang naman ang aming ticket para mahuli si 11 at makuha ang malaking pabuya na nakapatong saulo niya."

Kung ganoon ay may malaking pabuya ang makakahuli kay 11. Sigurado akobg hindi sa mga pulis o sa kahit na saang sangay ng gobyerno manggagaling ang pabuya. Dahil marinig pa lang nila ang salita o pangalang 11, natatakot na ang ilan sa kanila.

Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng mga sigawan, putok ng mga baril, at mga nagbabagsakang gamit mula sa labas. Naging alerto ang dalawa at nakatutok ang baril sa pintuan. Maya-maya pa ay may kumatok at binuksan ang pintuan.

"Boss, may taong nakapasok at hindi namin siya mahuli. Ang bilis at ang liksi niya kumilos."

"Mga inutil ba kayo o mga tanga?! Iisang tao hindi pa ninyo mahuli? Lakad bumalik ka doon at hulihin niyo yung taong iyon."

Pagkatapos ay umalis ang lalaki at isinaradi muli ang pinto. Mas lalo pang lumakas ang mga sigawan at naging mas malapit ang tunog ng mga putok nga mga baril. Isang saglit lang at biglang tumahimik ang buong paligid. Bigla nalang may lumusot na isang ballpen sa pinto at napasigaw ang lalaki na 'naandito na siya'. Pagakatapos ay pinaulalanan nilang dalawa ang pintuan hanggang sa may umagos na dugo mula sa pinto. Nagre-re-load sila ng bala ng biglang bumukas ang pinto at bumagsak sa harapan namin ang lalaki kanina na puno ng tama ng baril. At mula sa kawalan, may isang tao ang biglang sumulpot sa likudan namin at sinaksak ang dalawang lalaki gamit ang ballpen. Pero hindi siya nakontento sa pananaksak niya sa isang lalaki. Pinutol niya ang kamay nito, at pagkatapos ay pinutol ang mga daliri bago ipasok sa loob ng bibig ng lalaki. At pagkatapos ay pinagbabaril niya ang mukha ng lalaki.

"S-si-sino k-ka?" Ang tanong ko sa lalaki. Para kasing pamilyar sa akin ang body built niya. At pakiramdam ko ay kilala ko siya.

"Kapag nalaman mo kung sino ako ay lalo ka lang madadawit sa gulong ito." Ang sagot niya sa akin at pagkatapos ay pinakawalan ako.

"Tinawagan ko na din ang mga pulis at mga kaibigan mo. Hintayin mo nalang silang dumating dito." At pagkatapos ay  tumakbo siya palabas ng pinto. Nang hahabulin ko siya ay bigla nalang siyang nawala na parang bula. Hindi man lamang ako nakapagpasalamat sa kaniya dahil sa pagliligtas niya sa akin.

At ilang minuto ang lumipas, dumating na ang mga pulis, ambulansya, at sila Amber, Gray, at Jeremy. Agad nila akong kinamusta at tinanong kung ani ang nangyari.

"Ayos ka lang Math? Wala ba silang ginawa sa iyo?"

"Ayos lang ako wag kayong mag-alala. Kaunting galos at mga pasa lang ito."

"Patawad Math kung hindi ka namin natulungan kanina."

"Okay lang yun Amber. Malakas sila at may mga baril pa. At baka madamay din kayo kung basta kayo kikilos."

Matapos kong sabihin sa kanila ang lahat, tinanong ko sila kung nasaan si Helio. Sinabi nilang hindi pa nila siya muling nakikita matapos ang insidente kanina sa Dark Castle.

"Hindi ba siya, nagte-text o tumawag?"

"Hindi eh. Hinahanao nga din namin siya kanina pa, kaso hindi namin siya makita."

"Hindi din siya nasagot sa mga text at tawag namin."

"Paano ninyo palanalaman kung nasaan ako?"

"May tumawag sa amin na anonymous number at sinabi niya na patay na ang lahat kumidnap sayo at kailangan mo na kami."

"Kilala mo ba kung sino ang naglitas sa'yo Math?"

Umiling ako sa kanila. "Hindi ko siya kilala o nakilala man lang. Medyo masungit siya at brutal pero magaling siya makipaglaban. At hindi din ako nakapagpasalamat sa kaniya dahil bigla nalang siyang nawala na parang bula."

"Hindi kaya siya si 11?"

"Hindi ko alam, pero mau posibilidad din. At base sa pakiramdam ko sa kaniya kanina, parang kilala kk siya at isa siya sa mga taong malapit sa akin."

Hindi kaya si Helio ang lalaking nagligtas sa akin? Hindi! Malabo! Mabait si Helio at mukhang hindi niya kayang pumatay katulad ng lalaki kanin na naglitas sa akin. Malamang na ang lalaki na nagligtas sa akin ay si 11, katulad ng hinala ni Amber.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now