Amber Sison POV
Lunch break na kaya bumaba kami sa cafeteria para kumain. Kasama namin si Alexandra para maging pamilyar siya sa mga facilities dito. At katulad kanina sa classroom namin, hanggang dito ay agaw atensyon ang kagandahan niya.
At habang naglalakad papalapit sa isang bakenteng lamesa, sinusundan siya ng tingin ng mga tao. Mukhang hindi naman siya naiilang at parang sanay na sanay na siya sa ganitong atensyon. Umupo kami sa bakanteng lamesa at sila Jeremy at Gray ang nag-alok na sila na ang bibili ng pagkain namin. Habang iniintay sila Gray at Jeremy, nakikipag kwentuhan naman kami ni Math kay Alexandra para mas makilala pa namin siya.
"Saang school ka pala nanggaling Alexandra?"
"Sa Holy Angels."
"Sa Holy Angels?!" Ang magkasabay naming sinabi ni Math at tumango siya sa amin.
Bukod kasi sa Bridle at Athena, ang Holy Angels ay isang taniyag at nirerespetong school. At ayon sa mga bali-balita, sobrang exclusive ng school na ito ano pa at ang mga anak ng mga congressman, senador, presidente, at ilan samga pinakamayayaman na negosyante ang nag-aaral dito.
"B-bakit ka naman lumipat dito?" Hindi ko naiwasan na itanong kay Alexandra. Hindi ko lang kasi maisip kung bakit umalis at lumipat siya dito.
"Uh, eh, ano kasi eh," ang sabi ni Alexandra habang hinihimas ang batok niya.
"Sabihin nalang natin na may nagawa ako sa Holy Angels kaya napaalis ako doon."
Gusto pa sana namin siyang tanungin, pero dumating sila Jeremy at Gray kasama ang mga P-Saints. Nagulat ang mga P-Saints ng makita nila si Alexandra. Hindi kaya kilala nila ang isa't-isa?
"A-anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ni Archel.
"Hmmm?" Mukhang hindi sila kilala ni Alexandra.
"Kilala niyo si Angel, Bro?"
"Alam mo Jeremy, hindi ako mabait sa mga lalaking hokage at breezy." Pagkatapos ay tumayo siya sa kinauupuan niya.
"Gusto mo ulit ng sample?"
Hinatak ni Rae si Jeremy palayo sa kay Alexandra.
"Hindi lang naman sa mga lalaking hokage at breezy, pati na din sa ibang mga tao na pinapatay mo."
Napatungo lang si Alexandra sa sinabi ni Rae. At ng muli nitong iaangat ang mukha niya, isang matalas na smirk ang ibinigay niya.
Kung ang akala ko kanina ay hindi kayang burahin ang matamis niyang ngiti, nagkamali ako. At kung akala ko ay si Ryu lang may kaya nito, kahit pala siya ay kaya din ito. At ang mas lalong nagpa-isip sa akin, ang sinabi ni Rae na pumapatay si Alexandra.
"Excuse me?"
"Kilala ka namin, kaya huwag mong tangkain na gumawa ng gulo dito." Ang sabi ni Gust.
"Huwag kayong mag-alala, hindi ko na uulitin ang ginawa ko noon sa Holy Angels."
"Hindi iyan ang tinutukoy namin, Night Witch."
"Excuse me, Night Witch? Tinawag mo ba akong Night Witch? Mukha ba akong bruha?!"
Ang pagtatalo ng mga P-Saint at ni Alexandra ay umaagaw na ng atensyon sa paligid. Sinabihan namin sila na lumabas na muna at sa labas nalang ipagpatuloy ang mainit na usapan. Pumayag naman sila at lumabas kami sa cafeteria. Pagkatapos ay dumiretso kami sa rooftop para ipagpatuloy ang diskusyon nila.
"Nasaan na nga ba ulit tayo? Ah, naputol tayo kanina sa pagtawag ninyo sa akin na bruha."
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ha? Tahimik na paaralan ang Bridle. Unless may kailangan ka dito."
"First of all, hindi ko kayo kilala. And then, hindi ko alam kung ano ang tiutukoy ninyo. At ang dahilan lamg kung bakit naandito ako ay dahil pinaalis ako sa Holy Angels at dito ko gustong mag-aral dahil mababait daw ang lahat ng mga estudyante dito. But I found it wrong. Hindi lahat ay mabait."
"Gusto mo bang i-expose namin ang tunay mong katauhan sa kanila?"
"What? You will expose to them that I am expelled from Holy Angels because I stab the eye of one of my stalkers?! Is that what you want?"
Nagulat kami sinabi ni Alexandra. Kung ganoon iyon pala ang ginawa niya kung kaya napaalis siya sa Holy Angels. May pagka-psycho pala siya. Pero hindi katulad namin, hindi nagulat ang P-Saint.
"Hindi iyan tinutukoy namin Night Witch." Ang sabi ni Nathalie at pagakatapos ay iniharap niya sa amin ang tablet na hawak niya.
Sa tablet, may nakadisplay na isang profile ng babae na kamukha ni Alexandra, pero kulay pula ang buhok. At base sa nakasulat sa profile, ang babaeng may alias na Night Witch ay lubhang mapanganib at malaking pabuya sa makakahuli sa kaniya. Patay man o buhay.
Bigla naman tumawa ng malakas si Alexandra dahil sa ipinakita ni Nathalie at napaupo sa sahig at hawak-hawak ang tiyan sa kakatawa. Muli niyang tiningan ang profile at muling humalakhak at napahiga na sa sahig. Mukha na siyang may sapi ngayon. Maya-maya pa ay tumigil siya sa pagtawa at nagsimulang bumangon sa pagkakahiga.
"Sigurado ba kayong ako yan?"
"Angel akala ko,"
"Manahimik ka Jeremy kung ayaw mong saksakin din kita sa mata ng chop stick."
At pagkatapos ay bigla siyang naging seryoso. Kung kanina ay mala-anghel siya, pagkatapos ay nalaman namin na may pagka-psychotic siya, parang sinapian ng kabaliwan kakatawa, at ngayon naman ay sobrang seryoso niya.
"Gaano kayo ka-sigurado na ako nga iyang taong yan?" Ang tanong niya. At ngayon ay para na siyang si Ryu, laging naka-smirk.
"Obvious naman hindi ba? Kamukhang-kamukha mo si Night Witch."
"At kung ang ipinunta mo dito ay si Helio o si 11, pasensya ka na lang, pero wala sila dito."
Teka lang, anong ibig sabihin nilang sabihin? Bakit nadamay dito si Helio at si 11?
"Nagkakamali kayo sa lahat ng aspeto. Pero kahit na ganoon, ay ayos lang sa akin. Ang sa akin lang naman ay unahin na muna ang trabaho bago ang ibang bagay."
"Alam namin. Pero wala nga dito si Helio o si 11, kaya ano pa ang kailangan mong trabahuhin dito?"
"Maganda yang tanong mo."
"Ano ka ba naman Archel. Hindi tayong bigong-bigo dahil nandito si Night Witch. Hindi man kasing laki ng patong sa ulo ni 11, atleast malaking isda na din ang kaharap natin ngayon."
"Sinabi ko sa inyo, hindi ako si Night Witch. Nagkakamali kayo sa ibinibintang ninyo sa akin."
"Kung hindi ikaw si Night Witch, puwes, sino ka?"
"Magandang tanong ulit. Ako si Alexandra, a.k.a. The Morning Vampire."
Nabigla ang mga P-Saints sa sinabi ni Alexandra. Samantalang kami naman ay naguguluhan at nakikinig lang sa mga pinag-uusapn nila.
"Oo, tama kayo ng narinig. Ako ang Morning Vampire. Kaya imposibleng maging ako si Ate. At ang isa pang mali ninyo, hindi ako naandito dahil para kay Helio o kay 11,"
Tumahimik sa pagsasalita si Alexandra ng magsalita si Math. "Teka lang muna. Sabihin ninyo, bakit nadamay si Helio dito?"
"Mamaya ay sasabihin ko sa inyo kung bakit. Pero sa ngayon, ipapaliwanag ko na muna ang isang mali nilang paratang nila sa akin." Ang sagot ni Alexandra kay Math at binigyan niya ito ng smirk.
"Hindi ko kailangang hanapin sila Helio at 11 o ang kahit na sino pa sa kanila, dahil nagta-trabaho ako kay 11."
Mas lalo pang nabigla ang mga P-Saints dahil sa sinabi ni Alexandra. At maging kami ay nagulat muli sa rebelasyon niya.
YOU ARE READING
Grim, the Ghost
Fanfiction-ON HOLD- "I wil seek revenge for my clan. I will destroy their mafias and kill them all. I will never leave anyone them alive. That's my oath and vow, I will make them all suffer in my bare hands." - 11 a.k.a Grim Hi guys! This is a Fanfiction of D...