Chapter 13: Dark Castle Hotel

9 1 0
                                    

"Bakit hindi kayo masaya? Ayaw niyo ba sa Dark Castle kasi madilim?"

"Uhm, hindi naman sa ganoon Math, may masamang karanasan lang kami noon sa isang ball night at naalala lang naming tatlo iyon."

"Ah gano'n ba? Eh ikaw naman Helio, bakit mukhang hindi ka din masaya?" Pagkatapos ay bigla silang bumaling sa akin.

Masaya ako dahil naresolba na namin kung sino ang nasa likod ng '11 muder case' at dahil may prom night kami. Pero ang dalawang dahilan kung bakit hindi ako masaya ay dahil, una, sa Dark Castle gaganapin ang prom night. Pagmamay-ari iyon ng isa sa pinakamalaki at pinaka-kinakatakutang mafia family sa Pilipinas, ang Most Wanted Mafia. Ang ikalawa, kilala nila ako at alam nila ang mga ginagawa ko. Kaya hindi malayo at hindi imposible na magkaroon ng problema sa prom night ng dahil sa akin.

Nagulat ako ng biglang kumaway sa mukha ko si Math.

"Ayos ka lang Helio? Parang ang lalim ng iniisip mo ah?"

"Ay gano'n ba? Pasensya na kayo sa akin."

"May problema ba Helio?"

"Uhm, hindi ko kasi alam kung ano at saan ako kukuha ng susuotin ko sa prom night." Pagsisinungaling ko sa kanila.

Ang totoo niyan ay ayaw kong madamay ang mga inosente dahil sa akin kung sakaling magkaproblema ng dahil sa akin.

"Para iyon lang eh, edi sumama ka sa amin mamaya. Hahanapan ka namin ng the best suit that will suit you."

"Teka, ano ba ang motif natin?"

Bigla silang napaisip sa tanong ko. Base kasi sa mga naalala ko, walang binanggit na motif o theme ang teacher namin. Maya-maya pa ay nagtaas ng kamay si Math at tinanong ang teacher namin tungkol sa motif o theme ng prom night.

"Oh, oo nga pala. Dahil sa Dark Castle Hotel ang venue natin, ang motif natin ay Black Masquerade."

Dahil may masquerade ang motif ng prom night namin ay medyo nakahinga ako ng maluwag. Pwede ko kasing itago ang mukha ko sa ilalim ng maskara para hindi ako makilala ng mga miyembro ng Most Wanted Mafia. Pero kahit na ganoon ay hindi ako dapat maging panatag.

Nagpatuloy lang ang mga kaliwa't kanang usapan tungkol sa prom night hanggang sa matapos ang morning class namin. Nang pumunta kami sa cafeteria, walang ibang pinag-uusapan ang mga estudyante kundi ang gaganaping prom night sa Dark Castle Hotel. Masayang-masaya silang lahat dahil dito ang venue. Kahit kasi na isa kang mayaman, kung hindi mo makakayang bayaran ang magiging bills mo sa Dark Castle Hotel, hindi ka din makakapsok.

Umupo kami sa paborito nilang spot sa loob ng cafeteria at sina Jeremy at Gray Ivan Silva ang pumila para bumili ng pagkain namin. Pagbalik nila Jeremy at Gray Ivan Silvan ay nagpatuloy ang pag-uusap namin tungkol sa prom night.

"So, ano Amber, Gray, Jeremy, Helio, a-attend ba kayo sa prom night?"

"Ako, okay ako. Mukha naman kasing walang masamang mangyayari na katulad ng dati." Ang sabi ni Amber.

"Ano ba yung masamang karanasan na sinasabi ninyo kanina pa? Pwede bang ikuwento niyo naman saamin ni Helio kung ano 'yon?"

"Uhm Math, isa 'yon sa pinaka madilim na araw ni Amber. Kaya wag sanang sasama ang loob ninyo kung hindi namin ikukuwento sa inyo. Pasensyana." Ang seryosong sabi ni Jeremy. Hindi ko alam na kaya din palang magseryoso ni Jeremy. Pero base sa pagiging seryoso nito ngayon, malamang na masama talaga ang nakaraan na iyon ni Amber. Pwedeng nasangkot sila sa isang malaking gulo, nasangkot sila sa mga ilegal na gawain ng mga mafia, o nanganib ang buhay nila dahil sa isang tao o grupo.

"Ikaw naman Helio, sasama ka na? Ako na bahala sa-"

"Oo, sasama ako, at wag na kayo masyadong mag-alala sa susuotin ko. Naalala ko kasi na may kaibigan nga pala akong designer, kaya sa kaniya nalang ako magpapagawa ng suit ko. Pwede ko din kayo ipagawa kung gusto ninyo."

"Sikat ba siya Helio? Pero sikat man o hindi, ipag- aghh"

"Pasensya ka na Helio kung ganito si Je. Naalog kasi utak nito dati eh."

"Bestie, ano ka ba? Tayo na nga ang inaalok ni Helio ng libreng susuotin tapos a-ayaw pa tayo?"

"Mahiya ka nga Jeremy. Hindi dahil sa libreng nag-alok si Helio, it means na tatanggapin mo nalang palagi."

"Ayos lang 'yon. At isa pa, wag kayong mahiya dahil kaibigan ko naman iyon at ako ang magbabayad ng mga damit natin na isusuot natin sa prom night."

"Pero sino nga ba yung kaibigan mong designer? Baka kasi mamaya sikat pala kaya lalong sobrang nakakahiya."

"Akong bahala sa gastos, kaya wala kayong dapat alalahanin. At kung sino siya, hindi ko alam kung sikat na siya ngayon worldwide. Pero ang pangalan niya ay Steff Brigala."

Nanlaki ang mga mata nila ng banggitin ko ang pangalan ni Steff Brigala.

"S-si STEFF BRIGALA?!"

Napatingin ang lahat sa amin ng marinig nilang napasigaw si Amber. At pagkatapos ay nagkaroon ng mga bulong-bulongan tungkol kay Steff Brigala. Malamang ay sobrang sikat na niya ngayon kaya ganito ang mga reaksyon nila.

"Oo, si Steff Brigala. Sikat na ba siya ngayon worldwide?"

"Oh come on Helio, kaibigan mo tapos hindi mo alam kung ano na nangyari sa kaniya ngayon?"

"Ilang taon na din kasi ng huli kaming nakapag-usap ni Steff, kaya wala na akong balita sa kaniya."

"Kahit pa Helio. Siya na yata ang pinaka sikat na designer sa buong mundo ngayon! Ibinabalita siya sa sa news, sa internet, ini-interview sa mga sikat na talk shows worldwide, tapos hindi mo alam ang balita sa kaniya?"

Ang totoo niyan ay hindi ko talaga alam. Hindi kasi ako masyado mahilig magbukas ng T.V. at manood ng new, ng mga talk shows, at mag-internet. Naka-focus kasi ako sa trabaho na ginagawa ko kaya wala ako masyadong oras ay panahon para sa mga ganitong bagay.

Pero kung talaga ngang isa na siya sa mga pinaka sikat na designer ngayon, hindi na iyon nakakapag taka. Siya kasi ang dating mananahi at designer ng uniforms at suit ng mga Bogeyman, Phoenix, at ng God Father. Pero umalis siya ng magkaroon ng problema ang pamilya niya ng dahil sa mafia.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now