Chapter 11: 11

16 1 0
                                    

Pagdating namin sa main campsite ay nakita naming ang mga estudyante na nakapaligid sa isa sa mga bus ng Athena. At sa gilid naman, ang dalawang estydyanteng babae mula sa Athena ang naiyak. Malamang na sila ang mga sumigaw kanina.

"Anong nangyari dito guys?"

"Nasaksihan ng dalawang estudyante ng Athena ang pagpatay sa isa nilang kapwa estudyante."

"Kilala ba nila kung sino ang killer?"

"Hindi daw nila kilala ang killer pero nakita nila ng harapan ang killer."

"Nakita nila ng harapan ang killer, pero hindi sila pinatay?"

"Oo. At iyon ang nakapagtataka sa kasong ito."

Maya-maya pa ay lumapit sa amin si Khael Alonzo.

"May nakuha ka ng impormasyon?"

"Oo. Ang biktima ay si Jeremiah Santiago, isang grade 10. At ang sinasabi nilang killer ay nakasuot ng black suit at may maskara na kamukha ng anbu mask sa naruto at may nakasulat na 11 sa noo."

Black suit, anbu mask, at may number 11 sa noo? Ako yun ah! Iyon ang itsura ko noon bilang si 11. Nakatitigan kami ng mga Phoenix at iniisip kung sino ang tao sa likod ng nagkukunwaring ako.

"Bukod doon Khael, may iba ka pa bang impormasyon?"

"May ibinigay daw na sulat ang killer sa kanila, at sinabing ibigay sa mga Phoenix."

Kung ganoon, maliwanag na ang killer ay may alam sa akin at sa mga Phoenix. Maaring isa siya sa mga dating tao ng God Father.

Ilang saglit lang ay dumating na ang mga pulis at ang ambulansya. Ibinigay naman ni Khael Alonzo ang sinasabing sulat na ibinigay ng killer kay Inspector Dean. At pagkatapos ay binasa ni Inspector Dean ang nakasulat.

"Ano po ang sabi sa sulat Inspector Dean? May kinalaman na naman ba si 11 dito?"

"Oo may kinalaman si 11 dito, dahil siya ang killer natin ngayon."

"Ano po ang sabi sa sulat?"

"Catch me if you can. Kill me if you can. Bring me home if you can. Yan ang sabi niya at sa baba ang initials na 11."

Ngayon ay maliwanag na para sa akin na may alam siya sa akin at sa Phoenix. Pagkatapos ay may pulis na bigla nalang ang nagmamadaling tumakbo papalapit kay Inspector Dean.

"I-inspector," sabi nito habang hinihingal.

"Bakit?"

"Umatake na naman po ang killer at nakitang may pinatay."

Pagkatapos ay agad naming pinuntahan ang sinasabing lugar ng pulis. Agad na tumambad sa amin ang dalawang bangkay na nasa-sabit sa dalawang puno. Puno sila ng saksak ng ballpen at lapis sa mga vital points.

Agad na ibinaba ang dalawang bangkay at nagsimulang mag-imbestiga. Sa mga katawan ng dalawang biktima ay may nakitang mga bagong sulat. Kinuha iyon ni Inspector Dean at muling binasa.

"Ano naman po ang sabi sa mga sulat?"

"Ang una ay, 'leave me alone Phoenix or I will kill more innocemt people'. At sa pangalawa, 'you can't catch me alive.'"

Ngayon ay siguradong-sigurado na ako na isang tauhan o dating tauhan ng God Father ang nasa likod ng nagpapanggap na ako. At dahil sa mga insidente ng patayan sa Camp Olympus, pinauwi na muna ang lahat ng estudyante at patuloy na nag-iimbestiga ang nga pulis.

Pagbalik ko sa condo unit ko, agad akong humarap sa laptop ko at gumawa ng mga research. At ayon sa mga na-research ko, si Jeremiah Santiago ay isa sa mga anak ng isang kilalang politiko na nagpopondo sa ilang terorista. At ang dalawang bagong bangkay ay sila James Buena at Andrew Buena. Mag-pinsan na dating mga tauhan ng Bellomo Crime Family. Pero nahuli sila at hinatulan ng sampung taon na pagkakakulong. Pero nabigyan sila ng parole makalipas ng limang taon. Pagkalabas nila sa kulungan ay nagbagong buhay na sila at nagtrabaho sa Camp Olympus bilang mga technical staff.

Dahil sa mga nalaman ko ay mas tumibay pa ang mga hinala ko na galing sa mga Bogeyman ang killer. Alam niyang ang mga pinapatay ko ngayon ay mga mafia, cartel, gang, at ilan pang mga masasamang loob na kasama sa underground society.

Ang mga Bogeyman ay mga tauhan din ng God Father. Pero hindi katulad ng mga Phoenix, ang mga Bogeyman ang mga ipinapadala sa mga pangkaraniwang mga transaksyon ng God Father. Pero pwedeng ma-promote ang isang Bogeyman sa pagiging miyembro ng Phoenix kung makikitaan siya ng mga matitinding sakripisyo. Katulad nalang ng pagpatay sa buong angkan, mga kaibigan, pamilya ng mga kaibigan, at kung ano-ano pa.

Pero naging miyembro ako ng Phoenix dahil sa isang espesyal na misyon na ibinigay sa akin.

Walang codenames ang mga Bogeyman dahil hindi naman nila kailangan iyon. Hindi katulad ng mga Phoenix na numbers ang codenames, dipende sa kung pang-ilan kang miyembro ng Phoenix.

Dahil sa mga kaso ng patayan sa Camp Olympus, ilang araw na hindi pinapasok ng Bridle ang kanilang mga estudyante para daw sa seguridad, sinamantala ko iyon para hanapin ang mga nagpapanggap na mga Phoenix at ang nagpapanggap na 11.

Nabigong hanapin ng mga Phoenix anf  nagpapanggap na 11, pero hindi ako nabigo sa paghahanap ko sa nagpapanggap na ako. Nahalata ko siya dahil ang lahat ng kilos, estilo, at sasakyan ko noon ay ginaya niya. Aksidente ko lang siyang nakita ng puntahan ko ang base ng isang Chinese Drug Cartel. At katulad ng inaasahan ko, hanggang sa estilo ng pakikilaglaban at pagpatay sa mga kalaban, ginaya niya ako. Nang matapos niyang patayin ang lahat ng miyembro ng Chinese Drug Cartel, doon ako nagpakita sa kaniya.

Naglaban kami. Pero sa huli ay ako pa din ang nanalo. Hindi ko kaagad inalis ang maskara niya dahil gusto kong gawain iyon sa Play House. Tinawagan ko din ang mga Phoenix para humingi ng tulong na madala ang pekeng ako sa Play House.

Ang Play House ay ang base ng God Father. Ito nasa isang pribadong isla sa Japan na pagmamay-ari ng God Father.

Pagdating namin sa Play House ay nakita ko ang mga mukha ng bago at dating bogeyman. At makikita sa mga mukha ng mga dating bogeyman ang galit at inis sa akin. Para kasi sa kanila ay sinayang ko ang pagiging Phoenix ko. Pero ang ilan sa kanila ay nagtataka dahil kasama ko ang mga Phoenix at dala-dala namin si 11.

Nakipag kita kami sa God Father para humingi ng permiso na makipag laro sa pekeng 11.

Grim, the GhostWhere stories live. Discover now